***********
Alex's POV
"Magkakaroon po mamaya ng meteor shower, abangan ang makikinang na shooting star na inyong matatanaw sa kalangitan"
Napatigil ako sa paglalakad ng maabutan si Zane na nakatayo at tutok sa telebisyon nila ng i-announce ang tungkol sa magaganap na meteor shower.
Seryoso? Naniniwala siya dyan, corny niya naman. Dumiretso na ako sa kusina kung saan tinutulunga ko si Manang Ellie sa pagluluto.
"Manang Ellie, diba po matagal na kayo nanunungkulan dito?" tanong ko.
"Oo bakit?" tugon sa akin ni Manang Ellie habang busy sa pagluluto.
"Si Zane po ba, naniniwala yun sa shooting star?" pagtatanong ko, na curious kasi ako eh. Parang d naman yung tipo ni Zane ang maniniwala sa mga ganoong kalokohang bagay.
"Oo, noong bata pa kasi silang tatlo kada may binabalitang meteor shower laging nalabas yang si Zane at nag wiwish. Ang wish niya daw ay bumalik ang Nanay niya" sagot ni Manang Ellie.
Napaisip naman ako saglit, ang corny nga niya.
**
Lumabas muna ako saglit kahit nakapajama na at t-shirt na medyo malaki para magpahangin.
"Aahh, sarap ng hangin" sabi ko habang nag-uunat unat dito sa bakuran nila at ang dilim na.
Napatigil ako sa pag unat ng makita si Zane, seryoso talaga siya sa paniniwalang yun hah?
Lumapit ako sa kanya at halatang di niya napapansin na nakaupo na ako sa tabi niya, nakatingin kasi siya sa langit at mukhang ewan.
"Naniniwala ka na kapag nag wish ka sa isang shooting star matutupad? Corny mo naman" sabi ko at himikab.
"Teka... Bat ka andyan?" tanong niya. Manhid naman masyado ng taong ito.
"Kasi nandito ako" tugon ko at nag unat unat ulit.
"Tss, pilosopa" giit niya at muling tumingin sa langit.
"Di kaya yan totoo" pagkokontra ko.
"Wala akong pake" poker face niyang sabi kaya nag make faced na lang ako. Chee!
Hindi talaga kasi ako yung tipo ng tao na naniniwala sa mga ganyang kalokohan o paniniwala ng mga tao.
Napatingin nalang ako sa kanya ng pumikit siya at pinagdikit ang mga palad niya na animo'y nagdadadasal ng may nagdaan na isang shooting star. Sus, sayang lang effort niya.
"Alam mo kung ano winish ko?" tanong niya at nakaharap sa akin.
"Pake ko sa winish mo? Pero sige na nga ano?" giit ko at naglakad para pulutin yung nakakalat na balat ng chichirya at sa diko malamang dahilan.
Boogsshh
Nadapa ako.
"Ang madapa ka" kasabay ng pagkadapa ko yung sinabi niyang yan. Kaya agad akong napatayo na parang wala lang at nilapitan siya agad.
"Di nga?" di ko makapaniwalang tanong.
"Alam mo, di masamang maniwala sa isang bagay na pinapaniwalaan ng lahat" sambit niya ng di natingin sa akin at nakatingala sa kalangitan.
Napatingin ako sa kalangitan at agad kumunot ang noo. Wala naman sigurong masama kung mag wish din ako, isang beses lang naman. Nariyan na ang meteor shower kaya pinikit ko ang mata ko at pinagdikit ang dalawang palad ko sabay hiling.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Fiksi RemajaMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...