A/N: Please make a comment if you like the story. Please like and continue reading para ganahan din akong mag-update. Thanks.😄
-----------------------------------------------------------
ANDREW'S POV:
"Thanks kuya." Masayang ani Pia at nagsimula nang lantakan ang dala kong strawberry at syrup sa kanya.
She sat on the couch beside Tanya and ate as if I never existed. Patuloy pa rin sa mapanuring tingin ang lalaking iyon at papalit-palit ang tingin sa amin.
Wala bang balak ipakilala si Pia ang lalaking kayakap niya kanina? Or should I say, doesn't she have any plans of introducing who I am? Aish! Nakakainis. Kaya ganyan yan makatingin eh. Akala mo kung sino.
My thoughts were cut off by butler when he relayed to me that Luke and the boys already arrived. I am sure, they'll be surprised kapag nakita nila kung sino ang aking mapapangasawa. The woman we treated like a trash is a princess in the first place. Hanggang ngayon 'di ko parin maintindihan kung bakit inililihim ng kanilang pamilya ang tunay na katauhan ni Pia. Ampon ba siya?
Why am I even asking the whereabouts of that nerd? Makaalis na nga. I lifted my foot and started my pace paalis ng bahay na iyon, but Pia called my name.
"Are you leaving now kuya?" Tanong niya.
I slowly nodded my head and showed her my watch habang nakatalikod pa rin.
"We have a dinner later at 7. Sa resort." Paalaala ko sa kanya at tuluyan nang umalis.
This is it. Makikilala na talaga nila si Pia. I am not excited for the event tonight. This will serve as an engagement at announcement na rin ng merger ng mga companies at pamilya namin. Maging excited man ako o hindi, wala na rin naman akong magagawa. Maybe. Just maybe, I am really meant to be bound by this marriage. Napabuntong hininga na lamang ako bago pumasok sa kotse. Mahigit isang buwan ng buntis si Pia ngunit hindi pa naman masyadong halata ang tiyan niya. Not that I am concerned about her pero paano kapag nalaman ng mga tao sa school na nagdadalang tao siya? What will their reaction be? Hindi pwedeng malaman nila na kasal na kami.
ANDREI'S POV:
"Imagine, ang yaman pala ng pakakasalan ni Andrew? For sure, arranged marriage talaga 'to." Said I while chewing the food inside my mouth.
In fairness, ang sarap ng mga pagkain nila dito ah at higit sa lahat ang sesexy ng mga servers. Parang ayoko na ngang umuwi ng Pilipinas eh. Sa mga chicks pa lang, busog na busog na ako. Haha.
"Alam mo na ba kung sino ang pakakasalan ni Andrew?" Dinig kong tanong ni Red kay Luke kaya napasingit ako bigla.
"Oo nga pre. Kapangalan pa talaga ni Pia." Wika ko at muling sumubo ng chicken soup.
"Who?!"
Muntik na akong mabilaukan sa gulat nang biglang tumayo at sumigaw si Luke sabay hampas ng mesa sa harapan namin. Bastos! Amp*ta!
"Ano ba? Bakit ka ba sumisigaw?!" Sigaw ko din pabalik sa kanya.
P*tang 'to. Kitang kumakain 'yung tao. Dahan-dahan siyang bumalik sa pagkakaupo na animo'y pilit na inaabsorb ang mga narinig.
"Hell no." Bulong niya.
"Why not Luke?" Nangangambang tanong ni Red na tumigil na din sa pagkain.
"Imposible." Aniya at dinampot ang cellphone na nakapatong sa mesa. Nakailang tipa siya sa screen bago namean narinig itong magring.
"La, what are they talking about? Sinong Pia? Paano? Are you kidding me?" Dire-diretsong sabi nito bago binitawan ang hawak na telepono. "This can't be." He whispered again at tumunganga sa malayo.
"Anong sabi ni lola?" Asked Red out of curiousity.
Humilig pa siya sa mesa upang marinig nang malinaw ang sasabihin ni Luke.
"She said that we should wait until tonight. They will formally announce the engagement." Aniya sa mahinang boses. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha.
I know Luke likes Pia. Unang kita ko palang sa kanya, halata ko na. He wouldn't take an effort na magpapansin sa babae kung wala lang si Pia. Masyadong mailap ang Lim na ito sa mga babae. I know na manhid din si Andrew pagdating sa mga chics, well, aside from Cass. Kasi nga laging hanggang first at second base lang ang kaya niya. But, he's also fascinated to woman. Playboy 'yun bago sinagot ni Cassandra eh. Natatakot din ako sa kahihinatnan ng agam-agam kong 'to. What if, it was really Pia? Anong mangyayari sa mga kaibigan ko na naturingan pang magpinsan? Haaay.
"Should I hire an investigator?" Wala sa sariling suhestiyon ni Lule habang nakatingin sa malayo.
Nagkatinginan kami ni Red na parang hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Luke...Lukekarit! Haay.
We're having our brunch in the veranda overlooking the beautiful sea. Dinig na dinig ang malalakas na hampas ng alon dahil malapit na ang hapon. It's past 2:00. Natulog muna kami kanina bago nagpalit ng damit at kumain.
"What Luke? You'll get to see her later kung sino man siya. And look, she'll be Andrew's wife. Don't tell me, nainlove ka sa babaeng kapangalan lang ni Pia at hindi mo pa nakikita." Nakataas ang kilay na wika ni Red habang sumisimsim sa baso ng red wine nito.
Tumango-tango na lamang ako upang ipaalam na sang-ayon ako sa sinabi ni Red. Hindi pa naman kami sigurado na si Pia niya at Pia ni Andrew ay iisa.
"Hi."
Naputol ang usapan naming tatlo nang may dumating na babaeng nakalugay ang kulay kayumanggi nitong buhok habang nakangiting kumakaway sa amin. Sa amin? Lumingon muna ako to make sure that it was really us she's waving her hand at. Nang makumpirmang wala naman nang ibang tao sa paligid ay agad akong tumingin pabalik sa kanya. I gave her my most seductive smile at inanyayahan siya sa mesa.
"Hi there boys. Kayo pala ang mga friends ni Andrew." Wika niya at naglahad sa amin ng kamay isa-isa. "I'm George Kim. Andrew's soon to be sister-in-law." Aniya habang natatawa. Lahat ba sila George ang pangalan? Weird!
P*ta. Kapatid siya n'ung isang Jeorge din kanina? Ganito ba talaga kaganda ang lahi ng babaeng pakakasalan ni Andrew? Parang mga angel at diyos na bumaba galing langit papuntang lupa. Sabog sa ganda at kamandag ang dala. Porma pa lang niya, nakakapang-akit na. Sh*t!
"Andrei at your service." Pagpapakilala ko pagkatapos ni Red and kissed the back of her left hand.
Nabigla yata siya sa ginawa ko. She jumped in surprise at agad na binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ko. Her cheeks turned red and she looks so d*mn cute. F*ck! Bumaling siya kay Luke na nakatulala parin sa kawalan at muling ngumiti.
"Hi Luke. Ang laki mo na ah." Aniya na literal na nagpakunot ng noo ko.
Nagtatakang tumingin si Luke sa babaeng kausap namin. The same sweet smile is still plastered all over her face. She knew Luke? Paano?
"Excuse me?" Tanong ni Luke na punong-puno ng pag-aalinlangan kung siya ba talaga ang kinakausap nitong George na babae.
Humalakhak ang babaeng George at weird na tinignan si look na animo'y nagtatanong ng "seriously"?
I mupo siya sa bakanteng silya sa gitna namin ni Luke at nagtaas ng kamay sa waiter di kalayuan sa pwesto namin.
"Yes Young Heiress?" Aligagang tanong nito habang naglalatag ng menu.
Ganyan siya ka powerful na maging ang waiter ay halos manginig na sa sobrang takot sa kanya? Hmmm. Sounds exciting.
"Buko shake and ube cake." Tugon niya sa waiter kahit di pa man nachicheck ang menu.
She's into sweets? Unbelievable. Sa katawan niyang 'yan? Nagiging interesado tuloy ako.
Muli siyang humarap kay Luke nang umalis na ang waiter at nginitian ito. Hindi ko mabasa ang iniisip ng babaeng ito. She seems so mysterious to the point na nagiging interesado akong malaman ang buong pagkatao niya.
"Oh, anyway. Bata ka pa kasi the last time we've met. Kaya siguro halos di mo na ako maalala. How about Pia? She's your childhood friend. I bet you were able to identify her the moment you saw her again? I heard, nasa same school kayo?" Walang prenong paliwanag nito.
Kilala ni Luke si Pia? Sinong Pia ba?
Nahihiwagaan na talaga ako sa pagkatao ng Pia na ito. She's a pain in the ass!
YOU ARE READING
TWISTED FATE (On Going)
Teen FictionAre you still a virgin? A never been kissed and never been touched principle..are you following? Or are you into one night stands?? Which are you among the choices? The first, the second or the latter one? Let's see how their fate twis...
