*********
Alex's POV
"Huhuhuhuhu" si Hera yan na nasa tabi ko at nagmomoment.
"Hera tumigil ka nga" suway ko sa kabaliwan niya.
"Tissue" sabi niya at inabot ko yung tissue at suminga siya dun.
"O.A mo Hera, parang ikaw ang napili. Si Alex ang dapat nag gaganyan eh, ohh namamaga na mata mo" reklamo din ni Ezekiel sa kanya.
"Manahimik ka *sob* I'm happy para sa kaibigan ko! Kaya shut up, uhuhuhu" napa poker face na lang ako sa inaasal ni Hera.
"Hera manahimik ka na nga!" sigaw ko pero ang walangya, umiyak pa lalo.
"Uhuhuhuhu" - Hera -_-
"Hera pag di ka tumahimik ihahagis ko sa'yo tong libro na'to" pagbabanta sa kanya ni Kent. Lagooott.
Nasa room pala kami at inaantay yung Prof, pero late si Prof kaya nga nag dadrama si Hera at siya ang center of attraction.
"Ito na nga" agad na sabi ni Hera at pinunasan ang luha niya.
"Suplado, sungit" pagmamaktol ni Hera.
"Si Kent lang pala magpapatahan sa iyo" sabi ko ng napapailing at biglang may sumagi sa isip ko.
"So si Kent din pala ang nagpapasaya sa'yo? Ayieeee" hiyaw ko kay Hera at kiniliti siya.
"Di ka ba nandidiri sa mga sinasabi mo Alex? Si Kent as in si Kent Lopez?" sarcastic na sabi ni Hera.
"Weehhh denial, ayyyiieee" kutya ko pa rin sa kanya at kinikiliti siya.
"Nakakamatay yang pinagsasabi mo Alex" pailing-iling na sabi ni Hera.
Bagay naman sila ni Hera at Kent, pogi kaya ni Kent. Kaso lang parang hindi naman magkasundo yung dalawa, pero dyaan naman yung umpisa niyan. Pa choosy pa.
"Goodmorning class. Sorry late ako" sabi ng Prof at natatarantang nilapag ang gamit niya.
"And about the dancers ng up coming event. Pinapatawag kayo ni President Lopez, you have a practice sa dance studio. So, get lost"
Napa-tawa naman ako ng mahina sa inasal ng Prof, maka 'get lost' wagas.
"Baliw ka na naman" bigla namang nagsalita yung bwisit na si Zyron at inirapan ko lang.
"Let's go Alex!" hila sa akin ni Hera at pinulupot ang braso niya sa akin.
**
"Alam niyo, ang sakit ng puson ko" napa poker face silang lahat sa sinabi ni Ms.Pres kaya napahiya ako.
"Hahahahahaha!!" dahil ako lang tumawa, mga KJ.
"Bat ka tumawa Alex?" tanong ni President.
"Wala, nabaliw lang po. Este may naalalang happy moments" palusot ko at napa irap sa kawalan.
"Ah okay....... Practice tayo kahit masakit puson ko. Let's go" sabi ni President at pumalakpak para magsi kilos kami.
Nag-isip ng mga dance move sila Sean, Ziann, Zane at Kent, tapos nag isip naman ng kung anong music ang gagamitin sina Ms.Pres, Zyron, Ezekiel at Hera.... At ako? Ito, nakaupo sa tabi at pinagmamasdan silang seryoso sa mga ginagawa nila.
"Alex!" tawag sa akin ni Ms.Pres at sinenyasang lumapit sa pwesto nila.
"Can you sing?" tanong ni President.
Binigyan ko siya ng 'what-the' look at napag isip isip ko, mukha bang marunong ako kumanta?!
"Then mag rap?" dagdag pa ni Hera.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Teen FictionMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...