*******
Alex's POV
"Ano bang katangahan na naman ang pinagagagawa mo at dinadamay mo pa ako?!" inis na sabi sa akin ni Zane kasi lagi akong nakakapit sa likod ng blazer niya.
"Eh...... basta!" giit ko, pauwi na kasi kami at sasabay ako sa kanila, ayoko namang makausap yung dalawa pagkatapos ng mga nangyari dahil naiilang ako. Si Zane na lang ang pwede kong kulitin ngayun kahit ayaw pa niya.
"Para kang batang naliligaw, bitawan mo nga ang blazer ko!" asik niya at hinila ang blazer niya. Napasimangot naman ako pero nanatiling nasa likod niya.
Nang makarating na kami sa parking lot na walang nakakakita sa amin na kahit sino agad kaming pumunta sa kotse nila. Pagkabukas ng pinto ng kotse naabutan namin yung dalawa na nag e-earphones at pa sway sway at ng makita kami ni Zane ngumiti si Zyron ng malawak.
"Andyaan na pala kayo! Let's go!" hyper na sabi ni Zyron, balewala lang ba talaga sa kanya yung ginawa niya?!
Hinalikan niya po kaya ako! Hinalikan at sa lips pa yun!
"Wag mo sabihing sa akin ka din tatabi" irita akong hinarap ni Zane at nag fake smile ako.
"Oo?" pa cute ko pero syempre di aapekto sa isang Zane Jimenez yan.
"Subukan mo lang" pagbabanta niya.
"Eehhh Zane!" pagwawala ko na parang bata at nakahawak sa braso niya.
"Tumigil ka paslit kung ayaw mong ihagis ko gamit mo sa ilog, pumasok kana! Tumabi ka kay Zyron at Ziann sa gitna nila" utos niya, tumingin ako sa loob ng sasakyan at kay Zyron at nagsimulang mag panic.
"Zane ayaw, tabi na lang tayo!" giit ko.
"Ano bang problema mo?" taka niyang sabi...
"Oyyh pumasok na kayo aalis na tayo" sambit ni Ziann na nilabas ang ulo niya sa bintana at tinatawag na kami.
Kaya ang end namin, siksikan kaming apat sa mahabang upuan kahit may pang dalawahang upuan pa sa likod at sa tabi ng Driver seat. Wala eh, ayoko naman ma awkward at mailang sa dalawa..
Zane - Ako - Zyron - Ziann
"Bakit ba kasi dito mo pa pinaupo si Zane, paslit? Anong kabobohan na naman yan?" iritang sabi ni Zyron ay sikip na sikip.
"Oo nga! Lumipat na lang yung isa sa driver seat!" angil ni Ziann.
"Ako na lang yung lilipat!" giit ko pero nagsalita si Zane.
"Ako na lang ang lilipat dyaan kana" giit ni Zane, teka?! Iiwan niya ako dito kasama yung dalawa?! For real!
Akmang aalis si Zane ng hagitin ko ang kamay niya.
"Wag wag! Dito ka lang. Si Zyron or Ziann na lang sa driver seat!" suggestion ko, okay na sa akin mawala ni isa sa kanila sa tabi ko ng mabawasan ang tinik sa lalamunan ko.
"Ayoko nga dun, mas preferred ko dito" sambit ni Ziann .
"Lalo namam ako, mainit dun" dagdag ni Zyron. Napa kagat na lang ako sa labi ko sabay tingin kay Zane.
"Wag" pagmamakaawa ko.
"Ano bang problema mo? Buntot ka na ba ni Zane?" hinarap ko yung nagtanong na si Zyron.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Fiksi RemajaMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...