TANYA'S POV:
I am so excited! Ngayon kasi ang balik-eskwela ni Pia. Kyaaah! Finally, may kasama na akong harapin ang mga boring subjects namin. Hahaha. I can't to see that b*tch. It's been what? One day? Hahaha. So what ba? Eh sa namiss ko siya eh.
Mukha akong tanga na nakatayo sa labas ng gate habang hinihintay ang pagdating niya. Una kong namataan ang papalapit na kulay pulang sports car ng suplado niyang asawa kasunod ng tatlo pang sasakyan na sa tingin ko ay pag-aari ng mga kaibigan nito. Oh, I miss my Red too. Nagiging madalang narin kasi ang time ko sa pag-iistalk sa kanya. Kainis kasing mga professors 'to. Nagiging strikto na. Haist. Ang sakit nila sa bangs ha.
Unang bumaba ng kanyang sasakyan ang baliw na si Andrei habang sisipol-sipol pa at mukhang may bago na namang kalandian. Panay kasi ang text niya at panaka-nakang ngumingiti pa. Sinong malas na babae kaya ang muling nagpauto sa casssanovang ito? Naku! Malas mo girl.
Kasunod niya si Luke na as usual ay walang ekspresyon ang mukha. May kasama siyang dalawang naggugwapuhang teenagers na agad nakapukaw ng atensyon ng mga kababaihan. Tss. Kita mo nga naman. Basta lalaki ang pinag-uusapan, daig pa nila ang K9 sa talas ng pang-amoy. Napailing na lamang ako until my favorite color hopped out of his blue car. Simpleng itim na loose rounded neck shirt and maong pants lang naman ang suot niya but it really makes me ogle at him. Halos sunggaban ko na nga siya sa sobrang pagkamangha ko sa kanya. Kyaaaahh.
Papalapit na sana ako sa pwesto nilang tatlo when Andrew went out of his car with a super model. He's with a girl na may mahabang buhok, malalaking mata, maputi at makinis na balat, at mapupulang pisngi at labi. 'Di na nahiya ang bw*sit na 'to. Does he want me to remind him that he is married already? Daig ko pa talaga si Pia kung makapag-react ano? Agad na kumapit sa kanyang braso ang babaeng iyon na daig pa ang bote ng coke sa sobrang ganda ng katawan. Nainsecure naman yata ako dun.
Ngunit nangangati na talaga akong sampalin ang g*gong ito. Is he not aware of Pia being a Princess at talagang gumagawa siya ng eskandalo?
Dali-dali akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila at walang pasubaling sinampal ang g*gong asawa ni Pia.
Napasinghap ang mga tao sa paligid namin at agad na dinaluhan si Andrew na mukhang nabigla sa ginawa ko. Natatawang lumayo naman sa kanya ang babaeng kasama niya at agad na nangunyapit sa braso ni Luke na hindi rin nakahuma ng sasabihin matapos ang kaganapang iyon.
"What the h*ll?!" Sigaw niya nang tuluyan nang makabawi sa ginawa ko.
I unconciously took a step backward nang makita ko ang nagpupuyos sa galit na mukha niya. It seems like anytime ay kakain niya ako ng buhay. Gosh! What have I done? Dali-daling naglakad patungo sa gawi ko si Andrew with eyes full of fury while his hands are closed into a fist. Is he going to punch me? Hell no! Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit at agaf na humarang sa pagitan namin si Red who held my arm and hid me behind his back. I smiled at his gesture. Muntik ko na nga siyang yakapin kung 'di lang ako nakapagpigil. But I won't let this chance pass without smelling my d*mn baby. Sh*t! Amoy pa lang, nag-iinit na ako. Wohohoho.
"Ibalato mo na sakin to dude. Ako nang bahala sa kanya." Dinig kong ani Red bago ako tuluyang hinila sa kung saan.
LUI'S POV:
"Who was that girl my handsome brother? She's nerve wrecking!" Naaamaze na tanong ko kay Kurt after Red took away that insane lady who just suddenly slapped my poor brotha. Hahaha. She's one of a kind huh?
But all I got from Kurt was a very dangerous look na animo'y tutunawin ako sa mga titig niya. Tsss. I want to tease him more but I have no plans of pissing him off. Ngayon pa ba na mukha na siyang dragon na anytime ay bubuga ng apoy? Hahaha. But I must admit, I really like that girl's confidence huh? Who would ever thought of slapping the great Kurt Andrew Lim in public? Hahahaha. That's humiliating dude.
YOU ARE READING
TWISTED FATE (On Going)
Teen FictionAre you still a virgin? A never been kissed and never been touched principle..are you following? Or are you into one night stands?? Which are you among the choices? The first, the second or the latter one? Let's see how their fate twis...
