Chapter 16

34.9K 1.6K 145
                                    



********

Hera's POV

"Naiinis ako kay Zyron!! Ugh!" sigaw ko dito sa student council office at dahil sa pag sigaw kong yun, lahat ng tao sa loob nagsilabasan.

They know me, maldita at warfreak ako. Pag galit ako lahat ng nakikita ko gusto kong masira kaya lalayas na sila.

"Easy nga lang Hera, then wag ka maingay SHHH" sabi ni President at nag sshh pa sa harap ko.

"Di ka ba nag aalala kay Alex Ms.Pres? Tignan mo! Absent siya ngayun, baka di pa yun makasayaw sa event!" sigaw ko at napaupo.

"Don't worry Hera, I will do everything para successful ang presentation natin. You know me right?" preskong sabi ni President at parang walang problema.

"Paano ka nagiging chill ng ganyan?" tanong ko at inirapan siya.

"Hahahah!! Manahimik ka na nga lang" sigaw niya at tinuon muli ang atensyon sa loptop niya. Sirain ko yan eh.

Di pumasok si Alex, ano pa bang expect? Pinahiya ba naman ni Zyron sa harap ng maraming tao at sinabihang THIEF? Tapang mo na lang kung may gana ka pang magpakita pagkatapos kang siraan.

"Come here Hera" sabi ni President at nakangisi pa.

"Ang creepy mo" reklamo ko at lumapit sa kanya.

Then I look sa screen ng loptop niya.

"I love you mwaahhh" sabi ko sabay kiss sa pisngi ni President.

"Ewwww!! Yack!" reklamo niya at pinupunasan pa ang pisngi niyang hinalikan ko. Arte.

***

Alex's POV

"Sigurado ka bang aalis ka na talaga Alex?" tanong ni Ate Celia.

"Opo, uunahan ko na si Mr.Jimenez na mag fired sa akin" sabi ko at inaayos ang maleta ko.

"Kasi naman eh, di ka pa nga nag iisang buwan aalis ka na agad? Grabe talaga yang ugali niyang tatlo" inis na sabi ni Manong Eddie.

"Nako naman po kayo, okay lang yan! Kahit wala po ako dito tuloy life" cheer up ko sa kanila at nginitian sila.

"Kaw talagang bata ka" kurot ni Ate Celine sa pisngi ko.

"Aray ko po hah" pagrereklamo ko at napahimas sa pisngi ko.

"Pero ingat po ka----" naputol ang mga dapat kong sabihin ng dumating si Mr.Jimenez at napalaki ang mata ko

O_O

"M-Mr.Jimenez?" utal kong sabi at nabubuang sa kinatatayuan ko.

"Sige po sir" paalam nila Ate Celine at Manong Eddie at lumabas.

"A-Ah ano.....po..." hala, asan ka na dila?

"Saan ka pupunta ija?" tanong ni Mr.Jimenez at nakatingin sa hawak kong maleta.

"A-ano po..... di niyo po ba ako ipa-fired?" mabilisan kong tanong, natahimik bigla ang paligid at walang sinabi si Mr.Jimenez.

"Ikaw talaga, bat naman kita ipa-fired?" natatawang sabi ni Mr.Jimenez.

Seryoso? Walang fired na magaganap sa storyang 'to?

"Kasi po......yung kay Zyron?" tanong ko ulit.

Napa sigh naman si Mr.Jimenez at inaantay ko ang sagot niya.Eto na Alexandra, humanda ka na.

"Ija oo, anak ko si Zyron. Pero hindi tamang basta-basta siya manisi ng ibang tao lalo na't kung wala siyang sapat na ebidensya? I know you Alex, you're a kind person at walang isang beses na sumagi sa isip ko na kaya mo kaming pagnakawan" ngiting sabi ni Mr.Jimenez.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon