DOUBTS

2 0 1
                                        

ANDREW'S POV:

"Why not you, lola?" Nanlilisik ang mga matang tanong ko kay lola habang inaabot sa kanya ang isang malaking supot ng strawberries at chocolate syrup na binili namin kanina.

Paano ba naman kasi, matapos niya akong utusang bumili ng mga nirequest ni Pia, ngayon naman ay pinipilit niya akong ihatid ito sa bahay nila. Andito naman na kami sa Kim's residences pero hindi naman ako ang nagtanong at inutusan niya diba? So why make an effort to impress that manang? Baka ano pang isipin niya.

I know I already made a decision at sinabi kong we will try, but not so soon yet. Atleast not now. Hangga't hindi ko pa nasasabi kay Cassandra, bawal muna akong mainlove sa iba. I don't want to add the baggage that she will be carrying when I already tell her everything. That would be too much to bear at baka 'pag nakita ko siyang nasasaktan ay hindi ko na siya magawang pakawalan pa.

Muli akong nakatikim ng isang malakas na palo galing kay lola. I irritatedly scratched my head at padabog na lumabas ng sasakyan. Just how can this day be so amazing? Bw*sit!

"Good morning Young Master Andrew." Sabay-sabay na bati ng mga katulong na as usual ay nakahilera na naman sa hagdanan.

Napasmirk na lamang ako and made my way to the entrance of the receiving area. Doon ko na lang siguro hihintayin si Pia. Or might as well just leave these stuffs to her Butler so I wouldn't get a chance to see that Manang. Napatango na lamang ako with that brilliant idea at dire-diretsong bumaba patungo sa kanilang pinto. I opened it wide without knocking only to see a very dramatic scene.

Pia hugging a stranger while endlessly crying. Habang si Tanya naman ay nakatayo sa gilid nila at medyo naluluha pa but instantly rolled her eyes in the sight of me. I unconciously raised my left eyebrow and even tightened my grip on the plastic bag that I was holding. Hindi paman kami naikakasal ay pinagtataksilan na ako ng babaeng ito huh? How much more if I already gave her my name? Oh, am I even sure that the baby she's carrying is really mine?

"Kuya Andrew?" Nagtatanong na wika ni Pia while wiping her tears out.

Napaikot na lamang ako ng mga mata sa isip ko when I saw her smile nang makita ang hawak ko. Nakangiti siyang lumapit sa akin though her nose and eyes are a bit red dahil sa walang tigil na pag-iyak nito. Nalipat ang tingin ko sa lalaking kayakap niya kanina who is now facing us with a hint of curiousity visible upon his face. His eyes are like an Xray monitor, scanning through my soul. Who are you in Pia's life? Why are you looking at me as if I stole something very precious from you.

Masayang inabot sa akin ni Pia ang supot ng strawberries at nakangiting hinalukay ang laman nito. She was saying something but I didn't hear it clearly because my eyes were still fixed to that man.

Naghahamon ba 'to ng suntukan? Just let me know dude, pagbibigyan kita.

KLEIGH'S POV:

Who is he? At anong relasyon niya kay Selene? Are they friends? Selene hasn't been so closed to any man yet aside from me, her Dad and kuya, so how come this guy got a little bit advanced? Who the f*cking f*ck are you?

But my confusion was answered when Selene suddenly spoke.

"Kuya Andrew?" Nagtatanong na wika niya while wiping her tears out.

Andrew? Kuya Andrew? Who are you? Selene even let go of me when she saw this man. Hilam man ang mga mata ay nagawa parin niyang tumawa nang makita ang hawak nitong supot. Ako lang ang nakakagawa niyan sa kanya noon, bakit pakiramdam ko ngayon ay nagbago na? Napakuyom na lamang ako ng kamao nang maglakad si Selene palapit sa kanya. She was busy staring at the bag kaya hindi niya nakikita na lagpas ang tingin ng lalaking ito patungo sakin. Natatakam na inabot ni Selene ang plastic mula sa kanya at hinalukay ang loob nito.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now