ANDREW'S POV:
Nakaupo lang ako sa sofa waiting for Pia while reading a magazine about business. It has been one and a half hour already since those gays took her away para ayusan. Hindi pa ba tapos 'yon? Malamang! Baka andami niyang libag sa katawan kaya tinanggal muna. Hahaha. Wala sa sariling itinaas ko ang laylayan ng sleeve nitong suot kong suit to check the time. Mag'aalas syete na din pala.
"Hey handsome." Tawag ng isang bakla mula sa likuran ko.
I slowly turned my head to face them. Pareho silang nakangiti habang may hawak pang hairbrush at make up kit. 'Wag na kayong magtaka kung papaanong ko nalaman na make up kit 'yung isa. Palagi ko kasing nakikita si Cassandra na naglalagay ng make up,kaya ganun. Tumayo ako at naglakad palapit sa kanila but they suddenly motioned me to stop.
"Stop right there handsome."
I just rolled my eyes and followed. "Done?" Tanong ko habang inilalabas ang credit card mula sa aking bulsa.
Nagkatinginan silang dalawa sabay ngisi then did the approved sign with double thumbs up pa.
"Presenting Her Majesty in black." They shouted in unison and moved to the both sides upang makita ko si Pia na nakatayo sa gitna nilang dalawa.
I stared at her for about a minute or two bago binawi ang tingin ko when I felt that I literally dropped my jaw. She looks like a different person now. With a dazzling black dress and long curly hair. I never knew that she can be as stunning as this. I should be honest even just for now, may itinatago rin palang ganda ang ugly duckling na 'to.
She seemed uneasy with how she looks right now kaya nilapitan ko na bago pa magbago ang isip niya at 'di sumama. Mukha siyang ewan. Nasa old age pa ba 'to at parang hindi man lang nainform na 2016 na pala. May pagka manang eh. Panay kasi ang hatak niya sa damit pababa kahit di naman sobrang ikli nito. Ang iba nga diyan eh halos mahuburan na tapos siya napaconservative pa.
"Tsss. Let's go." Ani ko sabay offer ng braso ko para makapitan niya.
Tinignan niya ako nang nagtataka at halos magkasalubong na ang mga kilay niya kaya kinuha ko ang kamay niya at isinukbit sa braso ko. I felt her hands trembling at mukhang nabigla yata siya sa ginawa ko.
"Be brave even just for tonight. Ipakita mong matapang ka. 'Wag mo silang hahayaan na ipahiya ka." Sabi ko at hinila siya palabas ng salon.
Nagtungo kami sa front part ng salon and waited for my car na kinuha pa ni Manong Dan sa parking lot ng hotel. From where we are standing ay kitang-kita ang napakagandang view ng Eiffel Tower na napapalibutan ng nagkikislapang ilaw.
I slowly moved my head and looked at the woman beside me. She is staring at the sky while pointing her finger as if counting the stars. Napaka'childish niya talaga. She looks so innocent and pure. Napakabait niya pero I feel like her life is full of misery ang loneliness. Mahirap ba talaga siya? Pero papaanong nakapasok siya sa school? Unless she's a scholar?
"Young Master." Tawag ni Manong Dan kaya nadivert ang atensyon ko sa kanya.
Inakay ko pababa ng hagdan si Pia at pinagbuksan ng pinto. Pangiti-ngiti namang umikot si Mang Dan papunta sa unahan upang umupo sa driver seat habang nakatingin sa aming dalawa. Problema ng matabdang 'to? Iuntog ko kaya siya sa manibela.
Pasipul-sipol pa siya habang nagmamaneho. Maya-maya ay, "Haaayyy,love is in the air." Ani niya at nahuli ko siyang tumingin sa rear view mirror bago humagikhik na animo'y kinikilig.
Tumahimik na lamang ako at tumingin sa labas ng bintana. Humanda sakin 'yan mamaya. Kung anu-anong pinagsasasabi.
Matapos ang labinlimang minuto, tumigil kami sa harapan ng mismong hotel kung saan idadaos ang party. Inalalayan ko si Pia pababa ng kotse. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata,so I unconciously grabbed her hand and held it tight bago siya hinarap.
YOU ARE READING
TWISTED FATE (On Going)
Teen FictionAre you still a virgin? A never been kissed and never been touched principle..are you following? Or are you into one night stands?? Which are you among the choices? The first, the second or the latter one? Let's see how their fate twis...
