Zane's POV
"Zyron uuwi na tayo" sabi ko kay Zyron.
Wala ng ginawa ang abnormal na'to kundi mag lakwatsa at kung saan saang lugar na lang siya nakikitang natutulog, hindi na din pumapasok ng school ang loko at bihira na makihalubilo sa hapagkainan dahil nga sa nalakwatsa siya.
Para bang nagrerebelde. Si Ziann naman nakikisabay din pero hindi naman siya nagrerebelde, nambabae lang. Kung dati dalawang babae lang pinagsasabay niya ngayun nasa lima o pito sa isang araw ang inuuwi sa Mansion, kung pagalitan man siya ni Lola at Dad hindi niya na lang pinapansin. Ako? lagi din akong umaalis at pumupunta sa tahimik na lugar.
Nagkataong nakita kong napaaway ang abnormal na ito kaya sinundan ko. Tsk.
"Dun ka na nga Zane! Tss" takwil niya sa akin at uminom ng alak.
"Ako ang bunso pero sila ang umaaktong bunso psh" giit ko.
"Uuwi ka na dahil bugbog sarado ka ng abnormal ka" - Ako.
"Oh nandyaan kayo?!" nairita ang tenga ko sa sumigaw na kahit diko harapin kilala ko na.
Si Ziann na may mga babaeng kasama pito, lahat sila sinamaan ko ng tingin para magbigay babala na wag lumapit sa akin.
"Girls wait niyo na lang ako" sabi ni Ziann sa mga babae niya at umalis ang mga yun.
"Anong anyare sa iyo Zyron?" tanong niya.
"Bugbog sarado ang kambal mo Ziann, iuuwi mo na yan" giit ko.
"Kambal mo din naman yan ah! Tska may mga ka date pa ako" apela niya na ikina poker face ko.
"Alam niyo kayong dalawa pabayaan niyo na lang ako" singit ng abnormal at naglakad palayo.
Tinitignan namin siyang lumalakad palayo at may nabangga pero di niya pinansin at mukhang nagalit yung nakabanggaan niya kaya kinalabit siya pero sa di ko malamang dahilan sinapak agad ito ni Zyron.
"Ano ba naman yan! Wag mo sabihinh makiki usyoso tayo dyaan?!" tanong ni Ziann at napakamot sa ulo niya.
"Madami na sila ipapabugbog mo na lang ba ang abnormal na yan? Tsk" sabi ko at nakapamulsang naglakad.
Pinaharap ko sa akin ang isang lalaki na sinusuntok si Zyron, humarap siya sa akin at akmang sisigawan ako pero inunahan ko na siya at sinuntok ko.
"Aba tol gago 'to eh"
"Bugbugin mo!"
"Mga mayayabang!"
Sa totoo lang si Zyron naman talaga ang may kasalanan dito eh. Pero hindi ko kayang manood na lang sa kanya na nabubugbog.
Napatumba ako sa lapag at sumunod sa pagtumba ko si Zyron, nagkatinginan kami at napangisi.
Kambal nga kami.
Pinunasan ko ang dugo sa labi ko at sabay kaming tumayo ni Zyron at sinapak yung mga lokong lalaki na tumumba sa amin.
"Zyron!!" sigaw ko ng makitang may hawak na kahoy ang lalaking nasa likod niya.
"Aba maduga yan p're nagmumukha ka ding bakla" impit na boses na sabi na Ziann at hinawakan ang kahoy na hahampasin sana kay Zyron.
Napailing na lang ako na may kasamang ngisi at sinuntok yung nasa harap kong kanina pa ako iniinis.
Nagkabanggan ang mga likod naming tatlo at napatingin sa isa't-isa.
"We're triplets kaya kung anong sasabakan niyo syempre andoon na din ako!" hiyaw ni Ziann at ngumisi.
"Hahaha loko yung mukha natin mapupuruhan dito, pero oks lang mga gag* 'to eh may dalang kahoy" giit ni Zyron. Tss.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Teen FictionMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...