II

11 0 0
                                    

TANYA'S POV:

"Pia, busy ka ba?" Tanong ng isang kaklase namin na tila ay nahihiya pa. If I know, may iuutos na naman ang bw*sit na 'yan.

Tinignan ko si Pia nang masama and gave her my tumanggi ka kundi babatukan kita look. Kaya nasasanay 'yang mga 'yan kasi alam nilang palaging ayos lang sa kanya anuman ang iutos nila.

"Busy kasi ako ngayon eh." Mahinang tugon ni Pia at pumikit na animo'y may ibinubulong na mantra. Haha. Tama! Ganyan nga besrfriend!

"Ah, ganun ba? Sige. Naiintindihan ko. May dapat ka din namang gawin diba?" Nanlulumong sagot ng kaklase namin. Haha.

Pero biglang umasim ang mukha ko nang sumagot si Pia ng.."Pero may oras pa naman ako. Ano ba yun?" Nakakaasar lang diba?

"Inutusan kasi ako ng ate ko na bilhin ang mga ito." Sabay abot kay Pia ng listahan. Siya naman pala ang inutusan tapos iuutos pa niya sa iba? "Tapos pakidala na rin sa Education building. Itong pera. Sobra pa yan. Thanks." Anong akala niya kay Pia, alalay? G*gang 'to ah. Nakakapang-init ng ulo. Ang sarap sakalin. P*ta.

"Sige." Sagot ni Pia at nag-ayos na ng mga gamit niya. Dismissal na rin naman kasi may faculty meeting sa Ed. Building. Mabuti't maaga kami makakauwi ngayon. Andami pa kaya naming kailangang ayusin.

"Sasamahan mo ba ako?" Mahinang tanong niya.

Sa mahigit limang taon na kasama ko si Pia, ni minsan ay hindi ko pa siya narinig na sumigaw. Saan ba siya ipinaglihi nina tita at sobrang bait niya.

"Ayaw kitang samahan dahil naiinis ako. Hmp." Pagtatampo ko sabay hampas sa balikat niya.

Tumawa lang siya at binelatan ako. Kita mo 'to. Hindi man lang nagalit. Haaayy.

"Then sige. Aalis na ako Tanya. Kita na lang tayo sa bahay." Ani niya at nagtatatakbong lumabas ng silid-aralan. Haaayy. Kailan kaya siya matututong lumaban? Nakakainis na kasi minsan.

PIA'S POV:

"Uhm, candies? Bakit naman candies? Ah, siguro kakainin 'to ng mga teachers mamaya habang nakikinig sa meeting nang hindi sila mabore. Tama!" Pangiti-ngiti akong naglalakad papuntang mall dito sa loob ng University.

Maniwala man kayo o hindi, itong paaralan namin ay daig pa ang Mall of Asia sa dami ng mga stall at bilihan. Saan ba naman kayo nakakita ng paaralan na may sariling parke, golf course, ice skating rink, swimming pool, mall, bar, dormitory/condo, spa, salon, at helipad. Diba nakakalula? Gusto ko nga sana na sa isang simpleng Unibersidad lang pumasok at maging isang pangkaraniwang mag-aaral kaso palaging wala ang mga magulang ko kaya naisip nila na mas secure kung andito ako. Very tight kasi ang security. Sigurado sila sa kaligtasan ko. One more thing is that, L.U. is one of the most prestigious schools in Asia most especially in terms of Business studies. Businessman ba naman kasi ang may-ari.

Tama na muna ang kwento, andito na kasi ako. I swiped my I.D. sa detector nitong mall bago makapasok. Naka'log na kasi ang schedule namin sa lahat ng facilities dito gamit ang aming identification card. Dito nalalaman kung may klase pa kami o naglalakwatsa lang. Somehow, maganda din naman kung ganito kasi 'di man obvious pero mahalaga na palaging pag-aaral ang nauuna.

"Good afternoon, Yo..." Bati ng mga staff dito sa candy land na agad ko din namang pinutol dahil pinagtitinginan ako ng ibang estudyante. Ngumiti na lamang ako sabay yuko at nagsimula nang maglibot para maghanap ng masasarap na kendi. Hehe. Nakakatakam.

Matapos makapaglagay ng sari-saring kendi sa basket ay tumungo ako sa cashier upang magbayad.

"Wow! Andami niyo namang binili Youn..este Pia." Sabay ngiti.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now