Dedicated to:
Ziann's POV
"Kamusta bago niyong katulong?" akbay sa akin ni Sean.
"Matibay" sagot ko at napa bitaw siya sa pagkaka akbay sa akin sabay tinignan ako na parang diring-diri.
"Mga lampa kayo mga b'ro" comment niya na dahilan para ihagis ko sa kanya yung bag ko.
"Wow nagsalita!" sigaw ko at kasabay nun ang paghagis din sa kanya ni Zane ng bag nito.
"Double shot yun hah!" Inis niyang sabi at lumayo sa amin sabay upo sa tabi ni Ezekiel.
"Matibay nga, nagawa pa ngang kurutin si Zyron sa tainga, sipain si Ziann sa paa at sikmuraan si Zane hahaha" pang lalaglag ni Ezekiel sa amin, oo nga pala andun siya.
"Nagawa yun sa inyo ng Maid niyo? Hoy Zyron! Bat mo hinayaang gawin yun sa iyo!" reklamo ni Rico sabay tadyak sa upuan ni Zyron.
"Tss, di naman kasi babae yun. Nag pa transgender lang yun.Hahaha" tapos siya lang natawa sa biro niya.
"Pero ito seryoso mga p're, maganda?" kislap na matang tanong ni Sean.
"Hindi" - ako
"Sobrang panget" - Zane
"Pandakekang" - Zyron
Mga sagot naming tatlo.
"Oy hindi ah. Maputi nga siya sobra eh" pag dedepensa ni Ezekiel sa paslit.
"Lumunok ng glutha yun" sagot ni Zyron na this time eh bumenta na.
"G*go!" Nakatanggap lang tuloy siya ng mura kay Rico.
"Natural yun, tska makinis siya. Tapos cute kaya niya" nahihibang na sabi ni Ezekiel.
"Oo cute, parang asong kalye" sagot ni Zane na ikinatawa ko ng sobra. Pftt hahah..
"Grabe naman kayo" sagot ni Rico at may kinuhang libro sa bag niya.
"Aral na naman?" Bagot kong sabi, pinakamatalino kasi sa amin si Rico. Kahit di obvious.
"Oo, pinalit ako sa pwesto ni Jeann as exchange student. Kaya mawawala ako" sabi niya ng di natingin sa akin at nagbabasa.
"Hala? Bawal ganun Rico. Eh di, hindi tayo kompleto" sigaw ni Zyron at binato siya ng papel.
"Speaking of kompleto. Where is Kent?" tanong ni Zane, oo nga ano? Kaya pala walang nag susuway sa kaingayan namin.
"Good Morning class!" Nagsitayuan kami ng dumating yung Prof.
"Good Morning Miss" bati naman namin at nagsi upuan. Nag simula magsalita ng mga walang kwentanf bagay yung Prof.
"Ah excuse po" nalipat ang atensyon namin sa nang istorbo, at pagkalingon ko.
Si paslit. Classmate din naman yan?! Tsk.
"Yes?" sagot ng Prof.
"Ah...... Dito po ba yung room A-4?" tanong ni paslit.
"Yes? Ano bang sadya mo?" lumakad ang prof palapit sa kanya.
"Hala paktay sungit" dinig kong sabi niya, na ikinatawa ng mga studyante.
"Whatt??" kunot noong tanong ng Prof.
"Hah? Ano po......... sabi ko po, a---- transferee po ako!" utal utal niyang sabi.
Napailing nalang ako sa paslit na ito "Baliw"
"She's funny"
"Yeah right, ano kayang standard niya sa life?"
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Teen FictionMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...