******
Alex's POV
"Malapit na gumaling yan!" cheer up sa akin ni Hera at tinitignan ang paa ko.
"Oo, unting tiis na lang. Malakas ata 'to" pagmamayabang ko at inangat ang manggas ng blazer ko...
"Hahahaha! baliw, pero gagaling na talaga yan tommorow for sure. Naranasan ko na yan" sagot ni Hera at napatango ako.
"Gusto mo?" napaharap ako sa kanya ng may iniharap siya sa aking pagkain.
"Chocolate ito from Seoul, pinabili ko kay Dad tig isa tayo!" masigla niyang sabi.
"Kpoper ka talaga ano? Thank you" sabi ko sa kanya akmang iki-kiss siya pero lumayo agad.
"Hala ang arte" natatawa kong sabi.
"Pero thank yo----" nabitin sa ere ang mga sasabihin ko ng pumasok ng room si Zyron at, nagkakamali ba ako o tinititigan niya ako ng masama?
"Come with me...." malamig na tono niyang sabi at nasa harap ko. Kaya di ako nakapag respond agad, ano problema niya.
"Now!" nagulat ako ng bigla siyang sumigaw. Kaya lahat ng klasmeyt namin, ako at si Zyron ang tinitignan.
"Bakit ba?" tanong ko sa kanya.
"I said, come with me!" di na ako nakapag re-act ng hilain niya ako ng malakas at lumabas kami ng room.
Hera's POV
Anong nangyayari kay Zyron? Ano problema niya kay Alex.
Napatingin ako sa mga kaklase kong nagbubulungan at naririndi ang tenga ko sa mga sinasabi nila.
"Tara tignan natin"
"Oo nga! Let's go"
"Ano kayang ginawa ni Richi girl?"
Agad akong napatayo at pumunta sa pintuan ng mabilis at humarang. Tinignan ko sila at inangatan ng isang kilay.
"What?" mataray kong sabi.
"Dadaan kami Hera? Can't you see?" sabi ng maldita kong kaklase.
"Para ano? Maki chismosa kay Alex and Zyron?" tugon ko
"Mind your own business Hera, gusto lang namin alamin ang ginawa ni richie girl kung bakit ganun na lang kasama ang aura ni Zyron"
Yan ang dahilan kung bat di ako masyado nakikipag kaibigan sa mga studyante dito. Bukod sa maarte, mayayabang at racist silang tao. Mga chismoso chismosa pa sila.
"My business is kayo, tska ibabalik ko ang sinabi mo mind your own business, sa pagitan na lang nila Alex at Zyron yun" buong tapang kong sabi.
"Tumab----" nabitin yung babae sa sasabihin niya ng tumayo si Kent at pumunta sa harap ko kaya umusog sila.
"Go to your respective sits, now" matalim na sabi ni Kent at nagtinginan sila sabay upo.
"Ikaw din" sabi niya at hinarap ako.
"Eh Kent, wala pa namang Prof. Pupuntahan ko si Alex" sabi ko kay Kent.
"Bilisan mo" sabi niya at bumalik sa upuan niya.
Ano ba talagang nagawa ni Alex para maging ganun ang timpla ni Zyron?
***
Alex's POV
"Where is my necklace?" umpisa ni Zyron at masama parin ang tingin sa akin habang nandirito kami sa rooftop.
"Ano bang sinasabi mo?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Fiksi RemajaMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...