Alex's POV
"Bakit kasi kailangan niyo pang paamuyin siya ng pampatulog eh!"
"Kafatid sa tingin mo ba sasama siya sa atin ng ganun ganun lang?"
"Oo nga naman Nichole"
"Eh Kuya Tom naman ang tagal niya magising"
"Kafatid ang mainipin mo talaga ano?"
Mga narinig kong boses at unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
"A-Asan ako?" giit ko.
Tumambad sa akin ang isang magandang babae na blonde ang buhok, napakatangkad na lalaki na nakaangat ang buhok at isa pang lalaki na nakasalubong yung ngiti.
"Sino kayo?!" sigaw ko at biglang tumayo.
"Easy ka lang hahaha, di ka namin sasaktan" giit nung lalaking palangiti.
"Bat ako andito?" tanong ko at umalis sa higaan.
"Kasi andito ka?" kunot noong sagot nung palangiting lalaki at napakamot pa sa ulo niya.
"Ay ganda po ng sagot niyo" buryong kong sabi at napatingin sa babaeng blonde.
"Hai" sambit niya at nagulat na lang ako ng yakapin niya ako. Myghad ayoko pa matomboy.
"A-Ah hai din po?" naguguluhan kong sabi habang nakayakap siya sa akin.
"Welcome back........... Mikey" sabi ng matangkad na lalaki at ginulo ang buhok ko.
Mikey? Sino yun.
"Alexandra po ang pangalan ko, hindi Mikey" pag apela ko at ngumiti lang siya.
"Oo na pala nakalimutan kong may amnesia ka"
Naguluhan ako sa sinabi ng matangkad na lalaki. Ako may Amnesia? Eh natatandaan ko pa nga ang mga nakaraan ko.
"Amnesia? Wala po akong ganun" sagot ko, nagkatinginan silang tatlo sabay buntong hininga.
"Ie-expelain ko sa iyo halika" sabi ng babae at hinila ako palabas.
Naglalakad kami sa garden ng bahay nila at infernes malaki yung bahay, pero bakit kasama ko ang mga taong dumukot sa akin hindi ba ang dapat kong gawin tumakas mula sa kanila?
Pero kung titignan mo ang labas ng bahay nilang malaki, puro punong naglalakihan ang matatanaw mo. Hindi kaya nasa probinsya kami?
"Nasa Zamboanga Del Norte ka na" nagulat ako ng magsalita yung babaeng blonde. Nabasa niya ang isipan ko?!
Tska Mindanao?! The heck!
"Sorry nga pala kung dinukot ka namin. Hindi kami masasamang tao, tska ako si Nichole" pakilala niya at nangiti sa akin.
"Ah ganun po ba? Eh ano po yung ipapaliwanag niyo sa akin kung bat Mikey ang tawag ng matangkad na lalaki sa akin kanina?" tanong ko at nakita ko ang pag buntong hininga niya muli.
"Maniwala ka man o hindi ikaw si Mikey, may amnesia ka at ............. at kapatid ka namin."
Napa gasp ako sa sinabi niya. Kapatid?! Bakit ang dami kong kapatid?! Ilang nanay ba meroon ako huh?
"A-Ano po? Nagbibiro po ba kayo? Kung ganun po ang benta ng joke ninyo" sabay tawa ko ng awkward.
Umiling iling siya at tinignan ako ng seryoso kaya medyo natakot ako at napaatras. Sa totoo lang nakakatakot talaga sila kung tignan mo ng unang beses kahit na gwapo sila at maganda, tska asan yung lalaking pinaka nakakatakot sa kanila?
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Teen FictionMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...