Alex's POV
"Dad you're crazy" biglaang basag ni Zyron sa katahimikan.
"Zyron, you're Dad telling you the truth. Anak siya ng Mommy mo sa labas" pagsasaulit ng Lola niya.
Hindi, hindi ako anak sa labas ng Mommy nila, hindi nila ako kapatid. Hindi pwede.
"Enough!" nagulat ako sa pagsigaw ng malakas ni Zyron na halatang ikanabigla ng Lola niya.
"Imposible yang sinasabi niyo! Hindi pwedeng mangyaring magkapatid kami dahil mahal ko si Alex!" sigaw niya at hinila ako palabas narinig ko pa ang sinabi ang Lola niya.
"My goodness" yan ang sabi ng Lola nila hanggang sa makalayo na kami ni Zyron at pinapasok ako sa kotse niya.
Ang tulin lang ng pag drive niya at anytime pwede na ata kaming mabangga. Pero hindi ako nagsasalita.
Naguguluhan ako.
Kapag totoong kapatid nila ako, hindi pwede maging kami ni Zyron. Ayoko nun.
"F*ck" mura niya at bumaba kami sa isang lugar na medyo walang katao-tao binuksan niya ang pintong lalabasan ko at hinila agad ako.
Lakad lang kami ng lakad at hindi ako nagrereklamo dahil gulong-gulo parin ako sa mga sinabi ng Lola niya at ni Mr.Jimenez.
Natigil kami sa isang malaking puno at nakatayo kaming pareho, hawak ni Zyron ang kamay ko ng mahigpit. Nakayuko lang ako at iniisip parin yung sinabi ng Lola at Dad niya.
Hindi maaring magkapatid kami, dahil hindi pwede. Mahal namin ang isa't-isa kaya hindi talaga pwedeng iisa kami ng Nanay at magkapatid kami. Nakayuko ako at naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa lupa.
"Wag mong alalahanin yung sinabi ni Lola at Dad, nagsisinungaling sila" giit ni Zyron at nakahawak sa magkabilaang balikat ko at sinisilip ang mukha ko pero nanatili akong nakayuko.
Paano kapag hindi sila nagsisinungaling? Paano pag totoo yung sinasabi nila? Paano kung magkapatid nga kami ni Zyron? Paano na kami ni Zyron?
"Ssshhhh wag ka umiyak, hindi yun totoo" pagpapatahan niya sa akin at hinawakan ang baba ko at inangat ang mukha ko para tignan siya.
"H-Hindi ako naniniwala sa sinabi nilang ......... mag........ magkapatid tayo" sambit niya at pinupunasan ang mga luha ko.
"Z-Zyron" walang ibang lumabas na salita sa bibig ko kundi yan lang at napayakap sa kanya.
"Ssssshhhh, papatunayan nating hindi totoo ang mga sinasabi nila. Hindi pwedeng magkapatid tayo papakasalan pa kaya kita" giit niya at hinahaplos ang buhok ko at inaalo.
Wala akong nagawa kundi humikbi lang ng humikbi at umiyak ng umiyak. Paano na lang kung totoo ang sinasabi nila?
**
Pagkatapos ng eksenang yun, bumalik kami sa kotse niya at nag dadrive siya ngayun at ako? Parang naging pipi na ako.
"Dun ka muna kila Hera hangga't nandoon pa si Lola at gagawin ko ang lahat para patunayang mali ang sinasabi nila" sabi niya habang tutok sa pagdadrive.
Inihinto niya ang sasakyan niya sa isang Hotel at hawak parin ang kamay ko habang naglalakad kami papunta sa unit ni Hera at ng makarating na kami agad na nag bell si Zyron sa unit ni Hera at agad din naman itong bumakas at iniluwa si Hera.
"Oh napabisita ka------ teka Alex umiiyak ka ba?" biglang tanong ni Hera.
"Dyaan muna siya sa iyo Hera, may gagawin pa ako. Bantayan mo siya" sabi ni Zyron at hinalikan ako sa noo bago tuluyang umalis at naiwan kaming dalawa ni Hera.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Teen FictionMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...