The Life Of A Gold Digger
L A D Y L O V E 8 8 ' s
original story
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Hope Dianara Cortez on the picture to the right.---->
_________________________________
Prologue
Erwin
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
I parked my Black Mercedes Benz in front of the most famous and most expensive bar here in Manila. Lahat ng mga tao napatingin. Who wouldn't? Hindi ko naman sila masisisi eh. Isang Hope Dianara Cortez ba naman ang kaharap nila.
I am wearing a black body hugging chanel dress matched with my red louboutimln stilletos and an hermes birkin bag. And on top of that, I am wearing my diamond engagement ring.
Yes, I am engaged. Engaged lang naman ako sa nag-iisang heir ng Del Mundo clan. I am engaged to the super hot and super rich Miguel Del Mundo. Ang swerte swerte ko diba? Mayaman na nga gwapo pa!
Sinalubong agad ako ng mga sosyalera kong kaibigan pagkapasok ko ng bar. Lahat sila mayayaman, I don't want to be friends with poor people. They disgust me!
Nagbeso-beso kaming lahat.
"Oh my God!" Medyo maarte at maingay na sigaw ni Chloie nang makita niya ang diamond ring ko na sinadya ko talagang ibalandra para makita nila!
Chloie Marristella Gozum. 20. Anak ng isang mayamang businessman, at isa rin siyang sikat na fashion designer sa showbusiness.
"You are officially engaged to an heir of Del Mundo clan! You are such a lucky bitch!" Masaya namang pambungad ni Nics sa akin, dahil finally... After all I've been through makakasal nadin ako sa isang Del Mundo.
Monica Montemayor. Nics for short, 21 years old. Anak ng isang congressman at ipinanganak na mayaman dahil ang angkan nila ang may pinakamalaking factory ng mga dry goods na nag-aangkat sa iba't ibang bansa. They also have their own airlines and hotels sa iba't ibang parte ng bansa. (A/N: Read my one-shot collection DREAMCATCHER, The Ghost of You for Monica Montemayor's story)
"Malandi ka! What did you do to make him marry you? Babaero kaya yun!" Ang pinaka-maldita sa grupo, si Sophia Marie Mendiola. 20. The model-slash-actress. The famewhore of the group. And the most famous, hindi lang dahil celebrity siya kundi dahil anak siya ng dating presidente. Just like my two other friends, she was also born with a golden spoon in her mouth.
"You know me, I would never stop unless hindi ko nakukuha ang gusto ko!" Mas maldita ko namang sagot sakanya with matching flip pa ng hair.
Ako lang naman ang nag iisang Hope Dianara Cortez. 20. I graduated magna cum laude from the most famous and expensive school in the philippines. I am sexy, hot, beautiful and gorgeous. Smart and Intelligent. Finesse and elegant. But unlike my friends, I was not born rich. Kumbaga, I did everything to be in the place where I stand now. And when I say everything, I literally mean e v e r y t h i n g. Madami akong taong natapakan, at sinakripisyo para dito. Worth it naman diba? I'm getting married na nga to a rich bachelor.
Some people call me gold-digger, social climber, fame-whore, bitch, slut, party animal or what so ever. But I don't care! I am a strong woman, I do things in my way. I don't care what other people say about me. I don't live to please them. And besides, ipinanganak akong mahirap but that doesn't mean I can't do anything about it!
Pumasok na kami sa vip room ng bar kung nasaan nandoon ang iba pa naming mga kaibigan. Our college friends. May maliit kasi kaming reunion ngayon. Pagkapasok na pagkapasok palang namin ay masaya na kaming sinalubong ng mga ito.
Well, as usual, most of them are still assholes and bitches.
Fifteen kami sa loob ng vip room. Mabuti nalang at yung pinakamalaking vip room ang pinareserve nila. Ayoko kasi ng crowded places. Ayoko ng mabaho at mainit.
Isa isa ko silang binati at nakipagbeso sa mga girls, well... same faces, same attitudes. Mga plastic pa din ang iilan sa mga babae kong classmate noon. Sila Nics, Chloie at Soph lang talaga ang nakasundo ko, mababait kasi talaga sila kahit mga anak mayayaman talaga.
Nakipag-handshake naman ako sa mga boys, well.. Familiar pa naman sila. Except for this one particular guy na nakatayo sa likod ng mga boys. Hindi ko siya kilala eh. Hindi din siya familiar. Naging classmate ko ba ito? In fairness, gwapo siya.
Ang awkward pero nilahad ko nalang ang kamay ko para makipaghandshake, malamig naman nitong tinanggap ang kamay ko at walang kabuhay buhay na nakipag-kamay sa akin kahit na medyo nakita ko ang konting confusion sa mga mata niya.
"Excuse me, Do I know you?" Mataray kong tanong sakanya. Medyo nairita kasi ako e, ang lamig ng treatment niya. Para bang hindi siya nabibighani sa ganda ko! Like duh! Everyone tends to be attracted to me, ang ganda ko kaya!
"I'm sorry ma'am. I am your attending waiter here. Would you like anything to drink?" Kasabay nito ay ang malakas na halakhakan ng mga kasama ko! Ano? Siya yung waiter na magseserve sa amin? Bakit hindi ko man lang siya napagkamalang waiter! What the hell, nakakahiya!!! Hindi naman kasi halata. Ang gwapo niya at mukhang mayaman din. Nakasuot lang ito ng isang black longsleeves na polo. Saka ko lang na-realize na yun nga ang mga suot ng mga waiter sa labas. Geez, nakakahiya.
"Seriously, Hope... Pati ba naman waiter, balak mong patulan? Akala ko ba sa mga mayayaman ka lang dumidikit!?" Ugh! That was Dannah, ang mortal enemy ko and Miguel's ex-side chick. Wala yang ibang ginawa kundi sirain ang buong college life ko. Well, too bad. Hindi siya nagtagumpay. Miguel is mine, and the popularity is also mine.
"Sorry Dannah, but I was just being friendly. Mabait kasi ako. Hindi kagaya mong kasingpangit ng mukha ang ugali. Sabagay match lang naman. And besides, I am engaged to Miggy Del Mundo. I'm sure my fiancé wouldn't be pleased kung maririnig niya ang sinasabi mo ngayon." Confident ko namang ganti sakanya habang ibinalandra ko na naman ang diamond engagement ring ko. So ano ka ngayon? Nga-nga si Ateyy. I smirked.
"Bitch!" Namumula na siya sa galit. Hahahaha. Poor, little Dannah.
"A beautiful bitch, Dannah. A beautiful bitch." Atsaka ko siya tinalikuran para dumiretso na sa couch. Nangangawit na ko noh, ang taas kaya ng heels ko.
"Waiter, tequila please..." Binalingan kong muli yung gwapong waiter. What the hell, bakit parang ang sarap niyang tignan. Sh*t. What am I thinking. Nagulat na lamang ako ng ma-realize kong nakatitig na pala ako sa mukha niya. Ang ganda ng features ng mukha niya. Singkit ang mga mata, makinis at mamulamulang pisnge, mapupulang mga labi at matikas na pangangatawan. Ang hot na waiter na to ah!
Nagulat na lamang ako ng makitang nakatitig din siya sakin dahil nakatitig ako sakanya. Damn, huli! Ibinababa ko na lamang ang tingin ko sa damit niya at nahagip ng mata ko ang name plate niya...
Erwin.
Erwin pala ang pangalan niya.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
This is Erwin's Story from Borrowed Heaven. I hope you will like it too! :)
COMMENT VOTE AND LIKE! :)
Add to reading list or be a follower.
Check out Borrowed Heaven completed story ko po. Ty!
Love, Ja
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez