XIX

2 0 0
                                        

PIA'S POV:

After what happened downstairs, mabilis akong umakyat sa kwarto ko at nagpalit ng damit pantulog. Hindi naman na masama ang pakiramdam ko but I wonder kung bakit naduwal ako kanina. Sobrang busog ko ba? Parang hindi naman eh. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nahiga sa kama habang nagsusuklay ng buhok. Gawain ko na kasing magsuklay bago matulog habang nakahiga. 'Di pa siguro umuuwi sina kuya Luke dahil nadidinig ko pa ang boses ni kuya Andrei habang nagchicheer para sa Warriors. Kahit na matulog ako nang maaga, di rin naman ako makakatulog fahil honestly ang iingay nila. Haha. Muli akong bumangon at naglakad papunta sa study table ko and opened my laptop. I logged into my Email Ad and Skype account para echeck kung may message ba sina mama o kuya. Kakabukas ko pa lang ng skype ko ay agad akong nakatanggap ng mensahe galing kay Kleigh.

Kleigh: Hey, Selene. I missed you. I'm coming to Phil.soon. So you have to close all your schedules to tour me around Manila. A'right?"

I smiled after reading his message. Sweet as ever. I was still typing my reply when I saw him typing too kaya naghintay na muna ako.

Kleigh: I heard, nobody's courting my baby girl yet. So does it mean that we're really meant to be?😁

Napatawa na naman ako sa naging mensahe niya. Ang baliw talaga. Anyway, Kleigh is my childhood friend. I met him when I was seven in Korea and since that day ay naging malapit na kami sa isa't isa. Ganyan siya kasi sabi niya kapag grumaduate ako ng kolehiyo at hindi ko parin nakikita si Mr. Right ay kaming dalawa ang magpapakasal. Haha. Napalawak talaga ng imagination ng lalaking 'yun. Of all the men around me aside from kuya and dad, si Kleigh ang pinakamalapit sakin. Nasasabi ko sa kanya ang lahat ng bagay na 'di ko kayang ishare sa iba. Ganyan kami ka close that is why I am so excited to see him again.

I tapped my keyboard to compose a reply habang nakangiti nang malawak.

Me: Seriously Kleigh? So when is that soon huh?

Kleigh: Very soon my dear. 😘

Ang kulit. I wanna know when is that very soon eh. Ang daya talaga ng lalaking 'to. Magtatype na sana ako ng reply when my door suddenly swung open at pumasok ang nakabusangot na si Tanya. Tapos na kaya sila? Napatingin ako sa oras sa ibaba ng screen ng laptop ko and I was surprised to see that it is already 1:00 in the morning. 'Di ko man lang namalayan ang oras.

"Akala ko matutulog ka na?" Tanong ni Tan at humilata sa kama ko.

Nilingon ko lang siya at muling tumingin sa laptop ko where Kleigh is already offline. Waaahh. 'Di pa nga niya nasasagot 'yung tanong ko eh.

"Ka'chat ko kasi si Kleigh. Hindi naman na masakit 'yung ulo ko eh." Sagot ko sa kanya at isinara ang laptop ko.

Excited na tumayo si Tanya at naglakad patungo sa harap ko. "Kyaaaahh! Bakit 'di mo ako tinawag?" Tumitiling sabi ni Tan habang hinahampas ako sa braso.

Napatawa na lamang ako sa kabaliwan ng babaeng ito.

"Ayy!" Sigaw na naman niya at hinalungkat ang drawer ko. "May napkin ka Pii? Nakalimutan ko kasing bumili." Said her which made my eyes roll. Palagi naman eh. Haha.

Kumuha ako ng isang pack sa cabinet ko at inihagis 'yun sa kanya. Ayun at sapol sa mukha ng g*ga. Haha. Sorry for the term pero hindi naman negative 'yan eh. G-A-G-A stands for "Girls Always Good Attitude", kahit na hindi bagay kay Tanya. Haha. Joke lang.

"Thanks Pii. Pay you tomorrow." Aniya at naglakad patungong pinto. "Oh, why not sell napkins na lang. Siguradong may kita ka mula sa akin every month." Natatawang mungkahi niya.

Naku! Mapababae't lalaki, parehong baliw. Bakit kaya ganyan ang mga kaibigan ko? Nakakastress! Hoho. Pailing-iling na lamang ako habang pinapanood siya palabas ng kwarto ko.

Muli akong napatingin sa kabinet na pinagkuhanan ko ng napkin. I bought five packs for this month pero 'di ko pa nababawasan aside 'dun sa binigay ko kay Tanya ngayon-ngayon lang. I closed my cabinet and checked my mini calendar na idinikit ko sa labas nito. I counted the days and I am almost a month delayed. 'Di ko pa kailanman nararanasan ang madelay. How come na hindi pa ako nadadatnan until now?

Maingat akong umupo sa kama ko at paulit-ulit na binilang ang mga araw sa buwang ito but it still comes out to be delayed no matter how many times I count it repeatedly.

"Wag naman sana." Naiusal ko na lang habang nanginginig sa sobrang kaba.

Anong gagawin ko? Paano kung...waaaah! May cancer kaya ako? I opened my laptop again and placed it on my lap then dali-daling nagresearch ng mga posibleng dahilan why my menstraution was delayed for a month.

Samu't saring resulta ang lumabas sa google. Kesyo, psychological effect daw, o caused by stress and over fatigue. Ganun kaya 'yun? Wala naman kaming history ng cancer kaya mukhang imposible. Paano kung 'di ko lang pala alam? Tawagan ko na kaya si Mom? Pero, magpapanic lang 'yun eh. Baka bukas pagkagising ko andito na 'yun at may dalang espisyalista. Si ate kaya? Pero anong sasabihin ko? Kyaaah! Ang hirap!

Nagpagulong-gulong ako sa kama sa sobrang pagkataranta hanggang sa mahulog ako at nakaisip ng magandang ideya. Tama! 'Yun nga.

"Sana gising pa si Tanya." Bulong ko sa aking sarili habang naglalakad papunta sa kwarto ni Tanya na animo'y kingdom ng mga palaka sa dami ng mga laruang kerokeropi na nakasabit sa kisame.

'Di na ako nag-abalang kumatok pa at dire-diretso sa pagpasok sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nagsusuot ng pajama kaya nakatikim ako ng isang matalim na tingin mula sa kay Tanya. Huhu.

"Oh? Problema mong babae ka? 'Di uso kumatok? Bastosan ang drama?" Sarkastikong aniya habang nakataas ang magkabilang kilay.

Eeehh...Nakapout akong naglakad papunta sa tabi niya. I immediately hug her arm and wiggled my eyebrows para 'di na siya magalit pa.

"Tan, may itatanong kasi ako." Panimula ko. She just stared at me as if waiting for me to continue talking. Kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita nang hindu siya umimik. "Kasi, I have this friend of mine Tan. Ang sabi niya kasi one month delayed na siya. Kaya ayun." Kwento ko.

Her eyebrows furrowed into a straight line. Nagtataka niya akong tinignan mula ulo hanggang paa na animo'y sinusuri ang kabuuan ko. I remained silent at naghintay ng sasabihin niya. Kinakabahan nga ako sa sasabihin ni Tanya. She seems so serious.

Hinawakan niya ang balikat ko kaya lalo akong natakot sa kung anuman ang magiging reaksyon ni Tanya. "Pii, magsabi ka nga ng totoo." Nanginginig ang boses na sabi niya. "Ano ba talaga ang nangyari sa inyo ni kuya Andrew?"

Her eyes were pleading. She looks sincere and too concerned. Yumuko na lamang ako at pinakdikit ang dalawang hintuturo ko. She heaved a deep sigh and what she asked next sent shiver down my spine.  Natigilan ako. I even stopped breathing for about a minute or two. Sh*cks!

"Ako lang naman ang kaibigan mo eh. Maliban sa akin at kay Kleigh, wala na. Pii, are you pregnant?" Asked Tanya which bothered me a lot.

Buntis ba ako?

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now