VII

11 1 0
                                        

ANDREW'S POV:

"Sorry Drew. Maybe, at the time that you had received this voice message, I am already on my way back to New York. Sa totoo lang alam ko ang sorpresa mo. Bago paman ako makauwi mula sa ibang bansa, may idea na akong magpopropose ka once I came back. Mahal kita babe. I really love you sooo.. much. But I hate to see you succeed and here I am, just a someone na hindi man lang naabot ang mga pangarap. Alam kong minsan na kitang iniwan for my dreams and my priorities and I am so sorry. Naiintindihan mo naman ako diba babe? Heto na 'yun eh. Matutupad ko na ang mga gusto ko. Susurpotahan mo naman ako diba? Maghihintay ka naman diba babe? Kasi ako hihintayin kita kahit gaano pa ka tagal. Mahal na mahal na mahal kita Andrew. Mag-iingat ka ha?"

Naiiyak ako habang paulit-ulit na piniplay ang mensaheng ipinadala ni Cassandra. I never expected that she'll choose her dreams AGAIN over me. This is so not me. Ni minsan ay hindi pa ako umiyak para sa ganitong napaka lame na bagay. Sanay naman na akong palaging iniiwan. What's new?

Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Sa pagkakaalam ko merong bar sa ibaba kaya doon ko na lang ibubuhos lahat ng sama ng loob ko.

"Your strongest, please." Ani ko sa bartender dito sa counter ng bar.

I want to spend my whole night drinking to my heart's content. Ramdam ko ang init ng likidong dumadaloy sa lalamunan ko. Sa bawat lagok ay bumabalik lahat ng alaala namin ni Cassandra. Ang sakit palang maiwan. P*ta! Nakakag*go! Kagaya ng sabi ko, bar hopping isn't my thing. Pero sinong mag-aakala na dito rin pala ang bagsak ko. Haha.

"Hahahaha." Tawa ko nang mag-isa habang dinarama ang pagtulo ng mga luha ko.

"Are you alright, Sir?" Tanonv ng bartender pero tinawanan ko lang siya saka nakipag'apir. "You're drunk man." Dagdag pa niya at tinapik ako sa braso.

I placed my head on the counter and started sobbing. Sh*t! Ang sakit-sakit. Nakakabwisit!

"Cass.." I repeatedly uttered while crying like a fool.

"Where's your room young man? I'll bring you their." Dinig kong sabi ng pakialamerong bartender na 'to pero tanging ang mga katagang "20..." lang ang lumabas sa bibig ko bago ako tuluyang nakatulog.

PIA'S POV:

"Tanya, nahihilo na 'ko." G*gong babae kasi 'to. Inaya ba naman akong uminom kasama ang mga kaklase namin.

Hindi ko alam pero bigla nalang akong nakaramdan ng init at pagkauhaw. Hindi naman sana ako sasabay eh kaso nakakahiya namang tumanggi. Ayokong masabihang KJ o Manang. Ngayon nga lang sila nagkalakas loob na isama ako sa mga ganito, tapos aayawan ko pa.

"Hik..o..okay lang 'yan Pii..hik." Kita mo 'tong si Tanya, mukhang lasing na. Nagtutunog baboy na kasi. Hihi.

"C..Cr lang a..ako." Pagewang-gewang akong tumayo at bumalik sa kwarto naming dalawa nang may biglang humawak sa bewang ko kaya napaiktad ako.

"Hi Pia. Babalik ka na ba sa kwarto niyo?" Tanong nang hindi ko kilala kung sino dahil nanlalabo na ang paningin ko.

"Hik.. O..oo..kuya Pat? I..ikaw ba 'ya..yan?" Nauutal na tanong ko sabay haplos sa mukha niya. Ewan kung bakit 'yun ang nasabi ko. Nababaliw na rin yata ako.

I heard him chuckled kaya napangiti rin ako. "Uhm..yeah. Hatid na kita." Bulong niya na nakapagpatindig ng mga balahibo ko. Kyaaah. Goosebumps!

Inakay niya ako papunta sa kwarto namin ni Tanya. Agad kong naramdaman ang malambot na kutson nang humiga ako sa kama. Haay. Ang sarap sa pakiramdam. Para akong hinihele ng mga anghel sa langit.

"Uhmm." I heard someone groaned kaya napangiti ulit ako.

Mukhang sinamahan ako ni Kuya Pat dito sa kwarto. Hehe. After a while, I felt him wrapped his arm around my waist. He pulled me closer to him at nakikiliti ako sa kanyang hininga na malapit sa aking tenga.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now