************
Alex's POV
Naglalakad ako sa campus ng nakayuko dahil ewan ko ba sa sarili ko, pagkatapos ng performance namin eh nahihiya ako sa mga tao dito.
"Hai Ate" napalingon ako sa tumawag na babae, at ng humarap akosa kanila nagtulakan silang apat.
"Ikaw na magsabi" - G1
"Eh, Im shy!" - G2
"Bilisan niyo na!" - G3
Kumunot ang noo ko sa pinaggawa nila at pinapanood lang sila sa pagtutulakan.
"Am, Pwede po pa picture hihihi" sabi nung isang babae, mga freshmen ata 'to.
"Hah? Picture?" kunot ang noo ko sa sinabi niya.
Bakit sila nag papicture?
"Opo, kasi po nagagalingan kami sa talents niyo, sa performance niyo kahapon! It's really amazing!" ngiting sabi ng isa.
"Oo nga po! Tsaka po, you're so cute. Yung skin niyo po parang tofu, and your eyes po ang cute cute!" dagdag ng isa pa.
Isa-isa ko muna silang tinignan, ito lang masasabi ko artista na ako woohh!!
"Picture na po ate please?" pa cute ng isa at effective, cute siya eh.
"Ah sige?" unsure kong sabi at tumabi sila sa akin, kumuha pa nga sila ng taong kukuha sa amin eh.
"Kyaaahh, thank you po Ate!"
"Waaahhh we have a picture with her na!"
"OMG, waaahh"
Sabi nila at tinitignan ang phone nila at patalon-talon.
"Thank you po again, Bye po!" paalam nila at kinawayan ako.
"Bye!" paalam ko din at naglakad.
Naiilang ako sa mga tao dito ngayun, lahat sila tinitignan ako, kung hindi man ako tignan eh nginingitian ako tapos yung iba parang ewan na nagbubulungan at biglang mag ha-hai sa akin.
"Oyt paslit, wag ka ngang piling Artista dyaan na naglalakad sa red carpet at piling hollywood star. Ako lang may karapatang mag ganun"
Napa poker face ako ng mukha, boses pa lang kilala ko na. Lalo namang nagsi ingayan ang mga babae ng makita ang Hudas na ito.
"Wala akong naririnig" sabi ko at patuloy na naglalakad.
"Edi binge ka" pang aasar niya at tinakpan ko na lang ang mga tenga ko.
"Aba bastos 'to ba!" giit niya at sinundan ako sabay punta sa harapan ko at humarang.
Tinignan ko siya ng masama at ibinaba ang kamay ko na nakatakip sa tenga ko.
"Dadaan ako" giit ko.
"Password?" parang timang niyang sabi at nginitian ako ng malapad.
"Password ka dyaan! Tabi" tinabing ko siya pero humarang pa rin siya at nakangiti parin.
Hmmp, ikaw na pogi! Kainis.
"Password muna" sabi niya ulit.
"Password? Sige........ Ang password ay, ang panget panget ni Zyron!" sigaw ko sa kanya.
"What the?! Ako panget?! Hoy, wala ka pa sa kalyo ko sa paa at kamay kaya hindi ako panget!" sigaw niya din.
"Edi ikaw na" sarcastic kong sabi.
BINABASA MO ANG
Maid Ako Ng Bad Boy Triplets
Teen FictionMaging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_- pero Ubod naman ng Kasamaan! Makakaya ko pa kaya ang pakikisapalaran sa buhay kasama ang Bad Boy T...