Chapter 4

45.5K 1.9K 160
                                    


Alexandra's POV

"Di ka naman excited na papasok ka na ano?" binigyan ko lang ng ngiti si Ate Celia na isa sa mga katulong dito nila Mr.Jimenez.

"Hahahaha opo" masaya kong sabi habang tinitignan yung uniform ko, ang ganda at parang kagaya ito sa mga uniform ng korea or japan.

Sosyal.

"Oh siya, mag iinit lang ako ng tubig. Si Manang Ellie nasa labas at nagluluto" sabi ni Ate Celia.

"Pansin ko lang po, laging ang aga nun ni Manang Ellie?" tanong ko, kasi pag gigising ako wala na siya sa kabilang kama.

"Ganun talaga yun si Manang, siya kasi ang pinakamatagal at pinaka matandang katulong nila Sir"

Napatango-tango na lang alo kay Ate Celia, kinaya ni Manang Ellie yun? Tatag niya.

"Tibay niya ano? Kaya ikaw dapat ganun ka din, para magtagal ka sa triplets na gwaffu na yun. Lahat kasi ng nagiging Maid nilang tatlo eh di nagtatagal ng isang buwan. Ayy, nako ano oras na! Sige na maiwan na kita" mabilis na umalis si Ate Celia at iniwan ako.

Tinignan ko yung uniform ko ulit at napabuntong-hininga, sana nga magtagal pa ako kundi majujugi ako ng maaga. Wag naman sana.

Tumayo ako para mag-ayos at maihanda ang sarili ko sa muling bagong mundong papasukin. Malamang mayayaman andun kaya be ready Alexandra!

***

"Wow. Bagay sa iyo Alex" sabi ni Manong Eddie habang may hawak na tasa ng kape at nakatingin sa akin.

"Bagay nga sa iyo!" nakangiting sabi ni Ate Lea na isa din sa mga katulong dito.

"Talaga po? Ahahaha thank you po!!" masaya kong sabi at nginitian sila, yung ngiti kong halos wala na akong mata.

"Sige po, baka inaantay na ako ni Mr.Jimenez" paalam ko sa kanila at naglakad.

Nakarating na ako sa harap ng pintuan ni Mr.Jimenez at bago ako pumasok ay lumanghap muna ako ng hangin.

"Good Morning po Mr.Jimen----- bwisit" napabulong ako sa dulo dahil nakita ko yung tatlong Hudas.

"Oh you're here Alex" salubong sa akin ni Mr.Jimenez at nginitian ko naman siya pero maya-maya ay poker face na naman dahil sa tatlo.

"Bagay sa iyo uniform mo hah" tingin sa akin ni Mr.Jimenez mula ulo hanggang paa ng nakangiti.

Magsasabi sana ako ng thank you ng unahan ako ng isang devil.

"Nagmukha kang pre-school student hahaha" sinamaan ko ng tingin si Ziann, ke aga aga binubweset ako.

"Ziann" pagtawag ni Mr.Jimenez kay Ziann na parang binabalaan kaya napatahimik siya.

"Oh siya, malileyt kayong apat at isasabay niyo si Alex" sabi ni Mr.Jimenez

"Pero Dad----" pagrereklamo ni Zane pero inunahan siya ni Mr.Jimenez

"No more buts. Sige na"

Dinilaan ko si Zane dahil sa sinabi ng Dad niya at inirapan lang ako. Bakla ba.

**

Ng nasa labas na kami at nasa kotse ay lintek na buhay ang pasan ko. Pinabuhat lang naman kasi nila sa akin yung mga dalahin nila! Tutulungan nga sana ako ni Manong Eddie kaso inunahan siya ni Zyron at sinabing 'kaya ko' daw.

"Pakilagay na lang dyaan" nakangising sabi ni Zyron. Inilapag ko sa likuran ng kotse yung mga dalahin nila at padabog itong sinara ulit.

Pumunta ako sa unahan para sumakay ng buksan ko yung pinto ng sasakyan ay sumalubong sa akin si Ziann.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon