Chapter 45

30.9K 1.8K 83
                                    

Alex's POV

"Sa monday na balik ni Dad" sabi ng katabi ko. Si Zyron, nasa gym kami at nakaupo sa pinakamataas na blechers.

"Oo nga" tangi kong sagot at lumamon ng choco tops.


"Akin na nga yan!" nagulat ako ng bigla niyang kunin yung choco tops na hawak ko at saka niya nilamon yun at pinakita pa sa akin kung paano niya iyong nginuya nguya.

"Walanghiya ka!" angal ko at sinakal siya, oo sinakal ko siya kaya naubo niya yung choco tops na nilamon niya.

"Aray!! Ano ba....... Papatayin mo ba ako! Parang choco tops lang!" reklamo niya at pinipilit alisin ang kamay ko na nasa leeg niya.

"Choco tops ka lang dyan!" asik ko at sinakal siya.

"Ano ba!........ Wag mo akong patayin hindi pa nga kita nagiging girlfriend at di pa tayo nakakasal at higit sa lahat hindi ka pa sa akin papatayin mo na ako!" sigaw niya.


Napabitaw ako sa kanya at napatulala, buti kaming dalawa lang ang tao dito sa gym at walang ibang estudyante ang narito. Ang possesive na si Zyron.


"Tsk, papalitan ko naman kasi mamaya eh masyadong oa" giit niya at inayos ang kwelyo ng unifom niya.


"Ah okay. Sorry" sabi ko at napatingin siya sa akin.


"Pero kung gusto mo talaga nung choco tops mo na kinain ko pwede naman eh" sabi niya.


Nilapit niya ang sarili niya sa akin at binigyan ako ng nakakaloko na ngiti, napausog naman ako at pwedeng anytime mahiga na ako ng tuluyan sa mga bleachers dito kaya bago pa mangyari yun tinapakan ko ang paa niya.


"Arayyy!!!" angal niya at hinawakan ang paa niyang sinipa ko. Pwew effective.


"Ang sadista mo din ano?!" reklamo niya habang hinihimas ang paa niya.

"Kasalanan mo yan" simple kong sagot at uminom ng Coke na binili ko.

"Choossyy mo ah! Isa lang naman eh" giit niya sabay nag pout at umaktong parang bata.

Lumapit ako sa kanya at pinisil ang dalawa niyang pisngi.


"Ang cute cute naman" sabi ko at gigil na gigil na hinila ang mga pisngi niya.


"Ashay------ yung kagwapushan ko" reklamo niya, halos mapunit na ata ang mukha niya sa panggigil ko sa pisngi niya eh.


"Hahahaha gwapo at cute ka parin naman kahit ganito mukha mo" saad ko habang hinila yung dalawa niyang pisngi at nakangiwi siya.


"Ang sweet naman"



Napalingon ako sa boses na yun at ang lapit lang ng mukha niya sa aming dalawa. Si Hera, nilagay niya lang naman kasi yung mukha niya sa pagitan ng mga mukha namin ni Zyron sa gitna at naka grin. Dedkels ako nito.


Agad akong napabitaw sa pisngi ni Zyron at napaiwas ng tingin.
Tumayo ng maayos si Hera at nakasalubong ang mga ngisi niya.


"Ay bakit hindi itinuloy, sweet niyo kaya" pang aasar niya.


"Chee!" angil ko kaya tinawanan niya ako.


"Bat ka ba andito Hera? Panira ka talaga ng moments" sabi ni Zyron at tumawa lang ng malakas si Hera.


"Nakaka istorbo ba ako? Sige alis na ako hahahaha!" sabi niya at tumawa ng malakas at umalis nga ang Hera.



Tinignan ko si Zyron na hinawakan ang magkabilaan niyang pisngi ang dalawa niyang kamay. Cute niya para siyang bata hahaha.


Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon