LUKE'S POV:
                              Maaga akong nagising dahil napag-usapan namin nina Andrei na mamasyal sa buong syudad ng Paris. I am not sure if Andrew is interested dahil wala naman siya nu'ng nagplano kami kahapon. Isa pa I am excited to be with Pia. I don't know why but I find her really mysterious that it truly turns me on. Nung una ay ayaw pa niyang sumama dahil may tatapusin pa daw siyang requirement sa isang subject nila ngunit mabuti na lang at naconvince ni Tanya. Ibang klase din ang babaeng 'yun.
                              Dahan-dahan akong bumangon sa kama para di magising si Andrew na katabi ko. Ang kinuha namin kasing suite ay 'yung tig-isa pero ewan ko at bakit kahapon ay nagpumilit ang g*gong 'to na magsama-sama kaming apat. Umupo muna ako sa paanan ng kama habang nagkukusot ng mapupungay kong mata. I checked the wall clock and it says 5:30 in the morning, Paris time.
                              Napatayo ako when somebody suddenly tapped my back. Hawak-hawak ang dibdib na lumingon ako kay Andrew na mukhang kakagising lang. "Why so early Luke?" Humihikab na taong niya.
                              Nagkibit balikat na lamang ako at nagtungo sa closet para kumuha ng gamit. 
                              "Where are you to bro?" Tanong niya habang nakaharap sa malaking salamin while removing his morning glory. Haha.
                              Tumikhim muna ako bago magsalita. "Mamamasyal." Walang ganang sagot ko then went inside the bathroom. 
                              Ganito talaga ako every morning. I don't exactly know why pero palagi akong nababadtrip with no particular reason everytime I wake up. I took a quick bath and changed into my walking clothes. Simpleng white V-neck shirt, blue shorts and white sneakers with gray ballcap lang ang suot ko. Paglabas ko ng CR ay tapos nang magbihis sina Andrew, Red at Andrei na tingin ko ay sa labas naligo. 
                              "Tagal mo dude." Reklamo ni Red while brushing his hair.
                              Tahimik akong naglakad palabas ng kwarto when I bumped into Pia na mukhang kakatapos rin lang maligo. She was busy fixing her eyeglasses kaya marahil ay hindi ako nakita.
                              "Uhm..so..sorry." Nag-aalinlangang bulong niya sabay yuko.
                              Natawa ako sa naging reaksyon ni Pia so I immidiately lifted my hand and placed it on her head sabay gulo sa kulot niyang buhok. 
                              "It's okay. Are you going out for breakfast?" Tanong ko sabay lagay ng magkabilang kamay ko sa loob ng bulsa ko.
                              Mahinhin siyang tumango kahit nasa sahig parin nakatuon ang kanyang mga mata. I smiled again while looking at her. Kung ibang babae siya at hindi si Pia ay malamang kanina pa naglupasay sa sobrang saya. This is one of the qualities I find attractive sa kanya. She's not the type na hahabul-habol sa'yo at magkakandarapa. Natigil ako sa pagsuri ng mukha niya nang biglang kumalabog ang pinto sa likod niya at iniluwa n'un si Tanya na hindi maipinta ang hitsura.
                              "Pii, sabi ko hintayin mo 'ko eh." Reklamo niya sabang nguso. Mukhang 'di pa niya ako nakikita.
                              "I've waited Tan."
                              Tanya just rolled her eyes at bumaling sakin na mukhang nagulat pa nang makita ako.
                              "Oh!" Aniya sabay turo sa mukha ko. "Andito ka pala kuya." She bubbly said habang nakadungaw sa likod ko. Expecting for Red, maybe? Nang walang makita ay mukha siyang nadismaya. Haha.
                              "Pababa na rin kami. Sabay na tayong mag-agahan." Suhestiyon ko when I heard footsteps mula sa likod ng pinto. Malamang ay palabas na ang tatlong ugok na animo'y mga babae kung makapag-ayos.
                              "Good morning ladies." Bati ni Andrei habang diretsong nakatingin sa amin ni Pia. Binigyan ko siya ng tinging nagsasabing "I know what you're thinking dude. Ibahin mo 'ko." Kaya humalakhak ang g*go.
                                      
                                   
                                              YOU ARE READING
TWISTED FATE (On Going)
Teen FictionAre you still a virgin? A never been kissed and never been touched principle..are you following? Or are you into one night stands?? Which are you among the choices? The first, the second or the latter one? Let's see how their fate twis...
 
                                               
                                                  