A/n: Hai! Heheh kala niyo last na yun ano?.. Well may mga special chapters pa syempre, alangan namang doon lang yun.. Palagi nga akong pabitin kada UD (hehehe sorry na xD) kaya hindi ko naman pwedeng hayaang pati sa epilogue eh bitin din.. Kailangan natin ng panulak sa lahat ng huling chapters na masasakit.
Dedicated to:
Alex's POV
"Zyron isa kapag ako nainis -__-"
"Ihh!.. Sige na kasi paslit eat this! Eat!"
"Ayoko sabi eh!"
"Isa!.. Alex, mahal ko kakain na yan yieehh!"
Uggh! Kainis talaga itong si Zyron! Sobrang isip bata.. Paano ba naman kasi, gusto niyang kainin ko yung ginawa niyang scrambled egg na sobrang sagwa ang itsura! Kapag tinitignan ko nga yun para bang naggu-good luck na lang ako sa sikmura ko kung paano niya ida-digest yun!
"Kailangan ko ba talagang kainin yan Zyron?" medyo nandidiri kong tanong.
Diba nagluto siya ng masagwang scrambled egg?.. Proud na proud na siya niyan na nakakaluto na daw siya! Kaya kapag nakasal na daw kami siya ang maninilbihan sa aming dalawa tapos ako sitting pretty lang.. Sweet na sana eh! Kaso.. Kaso yung scrambled egg talaga ang sagwa!.
Sunog na kasi yun tapos hindi niya ata tinanggal yung egg shell... Ito pa!.. Lalong nagpasagwa yung kamatis! Oo nilagyan niya ng kamatis para daw healthy! Waaahh.
"Tss.. Sige na nga wag mo na kainin.. Baka sumakit pa tiyan mo! Kainis kasi eh, ang panget ng scrambled egg ko!.. Pinaghirapan ko pa naman ito kanina pang umaga.. Walang kwenta! Aga aga ko nag effort eh =___=" aniya and looking frustrated..
3 years na kami ni Zyron.. Walang nagbago maliban sa fact na napakaseloso pa rin niya, yung tipong may titigan lang ako saglit o kausaping ibang lalaki naiinis na siya -__- Pero hindi nagbago yung pagmamahal sa akin niyan, lagi siyang napunta sa bahay kahit na nakakarinig siya ng putukan ng baril sa bahay dahil kila ate Nichole at kuya Shane.. Tapos papaalam pa yan kay Kuya Tom na lalabas kami, sweet nga yan eh.. Kahit di obvious hehehe.
Naupo ako sa tabi niya at iniharap ko ang mukha niya sa akin.. Naka flat poker faced siya. Hahah.
"Zyron.. Hindi mo naman kailangang paglutuan pa ako okay?"
"Ehh.. Dapat busog ka kahit mataba ka na dapat hindi ka malipasan ng gutom!"
Loko 'to ah -___- mataba daw.
"Mataba? Gusto mo barilin kita?" pananakot ko sa kanya at nilabas ang baril ko.
"Hehehe joke lang ikaw naman paslit masyadong seryoso.. Pero hindi nga, gusto kong makitang busog ka kasi ayokong nakikita kang malamya.. Kasi kapag ganun, magagaya din ako.. Ikaw kasi ang source ng lakas ko, kumbaga ikaw ang araw ng buhay ko"
Shutek!
Bumanat na naman ang isip batang si Zyron! Kyaaahh namumula na tuloy ako.
>///<
"Kinilig ka ano? Hahah" tapos yan na ang litanya niyang kasunod.
Ganyan si Zyron, babanat pagkatapos aasarin ako na kinikilig daw ako.. Totoo naman pero kasi nakakaurat -__-
"Heh!.. Mas nakakakilig yung pick up line sa akin ni Zia-----"
*kiss*
O___O
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Teen FictionMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...