********
Alex's POV
"Lumabas na daw yung result sa exam!!" sigaw ni Hera at nagsilabasan yung mga kaklase namin. Nanatili naman akong nakaupo sa upuan ko at sila nagkakagulo, isama mo si Sean na tili ng tili na parang babae :3
"Ayokong tumingin, mamatay ako" sabi ni Kiel na nasa kanan ko at nagtatakip ng bag niya. Para siyang bata na ewan pero ang cute cute!
"Kyaaaahhhh sunog!" sumigaw ni Sean, karindi nga siya sa tenga eh.
"Shut up Sean!" sigaw sa kanya ni Kent at napahilot sa sintido nito.
Yan tuloy, dali daling lumabas si Sean at tinulak ang mga kaklase namin na nasa pinto at nagkukumpulan.
Napapalibutan ako ng mga iba't-ibang uri ng mga tao xD
"Di ka lalabas?" tanong ng taong nasa likod ko.
"Mamaya na" sabi ko kay Zane.
"Eh ikaw?" tanong ko din sa kanya at inayos ang mga libro sa desk ko.
"Pupunta ko" sabi niya at kinuha ang bag niya sabay alis ng nakapamulsa, sumunod naman si Kent sa kanya at lumabas sila. Sila ata ang magkambal eh.
Lumingon ako sa paligid at ako na lang pala ang natitirang tao sa loob, kaya dali dali kong inayos ang mga gamit ko.
**
"She's in the rank no.2"
"Matalino talaga siya, kahit minsan tinutulugan niya ang klase"
"Well natalo niya si Kent, may kaso kasi si Baby Kent eh"
"I admire her, bihira maka rank ng mataas ang transferee"
"Malapit niya na ngang naabutan si Hera"
"Pero pustahan dre, pag andito si Rico siya talaga ang una"
"Bagong headline ito, transferee naka rank 2 agad sa examination"
Napakunot ang noo ko sa bulungan nila na nagkukumpulan sa Bulletin Board kung saan nakapaskil ang mga ranks for the 3rd examination. Di naman ako makasingit kaya patalon talon ako dito sa likudan. Sino kaya yung sinasabi nilang rank 2? Rank 1 pala si Hera kung ganoon, muntik daw mahabol ng 2 eh? Ano kayang section nun.
"Kangaroo" tumigil ako pagtalon talon ng makita ang nakangising si Zyron.
"Wow, kangaroo naman ngayun?" sarcastic kong tanong.
"Eh patalon talon ka kasi dyaan" sabi niya habang papalapit sa akin. Paksit naman, napahawak muli ako sa dibdib ko at nag inhale exhale.
"P-Pake mo ba" nauutal kong sabi at tumalikod sa kanya.
"Congrats" sabi niya na nasa harapan ko na at nakangiti sabay gulo ng buhok ko.
Paksit na life!
"Para saan?" tanong ko sa kanya at iniwaksi ang kamay niya na nasa ulo ko.
"Ay lintikang buhay" sabi niya lang at balak kong mag reklamo ng magsalita muli siya, di nga lang ako ang kausap niya.
"Guys, pwedeng tumabi muna kayo" sigaw niya sa mga estudyanteng nagkukumpulan at biglang nagsi tilian ang mga babae ng makita siya at kusa silang tumabi.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Novela JuvenilMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...