Chapter 39

28.8K 1.3K 428
                                    

Alex's POV

"Mamatay ka na, susunod ka sa Ama mong pinatay ko!" sigaw nung lalaking may hawak na baril.

Nanginig ang tuhod ko sa pagtutok niya ng baril sa akin, dapat pala sumunod ako kay Ziann at Zane.

"A-Ano po-------" di ko naituloy ang sinabi ko ng papalapit siya sa akin at tutok ang baril.

"Mamatay ka na!!"

..

"Wag!!!!" sigaw ko.

Napamulat ako ng mata at tagaktak ang pawis ko.

"Alex! Alex okay ka lang ba?" bumungad sa akin si Manang Celia na nag aalala ang mukha.

"O-Okay lang po ako!" nauutal kong sabi kahit ang totoo ay hindi.

"Talaga? Sumigaw ka eh, ayos ka lang ba talagang bata ka?" alalang tanong ni Manang Celia.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat ni Manang Celia at tinignan siya.

"Manang, ayos lang po ako walang dapat ipagalala" sagot ko at tumango siya.

"Oh siya magluluto pa ako" paalam ni Manang Celia at umalis.

Sino namang papatay sa akin?


****



School na naman. Naglalakad ako sa campus at mauupo sa isang waiting shed para magbasa nung sa History, ayoko talaga ng history kasi nakakaantok kaya ayan tuloy wala akong natutunan sa turo ng mga Prof. Oo mga Prof tatlo sila sa History, tatag nga nila eh.


"Uyyh girl alam mo na ba?"

Napatingin ako sa mga nasa tabi kong estudayante na nag chichismisan na naman. Hihihi maki chismis nga.

Tinago ko ang mukha ko sa libro para tignan silang nag chichismisan.

"Nakakaiyak! Sila na talaga?"

"Wala na tayong pag asa"

"Pero meant to be sila bagay din sila!"

"Oo nga eh, ang sweet talaga ni Zyron"



Napabitaw ako sa librong hawak ko at nalaglag ito kaya tinignan ako ng mga babaeng katabi ko.

"A-Ay so-sorry" nauutal kong sabi at dali-daling pinulot ang librong hawak ko at natayo.

"Wait lang po!" napalingon ako sa kanila na parang tinawag ata ako.

"Bakit?" agad kong tanong.

"Kayo po si Alexandra Guevara diba?" tanong niya, tuluyan naman akong humarap sa kanila.

"Oo?" sagot ko.

"Kyaaahh siya nga!"

"Totoo ngang kutis milk siya!"


"Syempre anak ng may-ari ng Sanctuary Company eh!"

Bulungan nila sa isa't isa pero naririnig ko naman.

"Ah sige alis na ako hah?" paalam ko.

"Sige po bye!" paalam din nila kaya nag bow ako sa kanila at nginitian sila.



Si Zyron.

Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko.

"Bat masakit?" tanong ko at napahila ko ang uniform ko dahil sa nararamdaman kong masakit.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon