XII

5 0 0
                                    

PIA'S POV:

Maaga akong gumising dahil ngayon ang unang araw ng seminar namin. I was about to wake Tanya up pero wala na siya sa kama niya. Don't tell me she's already done fixing her self? Anong oras kaya siya nagising? Nakakapanibago. Dati-rati, tapos na ako at lahat-lahat eh natutulog pa 'yun, ngayon wala na akong nadatnan 'ni anino niya.

Kibit-balikat akong pumasok sa banyo hababg nakasara ang isang mata ko.

"Kyaaaah!" Sigaw ko while holding my pumping chest.

Napasinghap ako nang maabutan si Tanya na weirdong nakaupo sa nakasarang toilet bowl habang nakangiti. I poked her cheek pero hindi man lang kumurap ang bruha.

"Tanya!" Sigaw ko pero ganun parin siya. Niyugyog ko ang braso niya pero no response.

Hala! Baka nagsuicide si Tanya tapos akala mo eh buhay pa 'yun pala 'di na humihinga. Napaatras ako sa ideyang naiisip ko. Bigla akong kinilabutan sakaling totoo nga ang conclusion ko sa nangyari sa babaeng ito. Anong gagawin ko? Malamang, ako ang magiging primary suspect kasi kami ang magkasama buong gabi sa kwarto. Pero hindi ko nga naramdaman n'ung dumating siya kagabi. Maaga kasi akong nakatulog. Naku Tanya! Ano na naman bang yinira mo kagabi. Unti-unti akong umatras palabas ng CR when she suddenly grabbed my hand.

"Kyaaaaaaaahh." Sigaw ko habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak niya. "Ayoko Tanya. Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam kung anong problema mo at naisipanong magpakamatay." Paulit-ulit na sigaw ko habang nakapikit. Paano kung pagdilag ko eh mukha na siyang zombie? Waaahh!

*Pakkk..

Napatigil ako at napahawak sa ulo ko nang makatanggap ako ng magkakasunod na batok mula sa kanya. Amazona talaga.

"Anong pinagsasasabi mo? Ang g*go ko namang tao kung magpapakamatay ako gayong malapit ko nang makuha ang Red ng buhay ko." Singhal niya at tumayo palabas ng CR. Pero ano daw? Pakiulit nga?

"Pardon Tan?" Nagtatakang tanong ko.

Ngumisi na naman siya at parang tangang nakatingala."Babe ko na si Red." She spilled and jumped over the bed.

Napa "wee, di nga?" look na lamang ako at pinagsarhan siya ng pinto. Malala na talaga ang lagay ng kaibigan ko. Matawagan nga mamaya ang mga magulang niya.

----------

Sabay kaming bumaba ni Tanya patungong canteen para kumain. I brought all my stuff already para pagkatapos ng agahan ay didiretso na lamang ako sa function room.

Tahimik kaming nakapila sa linya when this crazy woman suddenly elbowed me.

"Andyan na siya." Kinikilig na bulong niya habang nakatingin sa entrance ng kantina.

Wala sa sariling napatingin ako sa gawing iyon and saw kuya Red with his gag including kuya Andrew. Halos maglupasay na sa sobrang kilig itong katabi ko at paulit-ulit akong kinukurot sa tagiliran. Nagpatuloy lang ako sa pagkain at 'di pinansin ang nababaliw na si Tanya. Ilang minuto na lang kasi ay tutunog na ang bell para sa simula ng seminar.

*Rinngggg.....!!!!

And as expected. Mabuti na lang at natapos na akong kumain.

"Pii, 'di pa ako tapos." Nakapout na wika ni Tanya na nakapagpabuntong hininga sa akin.

Paano siya matatapos eh 'di pa nga siya nagsisimula. Ikaw ba naman ang tumunganga lang sa harap nina kuya Red eh? Nakakastress talaga ang babaeng ito.

"May snacks naman d'un mamaya Tan." Sabi ko sa mahinang boses sabay tayo sa gilid niya.

Lalo pang humaba ang nguso niya dahil sa sinabi ko. "Ehhh..hindi naman ako mabubusog n'un eh." Reklamo niya at padabog na tumayo sabay habol kay kuya Red na palabas na ng pinto.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now