Chapter 19 (Dance Performance)

40.7K 1.6K 386
                                    



******

Zane's POV

"Zyron" tawag ni paslit kay Zyron.

Lahat kami ay nandito sa office ni President dahil malapit na ang pagdating ng mga bisita, tapos si President ay isa din sa mga mag-o-organize ng event kaya madami siyang aatupagin at binilinan niya kaming lahat na dito muna sa office niya.

"Oh ano? Kelangan mo ng tangkad? Sorry bawal" - Zyron

Magkasundo na sila agad kahit sa mata ng ibang tao ay walang kapatawaran ang pagpapahiya ni Zyron kay paslit. Pero nagawang patawarin ni paslit si Zyron at hindi nagtagal iyon ng dalawang araw at napatawad na niya agad.

"Sinabi ko ba? Psh, oh!" may inabot si paslit kay Zyron na nakapag palaki sa mata ni Zyron.

"I-ready niyo na sarili niyo mamay---- oh? Paano mo nahanap kwintas mo Zyron?" napaayos naman ako ng upo dahil sa sinabi ni Sean na nakaakbay kay Zyron.

Tumingin naman si Zyron kay paslit at nag-angat lang ng balikat si paslit.

"Papa-papaano mo ito...... Nahanap?" di makapaniwalang tanong ni Zyron.

Sa pagkakaalam ko din, naitapon na yan ng janitor ah? Yang kwintas na yan ay importante sa kanya dahil bigay yan ni Mommy sa kanya, meron kami niyang tatlo. Bago mawala si Mom, binigyan niya kami ng tig-iisang kwintas.

Nahanap din ni paslit ang kwintas ni Zyron, siya din ang nakahanap ng kwintas ko nung nalaglag ito sa pool.

"Teka? Yan yung kwintas mo diba? Nahanap mo na pala eh!" sabi ni Ziann at tinulak sa likudan si Zyron.

"Paano mo nahanap ito paslit?" tanong ulit ni Zyron.

"Nung nasa cubicle kasi ako kanina sa rest room ng babae, nagtapon ako ng tissue tapos napansin ko yan kaya agad kong pinulot. Tska, hoy! Di ko talaga yan ninakaw hah, baka isipin mo ulit ninakaw ko yan" depensa agad ni paslit.

Napatitig lang ng matagal si Zyron kay paslit at maya-maya pa ay bumalik ang tuon niya sa kwintas at agad itong isinuot. Napahawak ako sa kwintas ko din na nakasabit sa leeg ko, it's my lucky charm. Ganun din ang tingin ni Zyron at Ziann sa kwintas nila, kaya ganun na lang kagalit ni Zyron ng mawala ito at nagawa ang pagpapahiya kay paslit sa buong campus.

"Suot ko din yan, it's our lucky charm right Zane?" tingin sa akin ni Ziann at tinanguan ko siya bilang sagot.

"Talas ng paningin mo paslit hah? Baka mamaya sa sobrang talas niya kung ano-ano na nakikita mo? Hahahaha" pang aasar ni Ziann kay paslit.

"Napaka pervert mo talagang Ziann ka!" batok ni paslit kay Ziann at para silang tangang dalawa na naghahabulan dito.

Lumapit naman sa direksyon ko si Zyron na nakahawak parin sa kwintas niya, umupo siya sa harap ko na parang balisa.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

Napaharapa naman siya at tinigil ang ginagawa niyang kanina pang pag tingin sa kwintas niya.

"Anong ano ginagawa ko?" tanong niya.

"Di mo maalis ang tingin sa kwintas mo? Ganyan ka ba kabigla dahil nahanap niya yan? Tss" sabi ko sa kanya.

"Eh kasi........ napaka imposibleng mahanap na ito?" sabi niya at tinignan ako.

"Noong nakaraang araw, naiwala ko din ang kwintas ko sa Mansion doon sa my pool, hinanap ko yun pero di ko mahanap. Pero ng hanapin niya yun at nagpumilit siya. Nahanap niya nga at naibalik sa akin" kwento ko kay Zyron.

Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon