Sino?

12 0 2
                                    

PIA'S POV:

Maaga akong nagising at dali-daling pumasok sa banyo habang bitbit ang supot ng pregnancy test kits na binili namin kahapon. Sabi kasi ni Tanya ulitin ko daw nang limang beses para masiguro ko kung accurate at magkakapareho ba ang magiging resulta. Huminga muna ako nang malalim at umupo sa nakasaradong toilet bowl bago isa-isang binuksan ang limang kit.  I got a glass of my excrete at magkakasabay na hinulog ito sa limang bilog ng pregnancy test kit. Kapag dalawang linya raw, ibig sabihin ay positive. Mataman akong pumikit habang magkahugpong ang dalawang kamay sa tapat ng aking dibdib. Lahat yata ng santo ay tanawag ko na upang ipanalangin na negatibo ang maging resulta. I slowly opened my eyes and held the five kits. Halos malaglag ako sa aking kinauupuan nang makita ang magkakaparehong guhit sa limang magkakaibang pregnancy test kit.

"Sh*t, paano nangyari ito?" I cursed under my breath with eyes widely opened.

Nagulat ako nang biglang pumasok si Mama na may mapupungay na mga mata. Dire-diretso siyang umupo sa toilet bowl habang nakatingala.

"Oh, why didn't you lock the door?" Aniya nang mamataan akong nakatayo sa gilid ng kubeta habang hawak ang kits sa likod ko.

Umiling lamang ako at akmang lalabas na nang CR when she stopped me and held my wrist.

"What's this?" Pilit niyang hinihila ang dalawang kamay ko na nakalagay sa likod ko. 'Wag Mama. Hindi pa ako handa.

Ngunit wala na akong nagawa nang makuha ni mama ang isa sa mga kit at pilit itong inaaninag.

"Ano 'to?" Inosenteng tanong niya habang itinatapat sa ilaw ang hawak nitong pregnancy test kit. Mabuti na lamang at walang suot na salamin si mama. Haay.

Magdadahilan na lang muna ako habang hindi pa ako nakakaisip ng dahilan kung bakit bigla akong nabuntis kahit wala naman akong boypren. Oo, tama kayo nang pagkakabasa. Dalawang guhit ang lumabas sa limang kit. Which is ibig sabihin ay it's positive.

"Ma, popsicle stick po 'yan." Nagkakamot ng ulo na sabi ko. Please ma, maniwala ka.

Ibinaba niya ang kanyang kamay at tinignan ako nang diretso sa mga mata. Wari'y pinag-aaralan ang mukha ko kung nagsasabi ba ako nang totoo.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Eh bakit may dala kang ganyan sa CR?Ginagamit mong panlinis ng pwet?" Muntik na akong matawa sa naging turan ni mama kung wala lang sana ako sa ganitong kalagayan ngayon.

Akmang ibabalik na sana niya sa akin ang kit nang biglang pumasok si ate at inagaw ito mula sa kamay ni mama.

"What's that?" She asked and stared at the kit for a minute or two bago ako tinignan nang masama. "Anong ibig sabihin nito?!" Bulyaw niya. I saw how she composed herself upang pigilan ang sarili sa pag-iyak.

Napayuko na lamang ako.

"Why are you shouting Georgina?" Nagtatakang tanong ni mama at iginaya kami palabas ng CR.

"Kanino 'to ma?" Tanong niya at itinaas sa harap ni mama ang pregnancy test kit.

Dumadagundong ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba sakaling malaman ni mama ang kalagayan ko at itakwil nila ako sa pamilyang ito. Nagsimulang lumandas ang mga luha sa aking pisngi habang hinihintay ang sasabihin ni mama.

"Kay Pia." Inosenteng ani mama at itinuro ako. "Ano bang problema mo George eh simpleng popsicle stick lang naman iyan." Dagdag pa niya habang papalit-palit ang tingin sa amin ni ate. "Why are you crying Pii?" Nag-aalalang tanong niya nang makita akong umiiyak.

Ate sighed in frustration at tinignan  ako as if waiting for an explanation.

"A..ate."'Yan lamang ang tanging naiusal ko. Patuloy sa pagtulo ang aking mga luha na animo'y may lawa sa aking mga mata.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now