Chapter 23

36.6K 1.4K 74
                                    



********


Alex's POV

"Ano pa nga bang inaasahan ko? Malamang may suspension na magaganap" sabi ko at napabuntong hininga, yung tatlo naman parang walang pake sa nangyari kanina sa Guidance Councilor. Chill lang silang naupo sa sofa.


"Di ba kayo naapektuhan? Hellow, 2weeks lang naman kayong hindi papasok ng school muntik pa nga kayong masipa sa school" mataray kong sabi at nakaharap sa tatlong nakaupo sa sofa.


"Ipatahimik mo nga yang bunganga mong nakaka irita" pagsusungit ni Zane na inirapan ko lang. Wala man lang pakelam sa parusa nila.

"Ayoko, bilin ng Dad niyo sa akin na ilayo kayo sa mga ganitong bagay kaya ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang Maid niyo. Isa pa, ano bang dahilan bakit kayo nakikipag away sa mga yun?" irita kong tanong. Sa totoo lang parang makikita mo naman na yung kabilang panig ang may kasalanan at hindi sila. Ngisi pa lang nung lalaking gwapo kanina pang urat na.

"Sila ang tanungin mo kung bat sila nakikipag away sa amin" sagot ni Ziann .

"Eh bakit nga ba? Ano bang ginawa niyo kasi?" inis ko paring sabi at tinignan lang nila ako at umiling-iling.

"Chismosa" sabi ni Zyron at sinaksak ang earphone sa tainga niya. Bastusan ba.

"Edi Chismosa, kung sinabi niyo na lang diba edi natapos na at di na ako ratada ng ratada dito sa harap niyo" pananaray ko, tumingin naman sa akin si Ziann at napabuntong hininga.

"Sasabihin ko, manahimik ka lang" bilin muna niya bago ako nag indian sit sa sahig.

"Si Kent at yung lalaking pang asar ay si Daryl, half brother sil-----" hind ko na pinatapos muna si Ziann at nag react agad.


"Ano?!!! Kaya pala ang fafabels ni Kuy----" naputol ang mga sasabihin ko ng sinamaan ako ng tingin ni Ziann.

"Kung patapusin mo kaya si Ziann, paslit?" sarcastic na sabi ni Zyron, napa peace sign na lang ako at poker face lang si Ziann sa akin.

"So yun, half brother sila. Magkaaway silang dalawa, ang totoo niyan hindi naman actually totoong gang ang binubuo naming mga sikat sa Masllavine, parang grupo lang ng mayayaman at sikat trip lang kumbaga. Yung mga nakipag away sa amin kanina, sila ang totoong gang mga taga Deston University sila at mayaman din ang mga nag aaral dun. Sa pagkakaalam ko yung iba sa kanila at si Daryl ay kasama sa frat"

Napa gasp ako sa sinabi ni Ziann pero di na nag react muna, mamaya batukan pa ako niyan. Kasama siya sa frat? Kaya pala ganun na lang siya kakampante at yung mga kasama niya nung paluin si Kent ng kahoy. Pero ano bang dahilan ni fafabels Daryl?

"Eh Ziann, ano bang dahilan ng fafabels Daryl na yun at ganun na lang siya umasta kay Kent. Kapatid parin niya si Kent" seryoso kong tanong, bigla namang nag iba ang aura nilang tatlo at parang papatay ng tao.

"Anak sa labas ang Daryl na yun, at yung Ama niya ay isang kriminal. Magkapatid sila ni Kent sa Ina ganun din si Ms.President, kapatid niya ang demonyong yun" sagot ni Zane pero din naharap sa akin at nakakuyom lang ang kamao.

"Pinatay ng Ama ng Daryl na yun ang Daddy nila Kent at President, kung anong sanhi siya din talagang bunga. Demonyo silang mag ama" halatang inis na sabi ni Zyron.

"Sabi niyo hindi kasama si Kiel sa grupong binubuo niyo? Bakit siya nandoon? Bakit siya nadawit doon?" tanong ko muli, naabutan ko si Kiel doon diba? Na may mga galos at nakasalampak sa sahig.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon