Chapter 41

30.6K 1.4K 163
                                    

Alex's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw at naaninag ang isang babae. Yung Nurse, ng madatnan niya ako agad niya akong nilapitan.

"Gising ka na pala, kamusta ka na?" tanong niya.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong puting kwarto at naalala ko yung mga nangyari kahapon. Pati yung masakit na pananalita ni Zyron sa akin.

"T-Teka bat ka umiiyak?" tumingala ako mula sa pagkakayuko at tinignan yung Nurse. Naiyak nga ako.

"W-Wala po" giit ko at pinunasan na parang bata ang mga luha ko.

"Sigurado ka? Nga pala kumain ka na oh heto" at inabot niya sa akin ang isang tray na may gatas at lugaw doon.

"Thank you po" inabot ko iyon at nilagay sa hita ko.

"Wala ka ba talagang kasama? Sabi kasi ng Nurse na naka assign sa iyo kahapon eh wala kana daw talagang kasama simula ng dumating ka dito? Paano mo nadala ang sarili mo dito?" tanong ng Nurse, di ko akalaing ang mga Nurse na ito ay slash Reporter na.

Yumuko muna ako at binitawan ang kutsarang hawak ko.

"Wala po talaga eh" sagot ko at tinignan siya.

"Ahh ganun ba, ang cute mo naman para maging mag-isa? Ang ganda pa ng style ng pagka color mo sa buhok mo" ngiti ng Nurse kaya napangiti din ako.

"Hahahah. Thank You po! Nga po pala magkano bills na babayaran ko dito?" tanong ko at nagsimulang magdasal sa utak ko na sana eh hindi kalakihan ang babayaran ko.

"Nakabayad na po kayo lahat ng bayarin" sagot ng Nurse. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Wala naman akong kasamang pumunta dito ah?

"Sino daw po ang nagbayad?" usisa ko.

"Umalis na daw agad eh kaya hindi na nakilala kaya no choice kund kunin yung bayad" sagot ng Nurse.

Hindi kaya si Hera? Matawagan nga.

"Umm Nurse pwede po peram ako phone ninyo may tatawagan po kasi ako eh?" nahihiya kong tanong.

"Ah sure eto ohh! Basta picture tayo mamaya hah?" agad akong napa look kay Ms.Nurse.



Hanggang dito Artista parin ako! Wooooohh!!




Tinype ko dun ang number ni Hera at buti na lang eh alam ko kung anong number nun. Nilagay ko sa tenga ko ang phone ng i-dial ang no. at nag ring naman siya.

"Sagutin mo pleassee" bulong ko sa sarili ko.

"Helow?" Kyaaaahhh sumagot si Hera....


"Hera?!" tugon ko.


"Yes speaking, who's this?" aba englishera. Masakit na nga puso ko dahil kay Zyron pati ba naman utak ko madadamay?


"Si Alex" sagot ko, bigla akong nakarinig ng pagkalabog sa kabilang linya.



"ALEX?!" nalayo ko ang phone ng di oras ng sumigaw si Hera.



"Oo di ako binge!" angal ko at hinimas ang tenga ko.



"Asan ka?! Asan ka ngayun?! Anong nangyari sa iyo?! Ayos ka lang ba?! Hoy Alex?!" nilayo ko muna ang phone sa tenga ko dahil sa sigaw ni Hera sa kabilang linya.


"Ayos lang ako ano ba! Ang OA mo na di na bagay! Tska masakit na ang puso ko dahil kay Zyron at utak ko dahil sa englishing mo tapos ngayun pati ang tenga ko idadamay mo pa?! Aba di na makatarungan yun!" angil ko.


Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon