ANDREW'S POV:
                              *Dingdong....
                              Napabalikwas ako mula sa pagkakaupo nang marinig ang tunog ng doorbell. Nabuhayan ako ng loob na ang dalawang ugok na siguro iyong dumating dahil kanina pa ako nagugutom. Halos kainin ko na nga ang nakadisplay na bulaklak sa center table nila kanina. F*ck! Daig ko pa ang naghunger strike! 
                              Patayo na sana si Pia nang unahan ko siya sa paglalakad patungong pintuan. I wanna give these two sh*t my hardest punch. Marahas kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang dalawang g*go na wagas kung makangisi. Animo'y naabot ang langit dahil sa sobrang lapad ng ngiti. Ang sarap dukutin ng mga bibig at gawing pansahog. 
                              "Hey bro!" Bati ni Andrei at walanghiya-hiyang pumasok sa loob ng unit nina Pia. "Handa na ba yung dinner Pia? Gutom na kasi si Andrew eh." See? Napakapatay gutom ng p*ta. Akala mo naman ang close nilang dalawa. Di man lang tinamblan ng hiya at the h*ll is wrong with him? He even used me as his bait?
                              "Ah. Oo. Sa..sandali. Tutulungan ko lang si Tanya na ayusin ang mesa." Paliwanag ni Pia na kumaripas ng takbo patungong kusina.
                              "Oh, anyare sayo?" Tanong ng papasok na si Red habang ngumunguya ng bubble gum.
                              Kinutusan ko siya kaya napaaray ang g*go. He hurriedly ran towards Luke who's helping the two girls setting up the table. Sa sala sila nagdesisyong kumain habang nakalatag ang mga pagkain sa mahabang center table nila Pia. We got ourselves a throw pillow at inilagay ito sa sahig. So, they're planning to eat like Koreans? Not bad! Nagkibit balikat na lamang ako at inilagay ang hawak kong unan sa tabi ni Andrei. 
                              "Wow! Mukhang ang sasarap ng pagkain ah." Puri niya habang nakatingin sa mesa. Patay gutom talaga!
                              "Syempre! Si Pia kaya nagluto niyan." Ani ng babaeng nakalunok ng mikropono at inihalo ang sauce na para sa grilled chicken gamit ang chopsticks niya.
                              "Really Pia?" Manghang tanong ni Luke na tinanguhan naman ni Pia. "You're really surprising me with your wit." Dagdag pa niya at ginulo ang mahabang buhok nito. 
                              "Really Pia? You're really surprising me with your wit."  Panggagaya ko sa sinabi ni Luke sa isip ko while making faces. Nakakairita silang dalawa. Daig pa ang magsyota kung maglandian. Ang sakit sa mata. 
                              Nagulat ako when Andrei suddenly elbowed me. I gave him my what-the-f*ck-is-your-problem look pero ngumisi lang ang g*go. Isa pa 'tong bw*sit sa buhay ko. 
                              "Shall we eat?" Tanong ni Pia habang nakahawak na ng kubyertos sa magkabilang kamay niya.
                              Oh? Naalala pa talaga nilang kumain? I thought, makikipaglandian lang siya kay Luke hanggang mamaya eh. Napairap na lamang ako when they started eating. 
                              Unang kumuha si Andrei na halos ubusin na ang mga pagkaing nakahain sa mesa. Kasunod si Red at ang babaeng maingay na nagtatalo pa kung alin ang dapat unahin. Aish! Sina Luke at Pia naman ay nagkukuwentuhan lang sa mahinang boses habang kumakain ng hindi ko alam kung anong tawag sa putaheng iyon basta may sangkap na isda. 
                              "Yung manok nga muna!" Sigaw ng babaeng pinaglihi sa mikropono at hinampas ang kamay ni Red na kukuha na sana ng seafood paella. 
                              "Aish! Ano ba? Eh 'yun nga ang gusto ko." Reklamo ni Red at padabog na inilapag ang kutsara sa mesa.
                              "Mag rice ang chicken ka nga muna." Pamimilit ni Tanya habang hawak ang sandok at handa nang kumuha ng kanin pero mabilis iyong inagaw ni Red.
                              Nakakainis silang dalawa. They're fighting over a petty thing. Hindi ako makapagconcentrate sa pagkain dahil sa sigawan nila. Ang sarap lang hampasin ng mga bunganga.  Napatingin ako sa ibang kasamahan namin sa mesa and guess what? Parang wala lang sa kanila. Mga patay malisya ang p*ta. 
                                      
                                   
                                              YOU ARE READING
TWISTED FATE (On Going)
Teen FictionAre you still a virgin? A never been kissed and never been touched principle..are you following? Or are you into one night stands?? Which are you among the choices? The first, the second or the latter one? Let's see how their fate twis...
 
                                               
                                                  