VI

15 0 0
                                    

TANYA'S POV:

"Here I come Paris!!!" Sigaw ko habang nakatanaw sa labas mula dito sa eroplanong sinasakyan namin.

Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko nang marinig akong naghurumintado. Ito namang si Pia, hindi parin nagigising mula kanina. Hindi ko maintindihan kung natatakot ba o talagang inaantok lang. Haha. Magising na nga. Sayang ang napakagandang view mula dito sa itaas eh. Parang nakatanaw lang ako sa google map. Hihi.

"Hoy Pia! Gumising ka nga. Tulog mantika ka talaga." Ani ko sabay yugyog sa kanya.

Hindi man lang gumalaw ang bruha. Hala! Baka hindi na 'to humihinga.

"Oh, si kuya Pat 'yun diba?" Panunukso ko ngunit ibinulong ko lang naman sa kanya. Haha.

Natataranta siyang tumunghay at tumingin sa paligid as if checking kung totoo ang sinasabi ko. Agad niya akong hinampas nang makitang wala namang kuya Pat. Haha. Edi, nagising ka rin. Hehehe.

"Ikaw, ang ingay mo talaga. Mamaya may makarinig sayo eh." Pagmamaktol niya habang nakanguso. Haha.

Nagkibit balikat na lamang ako at binelatan siya. Ganyn tayo eh. Haha.

"We are now entering the beautiful city of Paris which is 12° Celsius at this moment. Please, fasten your seat belt for the take off." Announce ng piloto kaya naexcite na naman ako. Ibig sabihin mararanasan namin ang napakagandang snow.

"Narinig mo 'yun Pii? Kyaaahhh!! Mabuti na lang andami kong dalang sweater." Sigaw ko at pinaghahampas siya. Haha.

She just rolled her eyes and gathered her stuff. Mali yata ang ginising ko siya nang maaga. Haha. Napakasuplada. Hindi na ako makapaghintay na bumaba. Ang ganda ng Paris. Sa TV ko lang ito nakikita. Ngayon mapagmamasdan ko na ang snow sa malapitan. Balak ko ngang magbaon ng snow pauwi ng Pilipinas eh. Hehe.

ANDREW'S POV:

"Young Master, this is what we had prepared for your surprise." Sabi ni Sec. Kang habang inililibot ako sa magadang street na ito.

Puno ang paligid ng magagandang bulaklak at nagkikislapang dekorasyon. Nakasabit din ang mga larawan namin simula noong unang na magkakilala kami sa parehong lugar na ito.

"Habang naglalakad kayo, Young Master ay magpapatugtog kami ng isang musika." Dagdag pa ni Sec. Kang na nakasunod sa likod ko.

"At dito mismo sa lugar na ito kayo magpopropose." Pagtatapos niya sa plano naming dalawa at binigyan ako ng isang encouraging smile.

Ngumiti na lamang ako at muling inilibot ang paningin sa buong paligid. This is perfect just like what I had expected.

"Oh My Cassandra. Sana magustuhan mo ang proposal kong ito." Bulong ko sa aking sarili at binuksan ang maliit na kahong naglalaman ng singsing para sa kanya.  

Guide me Ma na sana ay masungkit ko ang matamis niyang Oo. Siya lang ang tanging babaeng gusto kong makasama ngayon at magpakailanman.

CASSANDRA'S POV:

"Haha. Such a dummy babe. Oo nga. We're at the airport now." Natatawang wika ko dahil kanina pa paulit-ulit na tumatawag si Drew upang itanong kung malapit na ako.

("Sa hotel ka na muna dumiretso babe ha? Hindi kasi kita masusundo sa airport mamaya.") I am trying to imagine his face right now while trying to be so sweet. Haha. Such a cutie.

"No problem babe. Wanna take a rest for awhile too." Ako 'yan habang nakangiti parin.

("I love you. I prepared a surprise for you so see you later okay?") He finally said and ended the call. Hindi man lang hinintay ang sagot ko. Tss.

"Ma'am, hintayin niyo na lang po ako dito ah. Magchecheck in lang ako." Ani Manong Danny habang bitbit ang mga gamit ko.

I flashed my sweetest smile first before answering. "Okay Manong. Thanks."

Parang tatay ko na yang si Manong Danny. Ang tagal na niya kasing naninilbihan kila Andrew.

Kring....Kring.....Kring.....

Nagtataka akong sinagot ang tumatawag na unknown number. I've waited for the person from the other line to speak first bago ako umimik.

"Cassey, this is from the F and E Talent Agency, New York branch. We are happy to inform you that after further evaluation, we had chosen no one but you to play for the main role in the remake of the Les Miserables. So we want you to come back here as soon as possible to start filming."

Natahimik ako habang pinapakinggan ang iba pang sinasabi ng Manager. Ang unang taong pumasok sa isip ko ay si Andrew. Anong gagawin ko?

"Ma'am Cassandra, tara na po." Tawag ni Mang Danny habang winawagayway ang kanang kamay.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now