Chapter 14

40.9K 1.5K 62
                                    


********

Alex's POV

"Alex, sigurado ka bang kaya mo na?" tanong ni Manong Eddie ng akma akong baba ng sasakyan nila Hudas.

"Opo kaya, ako pa" sabi ko kahit ang totoo, iika-ika pa ako.

"Kaya daw, pwede ba paslit pag magsisinungaling ka. Yung kapani-paniwala naman, wala kang ka pag-asa asa maging actress eh" sabi ni Ziann na nag make face lang ako. Bala siya.

"Kaya ko nga! Tss, makaalis na nga" sabi ko at tumayo para bumaba.

"Iika-ika ka pa nga ohh" turo ni Zyron sa pilay ko.

"Ganyan lang yan, syempre kagagaling lang" pagsasawalang bahala ko.

"Bala ka dyan, tigas kokote" bulong ni Ziann pero narinig ko.

"Shuppiii na nga kayo" pagtaboy ko sa kanila.

Ng makaalis na sila, napahawak ako sa binti ko. Mashakit pele, huhuhu. Lumakad ako papasok ng campus at didiretso ako sa may mga upuan para maka upo. Sakit eh.

"Alexxxxx!!!!" napalingon ako sa sumigaw na si Hera at nakalabas ang ulo niya sa bintana ng sasakyan.

"Baliw ka talaga, mapugot ka pa dyaan" sabi ko ng huminto ang sasakyan niya at bumukas ang pinto at iniluwa ang isang Hera Quil.

"Ayos ka lang? Yung pilay mo okay na? Iika kapa hah?" sunod-sunod niyang tanong.

"Alam ko nag aalala ka sa akin Hera, pero vhevhe ang O.A mo hah" natatawa kong sabi na ikina poker face niya.

"Heh, ikaw talaga Alex pinag aalala mo ako. Pero ito Alex, seryosong si Zane nag alalay sa iyo para makauwi?" tanong niya. Chismosa talaga nakooo.

"Oo, di nga kapani-paniwala diba" medyo buryong kong sabi.

"Tama ka, hindi kasi yung tipo ni Zane ang kilala kong aalalay sa isang babae. Ungenthelman yun atii, isa pa, walang pakealam yun sa iba. Kaya masasabi kong, anong klaseng pagmamakaawa ang ginawa mo sa harap niya?" tanong ni Hera, napa face palmed naman ako sa tanong niya.

"Tungekk!! Una kasi nag pabili ako pain killer para sa manhid pero ayaw niya. Pero umupo siya sa harap ko ng nakatalikod at tinuro ang likod niya----" nabitin sa ere ang mga sasabihin ko ng....

"Waaaahhhh piggy back ride ka ni Zane?!!!!" sigaw ni Hera na ikina lingon ng mga estudyante.

"Tinitingin niyo?" mataray niyang sabi.

"Ikaw na nga sumigaw ikaw pa may ganang mag reklamo. Ganda niyan" pang aasar ko sa kanya na ikina irap niya lang.

"Kasi naman ihhh!! Hindi gawain ng isang Zane Jimenez yan! Sure ka bang wala kang ginawa para i-piggy back ride ka niya?"

Napapunas na lang ako sa mukha ko sa paulit-ulit na tanong ni Hera.

"Wala nga!" naiirita kong sabi.

"Chill ka lang, okay okay naniniwala na ako. Na text ko na si Ms.President, sabi niya di ka mag papraktis ng dance move. Instead ang papraktisin mo eh yung part na kung saan ikaw ay kakanta at magra-rap" sabi ni Hera na ikina-tango tango ko nalang at di nag react.

"Wow, di nagreklamo si Ms.Guevara" pangungutya ni Hera.

"Ikaw ba namam diba? Maglakad sa maala Hogwarts na University na ito at may pilay? Magrereklamo ka pa ba?" sarkastiko kong sabi, nag peace sign lang si Hera at malawak akong nginitian.

"Tara na nga" yaya ko sa kanya para maka upo na ako.

*****

"Class dismissed"

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon