Alex's POV
"What can you say about....... this?" tanong ni Hera na sobrang saya.
May field trip kasi.
Field trip Field trip, ang init kaya. Summer na! bat ba kasi kakaiba ang araw ng bakasyon at pasukan nitong Masllavine?!
"Hera, ayoko dyan" sagot ni Kiel, kanina pa sila nag aaway sa totoo lang.
Pinapapili kasi yung mga Student Officer dito sa Masllavine kung saang lugar nila gusto. Ang dugas diba?
"Eh ito ang gusto ko eh! Bakit ba! Kung di mo kasi tinanggihan yung pagiging Secretary ng Masllavine edi sana ikaw ang namimili ngayun at hindi ako, sa totoo lang mas sikat ka sa akin eh" angil ni Hera at nakatutok ang tingin sa papel.
"Eh baka pagkaguluhan lang ako ng mga babae, kaya wag na. Pero gusto ko sa Baguio!" pagpupumulit ni Kiel.
Sa Baguio kasi gusto niya, tapos si Hera sa Tagaytay. Hindi naman ako sasama kaya di na ako makikisali pa.
"Sa Tagaytay! My decision is final!" sigaw ni Hera at umalis sa room kaso ayaw talaga paawat ni Kiel kaya hinabol niya. Para silang aso't pusa.Ewan ko lang hah pero bagay din pala sila?
Parang naging peacefull ang paligid ng mawala yung dalawa. Kaso.
Paano magiging peaceful ang isang lugar kung may mga Hudas diba?
"Oyy, dala kayo maraming foods hah!" - Sean, sila sure na talagang sasama at ako sure na sure na di sasama.
"Wow! Sinong nagmamay ari dito ng pinakasikat at mayamang Super Mall?!" - Ziann.
"Nga naman! Kayo nag mamay-ari ng mga food products dito tapos kami padadalhin mo? Wag ganun" - Zyron.
Ang yayaman talaga nila ano?
"Sasama ka?" napaanagat ang ulo ko ng nasa gilid ng upuan ni Hera si Kent at may nilagay sa loob ng Bag ni Hera.
Umiling lang ako bilang sagot at balik sa pagsusulat ng kung ano-ano.
"Bawal ang hindi sumama" napalingon naman ako sa likod ko at tinignan si Zane.
"Eh sa ayaw ko eh, bakit ba" pagsusungit ko at balik sa pagsulat.
***
"Hindi ka talaga sasama?" paulit ulit na tanong ni Hera. Binaba ko ang tray na hawak ko sa table namin at tinignan siya.
"Hindi nga. Kulit" hapo kong sabi at naupo.
"Ako magbabayad ng bayaran mo" pag prisinta niya kaya tinignan ko siya na titig na titig sa akin. Seryoso 'to?
"Hera, 7000 lang naman ang babayaran mo" medyo pa sarcastic kong paalala sa kanya.
"Okay lang, 7000 lang naman" sagot niya na ikina bigla ko. Maka 'lang' grabe siya!!
"Hera, wag ka ng mag abala tska gagastos ka pa ng malaki dyan kaya di talaga ako sasama" giit ko at kumain.
"Sasama ka, bawal kaya KJ" susubo na sana ako ng pagkain ng makita ko sa harap ko si Ziann, Zane at Zyron.
"Eh ayoko sumama, bat ba ang kulit niyo?" irita kong sabi at kumain.
"Di ka sasama? Eh nasama na ang pangalan mo sa mga sasama" napa ubo ako at inabot ni Hera ang tubig ko sa akin at agad akong uminom.
"Anong nakalagay?! Eh hindi naman ako nagpalagay at hindi ako nagbayad?!" sigaw ko ng malakas kaya pinagtinginan ako.
"Hihihi sorry" giit ako at nag peace sign.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Teen FictionMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...