Chapter 18

34.9K 1.5K 107
                                    


*****
Alex's POV

"Alex? Bat di ka pa nakaayos?" salubong sa akin ni Hera pagkadating ko sa room.

Ano bang meron? Kanina sa Mansion busy yung tatlong kambal dahil di ako pinagtripan lalo na si Zyron dahil bati na nga kami, pero wala naman silang ginawang pantitrip kahapon? Tapos kanina pagpasok ko, madaming estudyante ang nakabihis at parang sobrang linis ng campus, tapos ngayun si Hera na tinanong ako bat di ako nakaayos? Maayos naman ako hah? Tska bat nag upgrade ang kagandahan ni Hera? Bat may make up 'to? Lahat na ba ng tao ngayun pinagtitripan ako? Dumami na ang hudas ng buhay ko?

"Hera, ito na ang susuotin m----- my geezz Alex?! Bat di ka pa naka make up?!" sigaw ni Ms.President, naka make up din siya? Mas lalong nag upgrade.

Kumunot ang noo ko dahil sa naguguluhan ako.

"Bakit po kailangan nun?" tanong ko, napa sapo sa noo si Hera at napa punas naman ng mukha si President.

"Walang sinabi yung tatlo sa iyo?" tanong ni Ms.Pres at umiling ako bilang sagot.

"Sabi ko sayo eh, mga hinayupak kasi yung tatlong yun kaya di dapat sila pagkatiwalaan" sabi naman ni Hera. Ano bang pinag uusapan nila?

"Yung gl---- oh? Bat di pa nakaayos si Alex?" tanong naman ni Sean, pagkapasok niya ng room. Pansin ko lang, wala bang papasok ngayung araw na'to? Kami lang ata nandito ah?

Sumunod namang pumasok si Kent kasama sina Ezekiel at Ziann.

"Ziann! Di niyo ba sinabihan si Alex?" Tanong agad ni Ms.Pres.

"Ano? We thought sinabihan niyo na siya?" tanong naman ni Ziann.

Ano ba talagang sasabihin sa akin? Edi sana diba sinabi na nila at wag ng sumegway pa? Pumasok naman si Zyron at Zane na pang ewan ang pormahan. Parang sasayaw sila hah?

Teka, sasayaw? Pero bukas pa yung sayaw eh.

"Hindi pa namin siya nasasabihan, kaya nga sinabi naming sabihan niyo na siya para makapaghanda siya" sabay hilot ni President sa sintido niya.

"Akala namin, sinabihan niyo siya?" pag ulit ni Zyron sa tanong kanina ni Ziann habang may kinukuha siya sa bag niya.

"Hindi pa! Kaya nga sabi namin sa inyo, sabihan niyo na siya" pag ulit din ni Hera sa sagot ni Ms.Pres kanina.

Ang gulo na hah, lumapit naman ako sa kanila at...

"Ano bang sasabihin niyo sa akin?" tanong ko para matapos na'to.

Tinignan nila muna akong lahat at walang sumagot.

"Seriously? Akala ko sinabihan niyo siya?" - Zane..

Para namang kaming tanga dito, paulit-ulit.

"Para tayong sirang plaka. Eh kung sino niyo na lang dapat niyong sabihin sa akin diba?" pagtataray ko, gulo eh.

"NGAYUN NA TAYO SASAYAW!" sabay sabay nilang sabi na ikina usog ko.

"Ise lang kayo" sabi ko at inangat ang dalawa kong kamay na parang surrender na.

"Ano nga pala ulit?" pagtatanong ko.

Napataliko nalang si Zane na naka poker face, tapos napailing si Hera. Tumawa naman si Sean at ngumiti lang si Ezekiel, napa buntong hininga naman si Kent tapos si Ms.Pres napa sapo sa noo niya.

"Nakoo naman po! Papa God bakit sinalo lahat ni paslit ang kabobohan sa mundo?" paghehesterikal ni Zyron.

"Maka bobo ka na naman hah?" pagrereklamo ko, pero patuloy siya sa ginagawa niyang kunwaring pag untog ng ulo niya sa pader.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon