XXI

3 0 1
                                        

ALEXANDER'S POV: (Pia's Dad)

"Dad, is Mom coming today?" Tanong ni George habang naglilinis ng kuko.

I don't exactly know what she's doing basta she's applying something red on her fingernails.

"I don't know sweetie. She hasn't called yet. Magpapasundo din naman 'yun sakaling pupunta siya." Answered I while grilling some pork.

Andito kami sa labas ng bahay overlooking the beautiful scenery of the island. Nasa itaas ng bundok ang villa na nabili namin ni Lia six years ago kung saan makikita ang malawak na dagat ng islang ito. I and my two children have decided to have a barbeque party daw since it's been awhile mula nang huli naming pagkikita. Sayang at wala sina Pia at Lia.

"Dad, I'm done with the kimchi." Sigaw ni J mula sa loob ng bahay.

Aside from J's architectural talent, magaling din siya sa kusina. He's a food lover kagaya ni Pia. Si George kasi ay palaging may sinusunod na healthy diet para hindi raw tumaba.

"Why so noisy kuya?" Tanong ni George sa papalabas na si J habang bitbit ang kimching ginawa niya.

Nagkibit balikat na lamang si J at dinaluhan ako sa pagluluto ng grilled pork na paborito ni George.

"Honey!" Tawag ng isang boses babae mula sa living room ng bahay kaya nagkatinginan kaming tatlo at pumasok sa loob.

"Ma!" Ani George at J at yumakap sa Mama nila.

"Wala ka bang trabaho, Hon?" Tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya. I gave her a peck on the lips ang hugged her from behind.

Natawa na lamang ako nang hampasin niya ang braso ko na nakayapos sa bewang niya. Haha. Napakapabebe talaga ng asawa kong 'to.

"I have a surprise for you guys." Excited na wika niya at tumingin sa labas ng pinto.

Napangiti na lamang ako when I saw a girl walking towards na kamukhang-kamukha ng asawa ko.

"Pii!" Sigaw ng dalawang kapatid niya at mahigpit na yinapos si Pia.

This is one of the things that truly melts my heart. Seeing my family happy is an achievement that money can't ever buy.

"Daddy." Ani Pia at niyakap ako. Her nose are red. Halatang nagpipigil ng iyak.

"What brought you here baby?" Tanong ko at hinagkan ang gilid ng ulo niya.

"I just missed you and Mom." Mahinang sabi niya at lalong hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

"Tama na po 'yang drama tito, Pia. Nagugutom na kasi ako." Basag ni Tanya sa paglalambingan namin ng bunso ko.

Natawa na lamang ako at inanyayahan silang magtungo sa labas ng bahay kung saan nakahanda ang mga pagkain para sa picnic namin sana nina George at J. Parang kanina lang ay iniisip ko pa ang mga anak ko at ang scenariong ito, ngayon ay magkakasama na kami at buo.

PIA'S POV:

Masaya kaming kumakain nila Mama at Papa kasama sina ate, kuya at Tanya. May tawanan, kuwentuhan at syempre mawawala ba naman ang kulitan?

"Kumakain ka na ng kimchi Pii?" Nagtatakang tanong ni ate George nang makita akong sumubo nang isang malaking kutsara habang hawak ang malaking lalagyan nito.

That was when I felt Tanya kicked my foot under the table kaya wala sa sarili akong napabitaw sa bowl na hawak ko.

"Ah..a..ate..ka..kasi..fe..feel kong kumain ngayon ng kimchi. Oo, tama! Feel ko nga." Nauutal na sagot ko.

TWISTED FATE (On Going)Where stories live. Discover now