Chapter 28 ( Stick-O)

33.4K 1.6K 566
                                    


*******

Zane's POV

"Zane, mali ang naibigay kong key kay paslit" hinarap ko si Zyron at tumigil muna sa paglalakad.


"Baka bumalik ulit yun dito, puntahan nga natin" yaya ni Zyron at nauna siyang naglakad at sumunod ako.



Ang sakit sa ulo ng mga taong ito.




Bumaba kaming second floor at lumabas, kaso wala yung paslit sa labas.




"Baka pumasok ulit sa loob" giit ko at naunang naglakad sa loob.






"Ano ba yan, dagdag problema pa ito" sambit ni Zyron na nasa tabi ko.





"Kung di kasi tanga diba at ibang susi ang naibigay?" irita kong sabi sa kanya.




"Sorry naman" sarcastico niyang sabi. Natuon ang pansin ko sa mga taong nagkukumpulan.




"Ano yun?" tanong ko at tumingkayad ng kaunti.



"Baka may nag aaway, hayaan na natin yun. Hanapin muna natin si paslit" sagot ni Zyron at sumunod ako sa kanya.



Muli kong tinignan yung mga taong nagkukumpulan at sumunod na kay Zyron,




Third Person's POV



"Awww bitawan mo na ang buhok ko!" sigaw ni Alex at nakahawak sa kamay nung babae na sumasambunot sa kanya.




Tinignan lamang siya ni Ziann na parang wala talagang pakealam kay Alex. Sa isip tuloy ni Alex:




'Dala lang ba yan ng alak?'





Tinitignan lamang sila ng mga tao at walang tumutulong kay Alex, at naisipan pang sumegway ng bruha.





"Mamatay na ata ako dito, wag naman sana. Wala pa kaya akong malaking stuff toy na Pikachu"



Wika ni Alex sa sarili.





Sa kabilang dako naman, ang dalawang magkambal ay papaakyat na sa 2nd floor upang hanapin si Alex. Biglang nauntog si Zane sa likudan ni Zyron at iritang hinimas ang noo nito.





"Ano ba Zyron? Bat ka huminto tss" inis na angil nito.





"Z-Zane" nauutal na sabi ni Zyron at tumingin kay Zane.




"Ano?" takang tanong ni Zane at ng nilihis ni Zyron sa ibang direksyon ang tingin niya.





Agad siyang nagulat.





"Si Ziann................ at si paslit?" tanong nito sa sarili.




Nabalik lang sa katinuan si Zane ng nabangga ni Zyron ang balikat niya at dali-daling bumaba.





Sa isipan naman ni Zyron, nangangailangan ng tulong ni Alex at kailangan niyang tulungan si Alex na sinasambunutan ng babaeng si Leila. Para namang may sumagi sa isip ni Zyron habang papalapit ng papalapit sa kanila, tinitignan lamang ni Ziann si Alex na pinagsasambunot ni Leila ang buhok.





"Sabing bitaw!" giit ni Leila at biglang natumba si Alex sa pagkakabalibag sa kanya ni Leila.

..

Dali-daling tumakbo si Zyron ganun din si Zane ng matumba si Alex sa sahig sa lakas ng pagkakabalibag sa kanya ni Leila.





"Paslit!" sigaw ni Zyron at hinawakan ang balikat ni Alex.




Maid Ako Ng Bad Boy TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon