Kabanata 40

1 0 0
                                    

PIA'S POV:

Nagising ako nang madaling araw kinabukasan dahil sa namumuong maasim na likido sa aking lalamunan. Patakbo akong nagtungo sa banyo at padarag na binuksan ito. Agad akong napayakap sa toilet bowl at iniluwa lahat ng kinain ko kagabi na hanggang ngayon ay hindi pa yata nadadigest. Hinila ko ang isang rolyo ng tissue mula sa lababo at padarag na pinunasan ang labi ko. Tatayo na sana ako upang maghilamos but I threw up again. Halos matawag ko na lahat ng mga santo at pamilya naming sumakabilang buhay upang tulungan akong maisaayos ang sarili ko. Though I already had a warning from the OB that my first trimester won't be easy ay hindi parin ako makapaniwala na ganito pala kahirap ang magbuntis. Nangangasim parin ang sikmura ko kahit na kulang na lang ay mailuwa ko na pati ang aking bituka.

Bigla akong nanghina. I closed my eyes and leaned my back on the cold wall. Nang tumingala ako at sinubukang buksan ang aking mga mata ay biglang umikot ang paningin ko. Naging mabilis ang aking paghinga. I held my chest at muling niyakap ang bowl. Hindi na ba matatapos 'to?

Frustrated akong bumalik sa pagkakahiga matapos magtooth brush at maghilamos ng mukha. I turned on the lampshade on my bedside at humarap sa aking kaliwa. No one was there. 'Ni hindi man lang nalukot ang bedsheet, which means that he didn't sleep here.

Muli kong naalala ang annulment agreement na nabasa ko kagabi. Bakit nga ba niya ako pinakasalan if in the first place ay hindi niya kayang panindigan? Ayos lang ba sa kanya ang makasakit ng damdamin ng iba?

I wiped my tears away nang maramdaman ko na naman ang pamumuo ng mga ito sa gilid ng mga mata ko. Nasasaktan ako, hindi dahil walang happy ending ang naging love story ko but because this little thing inside my womb will be taken away from me as if I never became a part of it. Hindi pa man ako nanganganak ay ramdam ko na ang pagiging ina dahil sa kanya.

"Hija, hindi mo ba ihahatid ang asawa mo?" Tanong ni mama nang bigla siyang pumasok sa kwarto ko nang hindi man lang kumakatok.

Agad akong tumalikod sa gawi niya upang hindi niya makita ang pamumugto ng mga mata kong isang gabi nang umiiyak. I felt her footsteps walking towards me kaya pasimple kong pinalis ang mga luha ko at nakangiting hinarap siya.

"What is it Ma?" Pagod na tanong ko.

"Andrew and his gag are going back to Phil. Hindi mo ba sila ihahatid?" Tanong niya at inalalayan ako sa pag-upo.

Babalik na pala sila ng Pilipinas? Hiw about me? Will I be staying here para hindi malaman ng iba ang pagdadalang-tao ko? Muling nangiligid ang luha ko dahil sa ideyang iyon. Ngunit bago paman ako tuluyang maluha ay niyakap na ako nang mahigpit ni Mama.

"Fix yourself baby. Let's go downstairs. They're having their breakfast now. I bet you wouldn't want your husband to leave without seeing him, right? So hush and get yourself ready." Mahabang lutanya ni mama and let go of me.

She patted my head bago naunang bumaba. She thought I was crying dahil aalis na sina kuya Andrew. How I wish I was really crying because of that reason. Tamad akong nagbihis ng puting bestida at itinali ang mahaba kong buhok. This past few days ay nagiging tamad na akong ayusan ang aking sarili. Even taking a bath became so hard for me.

I went downstairs at naabutan ko silang kumakain sa dining area. He was with sitting next to his lola and lolo while kuya Luke, Red and Andrei were a chair apart from him. Nasa harapan naman nila ang aking pamilya kasama si Tanya. Nang mamataan akong palapit sa mesa ay agad na tumayo si kuya Andrew at ipinaghila ako ng silya sa tabi niya. He was smiling yet his eyes are still cold.

Walang imik niya akong ipinagsandok ng kanin at nilagyan ng sunny side up at bacon sa pinggan. He even poured my milk for me. This is one awkward moment. Really!

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now