I

19 0 0
                                    

TANYA'S POV:

"Pia, pakitapon please."

"Oy, ito rin. Salamat."

"Ito pa oh. Thanks."

"Pia, lalabas ka? Pabiling coffee."

"Hotdog naman sakin."

"Ako rin. Pati donut. Please.."

"Naku! Pia, 'pag ikaw umoo,kukutusan kita." Pagbabanta ko sa mahinang boses.

'Di ko magets kung bakit ang bait-bait niya to the point na nagmumukha na siyang tanga. Nagpapautos siya sa iba eh ang ya....aish! Nevermind na nga lang. Ayokong ako ang magsabi. It's not my story to tell so why bother.

"Okay!" Masayang sagot niya habang pumapalakpak pa kaya binatukan ko na nga. Pangiti-ngiti siyang hinimas ang ulo habang nakatingin sa akin nang diretso.

"Diba sabi ko 'wag kang papayag? Kaya namimihasa yang mga yan eh." Sermon ko sa kanya.

"Tan, okay lang 'yan. Lalabas din naman tayo diba? Tignan mo nga sila oh." Sabay turo sa mga walang hiya naming kaklase. "They are so busy." Kunwari'y nalulungkot na wika niya.

"Ewan ko sayo. Hindi ka utusan para gawin nila 'yan." Sagot ko at padabog na lumabas ng pintuan.

Sa kasamaang palad, tinamaan ko ng pinto ang dumadaang anak ng Universityng ito. Paktay! Anong gagawin ko?

Unti-unti niyang ibinaba ang suot niyang sunglasses at tinignan ako nang masama. Waah!! Mama! Hindi ko naman sinasadya ah. Alam ko bang dadaan siya. Tsaka, bakit dito siya dumadaan eh nasa fourth year college na ang lalaking ito. Dapat sa kabila sila diba. Iyan ang decorum eh. Pero, kung sa bagay, anak nga pala siya ng may-ari. So technically, he owns this school too. Teka, ano nang gagawin ko?

"The hell is your problem Miss?" Tanong niya na nagbabaga ang mga mata sabay hawak sa kwelyo ng damit ko. Nakakatakot. Mukha siyang aswang.

"Ah..eh...wa...wala..na..naman a..akong pro..problema. Ba..bakit, ikaw b..ba me..meron?" Nanginginig na sagot ko.

"Hahahaha.." Ay, baliw ata 'to. Bigla nalang tumatawa eh nuh? Marahas niyang binitawan ang damit ko kaya muntik na akong mapasalampak sa sahig kung 'di lamang ako naalalayan ni Pia. Ang bastos! Walang modo!

"O..okay ka lang Tan?" Nag-aalalang tanong ng bestpren ko habang hawak-hawak ako sa braso.

"Oo naman." Masiglang sagot ko at hinatak na siya pababa ng building.

Oh,by the way,high way..ako nga pala si Tanya short for Tan Ysabelle Calissa Artatez. Ako ang nag-iisang bestfriend ni Pia, ang Miss Utusan ng BSBM sabi nga nila. Naiinis man ako sa bansag nila sa kanya, wala akong magagawa kasi okay lang naman daw. Saan ba kayo nakakita ng tao na mahilig gumawa ng mga personal na gawain ng iba? Nakakainis na minsan at gusto ko silang isumbong sa mga magulang niya kaso pilit akong pinipigilan ni Pia. See? Ang bait-bait niya talaga diba? Third year college na kami sa taong ito. Iskolar ako sa paaralang ito dahil kay Pia. Kaya ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Hindi naman kasi kami mayaman para makapasok ako dito sa Lim's University. Kaya kahit ganyan si Pia, tanggap ko siya higit pa sa pagiging isang kaibigan.

"Tanya, anong gusto mo for lunch?" Tanong niya sa mahinang boses habang nagbibilang ng pera. Napangiti na lamang ako habang nakatitig sa maamo niyang mukha. Kung naging lalaki siguro ako, si Pia ang pipiliin kong maging girlfriend.

"Ako naman ang manlilibre ngayon. Binigyan kaya ako ni tita ng pera kagabi, remember?" Sagot ko habang hinahalungkat ang laman nitong magtatatlong taon nang back pack ko.

"Ako na. Itago mo nalang 'yan para may pambili ka ng projects natin next time." Pigil niya sa akin at inutusan akong humanap ng upuan habang siya nama'y pumila na sa bilihan.

Tahimik akong nakaupo sa pinakadulong upuan sa loob ng sobrang sosyal na kantinang ito nang may mahagip ang cute little eyes ko. Oh? So, may girlfriend pala ang baliw na lalaking 'yun? Sa pagkakaalam ko ang lalaking naka encounter ko kanina ay nagngangalang Kurt Andrew Lim, ang nag-iisang anak at apo ng mga Lim. Sa katunayan, siya ang 21st grandchild ng Lim Generation na siyang magpapatuloy ng kanilang lahi. Diba, sosyal ang peg? Parang yung pinapanood kong cartoon,yun bang may Generation of Miracle. Hihi. Ayun din sa mga naririnig ko, three years silang nagkahiwalay ng babaeng kasama niya dahil mas pinili niyang ipursue ang dream niyang maging artista sa New York. In fairness ang galing niyang pumili. The girl is pretty and sexy but she looks like a b*tch. Hehe. Hindi ako judgmental nuh? Nahalata ko lang. Gwapo din naman 'yang si Andrew. Maputi, matangkad, mukhang may abs, matalino kaso mukhang baliw at suplado. Hehehe.

"Oy, baka matunaw." Bulong ni Pia na kakaupo lang dito sa tabi ko.

"Eehhh.. Bakit ang dami mong binili? Natatakot ka bang gutumin 'te?" Nakasimangot na tanong ko habang nakatingin doon sa mga pagkaing binili niya. Kasi naman, pang construction worker na 'tong inorder ni Pia. Imagine, tatlong rice, dalawang spaghetti, dalawang menudo, may dalawang saging pa, dalawang large fries, burger at large coke? Kahit siguro hindi na kami maghapunan mamaya ay hindi kami mamamatay sa gutom.

"Mahaba din naman lunch natin kasi may three hours vacant tayo diba?" Nakangiting wika niya habang nag-uumpisa nang kumain. Haaayy.. Nga naman. Pwede kaming magpahinga pagkatapos kainin ang bawat putahe.

Masaya at tahimik kaming kumakain ni Pia nang may biglang umepal sa aming dalawa.

"Duh? Look how uncivilized these people eat. Tinalo pa ang mga katulong namin sa bahay. Yuck!" Sigaw ni Lexie habang nakatingin sa aming dalawa ni Pia.

Problema ba ng babaeng 'to? Bakit kami lagi ang nakikita niya? 'Di ko mawari kung naiinggit o wala lang magawa sa buhay. Sa halip na pansinin siya ay nagpatuloy lang kami sa pagkain at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Ang taong may pinag-aralan,hindi pumapatol sa mga ganyan. Pero laking gulat ko nang bigla niyang sinagi ang coke na nasa gilid ko kaya tumapon ito sa mesa naming dalawa ni Pia. F*ckin sh*t?! Mabilis akong tumayo at hinawakan siya sa kaliwang braso.

"Take your f*cking hands off me b*ch!" Sigaw niya at akmang sasampalin ako ngunit agad ko naman iyong nahawakan. Magaling yata 'to sa martial arts. Akala niya.

Nagsilapitan naman ang mga alipores niya na mukhang nadapa sa harina at hinawakan ako sa..............sa.....







tenga? Ayy, p*ta!!!

"Ano ba,'wag diyan! Kiliti ko 'yan." Sigaw ko at pilit silang inaabot pero l*ntek na 'to nakikiliti talaga ako.

"Ahh..excuse. Tama na po 'yan." Mahinang wika ni Pia at nakipagtitigan kay Lexie na tila nagmamakaawa.

Pero ang p*tang babaeng 'to, tinulak ba naman siya.

"Don't you dare butt in filthy pathetic maid of BSBA!!" Sigaw niyang muli at tinitigan si Pia mula ulo hanggang paa at umarte na animo'y nasusuka.

G*ga 'to ah! Susugurin ko na sana siya kaso pumagitna sa amin si Kuya Patrick, ang student council president mula sa Department of Law.

"What is this again Lexie?" Nagbabantang tanong niya at tinignan kami isa-isa. Napayuko na lamang ako sa sobrang hiya.

"So..sorry po." Naiiyak na bulong ni Pia.

Natigilan ako for the first time nang makita si Kuya Pat na ngumiti and patted Pia's head. Siya na talaga ang gwapo't mabait na si Patrick Jonathan Lee. Hindi na ako magtataka pa kung bakit gustong-gusto siya ni Pia. Matalino't may magandang kalooban naman kasi talaga. Haay.

Naging seryosong muli siya nang humarap sa gawi nina Lexie. Kaya ko siya binoto kasi bukod sa nakakatakot tuwing nagagalit, napapasunod niya ang mga estudyante sa isang tingin lang.

"Lexie and the three of you, follow me." He plainly said at nauna nang maglakad. Grabe! Ambilis magbago ng ugali niya. Daig pa ang artista. Haha.

Makakain na nga lang ulit. 'Yan tuloy, nawalan ako ng gana. Tssss.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now