IV

7 0 0
                                    

PIA'S POV:

Maaga kaming bumalik ni Tanya sa University dahil nagpatawag ng isang mahalagang meeting si Principal regarding our practicum in Paris. Labag man sa kalooban ko ang sumama doon ay wala na akong magagawa pa since kabilang ako sa mga future negosyanteng nag-aaral sa paaralan niya. Pwede namang dito na lang pero bakit kailangan sa isang malayong lugar pa?

Andito na kami ngayon sa covered gym ng L.U. habang prenteng nakaupo at naghihintay.

"Good morning juniors and seniors Business Management students." Bati ni Principal L na kadarating lang.

"Good morning Principal L." Sabay-sabay na sagot naming lahat bago yumuko upang magbigay galang. Ganyan kami dito eh.

"Take your seat. So, I guess some of you already have an idea why I called you for this meeting. The seminar and practicum which was scheduled next week was moved tomorrow due to some unexpected circumstances. You'll be staying their for one week. Your parent's consent will be given to you later after this meeting. You can't go unless a sign from your parents is attached to that paper. Bring the things that you will be needing for the whole week and please be ready and prepared. I will be giving this day for you to pack your things so no need to attend your classes for today. That's all. Thank you." Ani Principal and left us all puzzled and amused.

Samo't saring reaksyon ang naririnig ko mula sa mga kaklase at kakurso ko pero ako ay nanatiling tahimik at pilit isinisiksik sa utak ang lahat nang narinig. Sobra naman itong si Sir, agad-agad kung makapagdecide? Akala mo eh magkacamping lang kami sa Paris. Haaay. Hindi pa naman ako nakapagpaalam kila Mama. Akala ko kasi fix na ang schedule na next week pa. Napressure tuloy ako.

"Pii, let's go?" Asked Tanya who is currently sitting beside me. Nagtaka ako kung saan niya balak pumunta. Akala ko kasi mag-iimpake kami.

"Saan?" Mahinang tanong ko na halos pabulong nalang ito. Ang ingay kasi ng mga nasa paligid. Hindi tuloy kami magkarinigan.

Tanya rolled her eyes at hinampas ako. Napakasadista talaga ng babaeng 'to. Palagi nalang nananaki ft kaht di mo naman inaano.

"Where to? Obviously in our room, diba? Batukan kita diyan eh." Kunwari'y naiiritang pahayag niya sabay hatak sa akin patayo.

Tatawagan ko nalang siguro sina Mama at Papa para mainform sila na bukas na ang alis namin papuntang Paris. Kung kailan naging kumpleto kami saka naman ako mawawala. Next week narin kasi ang balik nila sa Korea pati narin nina ate at kuya. Haayy.

"Bilisan mo 'te. Alam ko naman kasing aabutin ka ng isang taon sa pag-aayos mo." Nang-aasar na wika ni Tanya habang hila-hila parin ang kamay ko.

"Ikaw naman. Pwedeng one and a half hour lang?" Natatawang sagot ko while we were walking hand in hand.

"Oy, si kuya Pat oh." Turo niya sa lalaking paparating kaya agad kong hinampas ang kamay niya. Mamaya mahalata ni kuya Patrick na siya ang pinag-uusapan namin eh. "Bakit hindi mo batiin Pii? Nanunuksong suhesiyon ni Tanya sabay sundot sa tagiliran ko.

Yumuko na lamang ako nang maramdaman ang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Pesteng Tanya naman oh. Nakakahiya talaga ang pinagsasasabi niya.

"Ano Pii? Malapit na oh." Tanong niya ulit habang humahagikhik. Baliw na si Tanya.

"Wag ka nga. Nakakahiya." Bulong ko at kinurot siya sa kaliwang braso.

"Tanungin mo na rin kung sasama siya. Baka kasi kailangan niyang ipakita ang role bilang LUSC President bukas hanggang nextweek. Alam mo na,pero baka lang naman kaya itanong mo na ha?" Sabi na naman ng bruha at tumawa nang mahina na animo'y kinikilig pa.

"Eehh...ayoko nga. Nakakahiya." Pagmamaktol ko at kumapit sa braso niya.

"Ano ka ba. Parang magtatanong lang eh. Sige na. Maiwan na kita nang magkamoment kayong dalawa. Hihi." Dagdag pa niya at pilit na kumakalas mula sa mahigpit kong pagkakahawak. Nakakainis naman eh. Kitang nahihiya ako, 'tas mang-iiwan pa. "Aja! Fighting sis" She added and ran away. Kyaaahh! Tanya!!

"Hi Pia." Bati ni Kuya Pat na ngayon ay nakangiting nakatayo na sa harapan ko.

Nag-aalangan akong ngumiti pabalik sa kanya sabay hawi ng ilang hibla ng buhok ko. "Hello kuya." Nahihiyang tugon ko habang nakayuko.

"Oh, ba't nakayuko ka?" He said while chuckling so I lifted my head up at tumingin sa kanya nang diretso. "Yan, show your beauty off. Hindi yung tinatago mo." Said he and smiled. "So see you around starting tomorrow. I will be with you during your tour." He continued then patted my head before leaving me dumbfounded.

Hindi pa nga ako nagtatanong eh. Hindi man lang ako nakasagot sa mga sinabi niya. Nakakahiya! Mukha akong tinakasan ng bait habang nakatunganga. Aish! Walangyang Tanya yun. Humanda talaga siya sakin mamaya. Baka anong isipin ni kuya Patrick. Waaahhh..

ANDREW'S POV:

"I'll go babe. No need to worry about it. Susunod na lang ako, okay?" Sabi ni Cass habang nakayakap mula sa likod ko.

Busy kasi ako sa pag-aayos ng mga gamit na dadalhin bukas. Siya naman ay heto, nakayakap lang at naglalambing. She was talking about not being with me sa pag-alis dahil may importanteng bagay raw siyang kailangang asikasuhin bago sumunod sa Paris. It's an advantage for me 'cause I will have enough time to prepare for my proposal. Naexcite tuloy ako bigla.

"Sure thing babe. But be sure to be their before dinner, alright?" Malambing na sagot ko bago umikot at hinarap siya.

I cupped her face and gave her a warm passionate kiss. I can't wait for this lady to be mine for a lifetime. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya dahil finally, we will be engaged.

"I'll call Dan later to accompany you tomorrow. I want to keep you safe." Said I and continued preparing my luggage. Siya naman ang humiga sa kama ko habang nakatingin sa kisame.

"No need babe. Anyway, I'll be using your private jet din naman. Nakakahiya kay Kuya Danny. Nagmukha pa akong VIP." She explained and giggled like a baby. So humble as ever. One of the qualities I am so attracted about her.

"Why is that so? There's nothing to be shy about babe. Anyway, you'll be Mrs. Lim soon." Teased I which made her blush. So cute.

I saw her roll over the bed while still blushing kaya natawa ako. Haha. "Eeee. Alis na nga ako. Nakakainis ka naman eh." Sabi niya at nagtatatakbong lumabas ng unit ko. Haha. Kita mo 'yun. Napakachildish talaga.

Kring.....Kring......Kring.....

I stopped fixing my things when my phone suddenly rang kaya sinagot ko muna ito. I didn't bother to check the caller ID dahil tinatamad ako. Haha.

("Young Master, ready na po ang pinapagawa niyo. Kailangan mo na lang iapprove bukas.") It was Secretary Kang on the other line. He's my Assistant in our family's company where I am having my practicals for managing our assets soon.

"Good job Secretary Kang." Praised I and ended the call.

Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti matapos ang mga narinig. All had been set. Ang future bride and groom na lang ang kulang. I really hope that everything will be fine. Kailangan ko ngayon ang matinding pahinga para sa mga mangyayari bukas. Wish me luck Mom and Dad.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now