Kabanata 41

0 0 0
                                        

PIA'S POV:

Naging mabilis ang mga araw para sa akin. The days went like a blur. Nag-iimpake na kami ngayon pabalik ng Pilipinas. I am sure I missed a lot of lessons kaya kailangan kong humabol. Bukas ng umaga ang flight ko kasama si Tanya. Two days after umuwi nina kuya Andrew ay bumalik na rin sina ate at kuya sa kani-kanilang trabaho. Kung madalas silang tumawag noon kapag hindi kami magkakasama ay mas dumoble pa ngayon dahil sa pagiging OA nila. Just like right now. After an hour of talking to ate ay si kuya naman ngayon ang tumatawag. Haaayy.

"Are you taking your vitamins?" Tanong niya sa kabilang linya. Medyo maingay ang background so I guess he's somewhere with a lot of people.

"Yes po." I answered as a matter of fact.

"Good. When is your next check up then?" See? Daig pa ang asawa ko kung mag-alala. Eh, mukhang wala nga iyong paki sa akin eh. It's been a week ngunit kahit "hello" galing sa kanya ay wala akong natatanggap. Tsk. I should not expect much.

"Sa tuesday po. Sa Pilipinas na. Uuwi na kasi kami bukas." Explained I.

"I see. Sinong susundo sa'yo? May katulong na bang inihire sila mama sa bahay niyo? I will go home next week. I'll visit you. I should check your house too.....bla...bla...bla..."

Ganyan ang routine ko araw-araw sa loob ng isang linggong pamamalagi ko dito matapos ang kasal. Minsan gusto ko na lamang ihulog sa toilet bowl ang cellphone ko. Hindi kasi natatapos ang isang buong araw nang hindi tumatawag ang isa sa mga kapatid ko. But I really appreciate it. Nang umuwi sina kuya Andrew ay tumawag din sa akin si kuya Luke kinagabihan. But that was too short. Kinamusta niya lang ang lagay namin ni baby and after that ay hindi na naulit pa. I think he's keeping his distance. But I understand. Ayoko din siyang mahirapan.

After packing up my things ay lumabas muna ako saglit. I went to the resort and sat on the white sand. The ocean is so calm. The waves aren't big. Parang kahapon lang nang naglalaro pa ako sa islang ito. Running with my siblings while wearing nothing. Natawa ako sa sarili kong alaala. Ang tagal na rin pala mula nung maging bata ako. Carefree, naughty and not problematic. Ang tanging inaalala ko lang noon ay ang mga simpleng bagay tulad ng candy, damit, sapatos, mga laruan at kaibigan. Tumingala ako sa kulay asul na kalangitan. The sky is as blue as the calm ocean. Ang simoy ng hangin ay kasing lamig ng hangin tuwing Disyembre. Pinapakalma nito ang buong sistema ko. Suiting and relaxing. Biglang umalon nang malakas. Dumampi ang maligamgam na tubig sa aking mga paa. Hinayaan kong sumayaw sa ihip ng hangin ang mahaba kong buhok. Natatabunan nito ang aking nakatingalang mukha. Sana palagi nalang ganito. Malayo sa mga taong nagbibigay pasakit sa puso ko. I can live alone. I'm used to it. Kahit kaming dalawa lang ng anak ko ay magiging masaya ako. Sa kagustuhan kong bigyan siya ng kumpletong pamilya ay mukhang ako naman iting mawawala sa kanya. Lumaki akong malayo sa aking mga magulang kaya alam ko ang pakiramdam ng nangungulila sa pag-aalaga ng isang ina at atensyon ng ama. Ngunit alin man sa dalawa ang pinili ko ay pareho paring bigo akong bigyan siya ng isang pamilyang buo. Nakakafrustrate ang ganito. Why did I let myself fall in this hole? Ang hirap. Ang hirap-hirap.

"Kaya mo 'yan!"

Napatalon ako nang may biglang nagsalita sa likod ko. I almost dropped my heart when he suddenly shouted. Since this resort is in a private island, ay walang taong nagagawi dito bukod sa pamilya't kakilala ko. Ngunit dahil hindi naman bakasyon ngayon ay tahimik ito. Nasa malayo pa ang hotel at sigurado akong hindi sila maglalakas loob na lapitan ako habang nagsisente dito. Nilingon ko ang pangahas na umistorbo sa aking momentum at binigyan siya ng nakamamatay na tingin.

"Oh, I was just cheering you up." Natatawang aniya habang itinataas ang dalawang kamay na animo'y nagsasabing "suko na ako".

Tumayo ako at pinagpag ang buhanging kumapit sa dress ko bago siya nilapitan at sinapok sa ulo.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now