Chapter 37

33.4K 1.3K 165
                                    

Alex's POV

Tatlong araw makalipas ang Field trip namin at balik School ngayung araw ng lunes. Tatlong araw ko na ring di nakakausap si Zyron.

Ewan ko pero feel ko may kulang sa akin. Bihira ko siyang makita sa Mansion dahil sabi nila Manang Celia eh maaga daw naalis at di alam kung saan napunta ang loko.


"Ziann asan si Zyron?" tanong ko sa kanya habang nag aayos ng gamit ko para makalabas na, si Ziann, Kiel at ako na lang ang natitira dito.


Bigla siyang tumingin sa akin ng seryoso kaya kinabahan ako.





"Bakit mo siya hinahanap?" seryoso niyang tanong.




"A-Ah kasi........." Patay anong isasagot ko?




Teka nga! Bat ko nga ba siya hinahanap!






"Ziann tara na! Gusto ko ng kumain" - Kiel.


Malaki ang pasasalamat ko ng biglang sumingit si Kiel at tinignan sya ni Ziann sabay tango.




"Bye Alex!" sigaw ni Kiel at kumaway pa sa akin kaso si Ziann dire-diretso lang na lumabas.




Binilisan ko na ang pag ayos ng gamit ko at agad na lumabas ng room.



**




"Omyghad! Nililigawan talaga niya si Andrea ng Deston?"




"Diba siya ang kinikilalang dreamest girl ng mga taga doon?!"



"Oo nga eh kaya bagay sila!"





"Awww ang sakit may nililigawan na ang crush ko!"




"Patiwakal na girls!"




"Binigyan pa daw niya ng Boquet of Flowers!"




"Ang sweet talaga niya!"





"Kyaaaahhh bagy sila!"



"Pakamatay na ako!"



"Ang ganda ni Andrea bagay talaga sila ni Faf-------"



Natigil ang pakikinig ko sa nga estudyante dito ng may tumakip sa dalawa kong tenga mula sa likod, at nagulat ako ng nag si hiyawan ang mga babae at biglang ewan na nanahimik bigla.




Pagkaharap ko.




"Zane? Buhay ka pa pala" sarcastic kong sabi kasi naman di din na niya ako pinapansin.


"Malamang, nasa harap mo pa ako tanga" pagsusuplado niya.



Nabalik naman ako sa ginagawa ko kanina kaso di na sila nag chichismisan at naka heart shape na lang ang mga mata nila kay Zane na nasa tabi ko.




"Bat mo ba tinakpan tainga ko?" inis kong tanong.




"Chismosa ka talaga" sagot niya lang.



"Eh syempre, pero sino yung Andrea? at sino yung nanliligaw daw sa kanya na fafavels?" tanong ko at atat sa sagot.




"Wala akong pake sa kanila" giit niya at naglakad. Bastos.



Napasimangot na lang ako at nagpuntang office ni Hera at Ms.Pres para makipag kwentuhan, wala naman kasi akong kaasaran ngayun gaya ni Zyron diba.






Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon