Disaster

1 0 3
                                        

ANDREW'S POV:

I wanted to take a nap for awhile habang nasa biyahe ako papuntang Jeju. But I just can't let this chance pass without seeing the beautiful sceneries. The feeling of being back to this place is really refreshing. I get to reminisce a lot of memories most especially my childhood days.

I leaned my head on my car's headrest and slowly closed my eyes.

Flashback..

"Mama, where are we going?" Asked I while Mom is sitting on the passenger's seat beside Dad.

She looked at Dad first before she turned her head to face me. Worry is visible on her beautiful face.

"We just need to go out of town for a vacation son." She explained before she took a deep breathe and continued. "It won't take long." Aniya pa at muling bumuntong hininga.

Humilig ako paharap at humawak sa magkabilang gilid ng upuan nila mama't papa. Lumingon ako kay papa na kasalukuyang nakatingin sa daan habang seryoso ang mukha. Nagtataka ako sa mga ikinikilos nila.

"Pa, where exactly are we heading to?" Nagtatakang tanong ko while holding my Dad's shirt.

"Kurt, 'wag nang makulit." Ani mama sa nagbabantang boses.

Napaikot na lamang ako ng aking mga mata at bumalik sa pagkakasandal sa backseat. I crossed my arms in front of my chest at tumingin sa labas ng bintana. But I can notice the uneasiness on my father's eyes. Maya't maya siyang tumitingin sa salamin na animo'y may inaaninag sa likod namin. Out of curiousity, I knelt down at humarap sa likod. That is when I saw three black cars chasing us. But, are they actually folowing us? Baka naman pareho lang kami nang pupuntahan?

Nung bumalik ako sa pagkakaupo ay doon ko lang nakita na pareho nang may hawak na baril sina mama at papa. Lumipat si mama sa likod at lumuhod sa harap ko. May hinugot siyang kuwintas mula sa inside pocket ng suot niyang coat at isinuot iyon sa akin.

"Someday you'll uderstand kung ano talaga ang tunay mong pagkatao. Pagkaingatan mo iyan Kurt.." sabay turo sa kuwintas na suot ko. Isa lamang itong simpleng kuwintas na may hugis balang pendant. "It will define who you truly are." Dagdag pa niya bago ako kinabig palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit. "Mahal na mahal ka namin ng papa mo." Bulong niya.

Hindi ko mawari kung nagdadrama lang ba si mama dahil malimit niya naman itong gawin o nagpapaalan na ba siya. Natatakot ako. Ngayon lang ako natakot nang ganito. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari sa mga magulang ko. Iiwan ba nila ako?

"Ma, ano bang ibig niyong sabi...." Tanong ko sa kanya ngunit hindi ko natapos ang dapat ay sasabihin when he motioned me to stop.

She held my cheeks and traced the contours of my face na tila ay minimemorize niya ang bawat bahagi ng mukha ko.

"Kurt, please look for your sis..."

Booogshh....

Screeeeccchhh......

"Mama!" Sigaw ko na ikinahinto ng kotseng sinasakyan namin.

Dali-daling bumaba si Butler mula sa passenger's seat at lumipat sa tabi ko.

"Are you alright young master?" Tanong niya sa nag-aalalang toni habang sinisipat ang ulo at leeg ko.

I shoved his hand away at umayos ako ng pagkakaupo. I had a nightmare again. Palagi ko nalang napapanaginipan sina mama at papa. Ano kaya iyong dapat ay sasabihin ni mama bago sumabog ang sasakyang sinasakyan namin?

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now