PIA'S POV:
("Ganon ba baby? Nakakalungkot naman 'yan. Pero anyway, dadaan na lang kami ng papa mo diyan later so we could sign your consent, okay?") Malungkot na sabi ni mama mula sa kabilang linya.
I called her kasi para sabihin na bukas na ang alis namin patungong Paris.
"Okay mama. Thank you." Mahinang sagot ko bago ibinaba ang telepono.
Bumuntong hininga muna ako bago humiga sa sahig na natatakpan ng malambot na kutson. Naglinis kasi ako para pagbalik namin after a week ay wala pa masyadong alikabok. Meron namang housekeeper dito pero hindi ako sanay na may ibang taong pumapasok sa kwarto ko maliban kay Tanya at kila mama.
"Piiiiiaaaaa!!!" Nakakabinging sigaw ni Tanya mula sa labas at marahas na binuksan ang pinto.
Tinignan ko lang siya na animo'y nagtatanong kung bakit siya naghuhurumintado.
Sumalampak siya sa tabi ko at pilit na kinakalma ang sarili niya. "Kamusta ang pag-uusap niyo ni kuya Pat?" Kinikilig na tanong ng bruha.
"Wala naman kaming pinag-usapan ah." Sagot ko at nagsimulang mag-ismid ng mga kalat.
"Weeee? Dali na. Ano nga." Pamimilit niya at hinatak pa ang laylayan ng suot kong bistida.
Tenenenenen...
Nagkatinginan kaming dalawa nang biglang tumunog ang phone ko hudyat na may nagtext. Madalang pa sa blue moon ang may nakakaalalang magtext sa akin kaya nakakapanibago.
"Sino yan?" Nakangiting tanong na naman ni Tanya na animo'y may pinagdududahan. Tsss.. Tsismosang 'to.
From: 0920211....
Hey Pia. This. Is Patrick Lee. May I ask you something?
"Kyaaaaaahhhh.." Sigaw na naman ni Tanya at biglang nangisay na halatang kinikilig sa mga nabasa niya.
"Anong sasabihin ko?" Asked I habang nakatingin parin sa phone ko. Ang weird. Saan niya nakuha ang number ko?
"Sabihin mong: Hi Kuya Pat, where did you get my number?" Suhestiyon niya sabay sundot sa tagiliran ko.
"Ang pangit naman 'nyan. Iba naman yung tanong niya eh." Reklamo ko habang nagkakamot ng ulo.
"Hindi yan nuh. Magtatanong ka lang naman eh. Lagyan mo tapos ng heart sa dulo. Hihi. Dali na." Pamimilit niya habang sinasabunutan ako. Makasuhan nga 'to nang matigil na sa pamimisikal. Hehe.
"Mamaya na nga lang ako magrereply." Ani ko sabay patong ng cellphone sa bedside table. Baka kasi sabihin ni kuya Pat na inaabangan ko talaga ang text niya.
"Naku, kapag ikaw naunahan 'wah mo akong sisisihin." Pananakot ni Tanya sabay iling ng ulo niya.
"Eeeeehh..nahihiya nga ako. Baka anong isipin 'nun nuh?"
"Pia!" Sigaw niya kaya napatayo ako bigla. "Kailan ka ba nabuhay ha? Napakamanang nito. Sa 21st century ngayon babae na ang gumagawa ng first move, ano ka ba naman?" Pagmamaktol nito habang nagkakamot ng ulo.
"Ganun ba? Hehe. Sige na nga."
At ayon nga ang nangyari. Imbes na mag-ayos ng mga dadalhin ay naupo lang kami buong maghapon at kinikilig na nakipagtext kay kuya Patrick.
Tenenenenen....
"Kyaaaahh. Anong sabi?" Aligagang tanong ni Tanya habang nakikipag-agawan ng cellphone ko.
"Teka lang. Babasahin ko." Mahinahong pahayag ko bago inayos ang suot kong salamin.
Inutusan niya kasi akong tanungin si kuya Patrick kung okay lang na during our free time ay samahan niya akong mamasyal sa Nothredame. Nakakahiya mang isipin pero kasi aawayin na naman ako nitong si Tanya. Haha. Pati pangalan ni kuya Patrick ay siya din ang nag-isip. Feeling ko ang landi ko tuloy.
From: Patrick Mah Loves♥♥😍
Oh, sure. That would be great. So see you in a while? I'll fix my things first. Take care. 💕
"Kyaaaahhhhh!!!! Sabi ko na nga ba, gusto ka niyang si Patrick eh. Waaaaahh. Magkaka love life kana bes." Paulit-ulit na sigaw ni Tanya habang pagulong-gulong sa kama. Daig pa ang taas sa mental sa kanyang inaasta. Nakakatakot siya.
Ngumiti na lamang ako at hindi na nagreply. Past 12 o'clock na din pero hindi pa kami nakakapag-umpisa. Mamaya na nga lang. Bigla kasi akong tinamad. Nilingon ko si Tanya na ngayon ay tahimik na but I was so surprised to see dahil nakatulala siya habang hawak ang magkabilang pisngi at nakangiti. She's creepy. Matawagan nga ang mga magulang nito nang maagapan. Haha.
"Tanya, let's go. I'm starving." Pagyayaya ko sabay hatak sa kanyang kamay.
"Mamaya na Pii. Ginagawa ko pa sa isip ko ang love story niyo ni kuya Pat eh." Sabi niya at humilata pa sa kama. Haaay. Ako ang mababaliw nito eh.
Mauna na nga lang ako. Gatas at hotdog lang kasi ang kinain ko kanina. Baka tumirik na ang mga mata ko sa gutom ay nag-iimagine parin ang babaeng ito. Haha. Wallet lang ang binitbit ko at dali-daling lumabas ng condo. Pero laking gulat ko nang may makabangga na naman ako. Hala! Napapadalas na yata 'to.
"So..sorry po." Hinging paumanhin ko habang nakayuko.
"Tss."
Nilagpasan niya lamang ako at dire-diretsong naglakad patungo sa elevator. Siya din yung nakabangga ko kahapon. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Kuya Andrew, ang anak ng may-ari ng school na 'to. Ulila na raw siya kasi namatay ang mga magulang niya dahil sa isang trahedya. Nakakaawa naman siya. Kaya kahit ganyan ang pag-uugali niya, pilit parin naming iniintindi. Malay mo, may pinagdadaanan lang diba?
ANDREW'S POV:
Siya na naman? Why do I always happen to bump into someone as noob as she? Sa tuwing nakikita ko siya, palaging sorry ang naririnig ko mula sa kanya. Nakakainis diba?
Mag-isa ako ngayong naglalakad patungo sa canteen to eat my lunch. Balak ko na nga lang sana na magpadeliver sa unit ko kaso niyaya ako ng tatlong g*go.
Papasok palang ako ay kita ko na ang nagkakagulong estudyante sa loob ng kantina. Nakatayo si Francis, ang dakilang bully ng mg seniors habang pinapahiya ang isang babae sa harap ng buong University.
"Hey virgin, humarap ka nga sakin." Tawag nito sa babaeng hawak niya sa kaliwang braso.
Pilit kong inaaninag ang mukha ng babaeng hawak niya dahil natatakpan ito ng mahaba niyang buhok. Sheis wearing a nerdy pair of eyeglasses habang nakayuko. Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad. The h*ll I care. Hindi ko naman sila kaanu-ano.
"Hoy! Bingi ka ba?!" Sigaw na naman ni Francis. Nakakairita. Parang bakla.
Balak ko na sanang hindi sila pansinin at tumungo na lamang sa counter nang biglang magsalita ang babaeng 'yun.
"Na..nasa..nasasaktan a..ako ku..kuya." Mahinang bulong ng babae.
Agad akong humarap sa pwesto nila at hinawakan si Francis sa kanang kamao niya. Pinilipit ko ito hanggang sa mapabitaw siya sa babaeng 'yun.
"A..andrew?" Nauutal na tanong niya nang makita ako.
"Hahahahaha." Tawa ko at pinanlisikan siya ng mata. "Bakla ka ba? Bakit babae na ngayon ang kinakalaban mo. Napakaweak. Hindi ka bagay sa school na ito." Dugtong ko pa at tumawa nang malakas ulit bago siya iniwang nakatunganga.
Nakakainis. Nawalan tuloy ako ng gana. Makabalik na nga lang sa unit ko. Bw*sit na ugly duckling 'uun. Dinamay pa ako. Tsss..
YOU ARE READING
TWISTED FATE (On Going)
Teen FictionAre you still a virgin? A never been kissed and never been touched principle..are you following? Or are you into one night stands?? Which are you among the choices? The first, the second or the latter one? Let's see how their fate twis...
