Chapter 40

28.6K 1.3K 140
                                    

Alex's POV

May sakit ako ngayun pero papasok ako. Lagnat lang ito malayo sa bituka! Tumayo na ako at pumuntang banyo.

Pagkalagpas siguro ng mga ilang minuto eh natapos na ako at nag uniform actually 4:50 palang ng umaga, tutulungan ko kasi si Manang Celia at Ate Celine sa pag punas ng mga pinggan na hinugasan ng ibang Maids at hugasan yung iba pang natirang di nahuhugasan, umalis kasi kahapon yung ibang Maids dahil sa Birthday ni Manong Eddie ni di nga ako nakadalo kasi inantay ko tumila yung ulan para takluban yung batang pulubi.

Hindi ko muna sinuot yung blazer ko kasi nilabhan ko, nabasa kagabi eh. Inangat ko ang sleeves ng uniform ko hanggang siko at naghugas ng pinggan.

"Ang sama ng pakiramdam ko" bulong ko at ramdam ko yung init ng paghinga ko.

Nagpatuloy na lang ako sa paghugas ng plato at juskooo po ang dami.

"Oh Alex it-------- teka nga? Bat ka namumula, may sakit ka ba?" akmang hahawakan ni Ate Celine ang noo ko ng lumayo agad ako.

"Ayos lang po ako, allergy lang yan" giit ko at umiwas ng tingin.

"Sigurado ka? Ako ng maghuhugas niyan kung gusto mo, namumula ka talaga eh" singit ni Ate Celine at lumapit sa akin.

"Hindi po, okay lang" sagot ko.

"Sige bahala ka, maiiwan na kita" paalam ni Ate Celine at umalis na.

****

"Alex anong mukha yan?" bungad ni Hera pagkapasok ko sa Room.

"Mukha ng Reyna ng mga magaganda" sabi ko at ngumisi kahit na masama ang pakiramdam ko.

"Wow ang bagyo" tugon niya at natawa.

Umupo ako sa upuan namin at nilapag ang bag at books ko doon. Agad akong uminom ng tubig at medyo nawala ang masama kong pakiramdam.

"Ale------ ang init mo!" naputol ang sasabihin niya ng sumigaw siya ng magkabangga ang mga braso namin.

"Hot kasi ako" tangi kong sagot.

"Hindi nga Alex, may lagnat ka ba?" umiling ako bilang sagot at hinarap siya.

"Hera peram homework mo sa History, pakopya" kung kanina yung mukha ni Hera ay masaya ng masilayan ako, iba na nung sinabi kong mangongopya ako. Naka poker face.

"Sige na please?" pag papacute ko at umirap muna siya bago ihagis sa akin yung Homework niya.

"I love you Hera! Mwaahh" at nag flying kiss pa ako sa kanya wahahahaha...

Kringghhhh****

Natapos na din sa wakas ang klase! P.E. na P.E.

"Ano kayang P.E. ngayun ano?" tanong ko, sana naman wag mahihirap at baka matumba ako ng di oras may sinat po kaya ako!

"Edi P.E." - Sean. Inirapan ko muna si Sean at kinurot niya lang ang pisngi ko.

Yung totoeh, anong meron sa pisngi ko?

"Hahahah! Easy ka lang tska parang may lagnat ka ah? O sinat ba yan. Mainit ka eh" kunot noong tanong ni Sean.

"Malamang buhay" pamimilosopa ko at siya naman ang naka poker face ngayun.

"Oo na lang eh kelan ka lalamig?" tawa niyang tanong.

"Mamaya, tapos mumultuhin kita sa ilalim ng kama mo na dugo dugo ang ulo ko at nakaharang yung buhok ko sa mukha ko at may mga dugong nalabas sa kanang mata ko pagkatapos ay puro patak ng dugo ang damit ko at nangingitim ang bibig ko tsk------"

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon