Chapter Five
My knight in a shining armor.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Dali-dali akong sumakay sa isa pang SUV ni Miggy at nagpa-drive sa driver niya patungo sa pad ni Chloie. Napilit ko kasi ang loka na magluto ng lunch. Masarap kaya magluto yun! At Kare-kare, ang favorite dish ko pa ang lulutuin niya, kaya hindi ko talaga papalampasin yun.
Mabilis din naman kaming nakarating doon at dali-dali nadin akong umakyat sa 7th floor at dumiretso sa unit niya. Nag-doorbell na ako at laking gulat ko ng hindi si Chloie ang nagbukas ng door for me. It was Soph, andito nadin pala ang loka-loka!
"Thank God andito kana Hope! Eto kasing si Chloie, she wants me to chop some veggies, hindi ko naman alam kung papaano!" Maarteng pambungad naman sa akin ni Soph. Ang arte talaga ng isang ito! Kung di ko lang kaibigan to, binatukan ko na to.
Imbis na magpakawala ng negative reaction sa attitude nitong si Soph ay ni-beso ko na lamang siya. Nakita ko ding nandun si Monica, naglalaro ng Wii sa living room ni Chloie. Parang hindi nag-ngangangawa kagabi ah. She looks fine, although she looks a little bit sad padin naman.
"Nics, andito kana din pala." Sambit ko kay Monica habang palapit ako sakanya para makipag-beso.
"Yup, I can't miss Chloie's Kare-kare." Masiglang sagot niya. Siya na ang nagbeso sakin nang lumapit ako sakanya. Im glad she's a little bit okay now. "Sorry pala kanina kasi hindi na ako nakapagpaalam. Pinauwi kasi ako ni Dad ng maaga. Emergency meeting." Oh, kaya pala paggising ko ay wala na siya sa condo ko. Ang agang emergency meeting naman ata nun! Hays, disadvantages of having a rich and strict dad.
"It's okay. Maaga din akong umalis kanina. Nagbreakfast kami ni Miggy." Tugon ko naman sakanya. "Si Chlow?" dagdag ko pa.
"Kitchen, obviously. Nagluluto. My God, Hope, where's your logic?" Singit naman ni Sophia. Tignan mo itong malditang to! Hindi naman siya kausap ko eh. Napabuntong hininga nalang ako at tinungo ko ang kitchen para puntahan na si Chloie, and there she was, naghahalo-halo ng niluluto niya.
"Hi, Chloie!" Masiglang bati ko dito at nag-beso nadin ako nung makalapit ako sakanya.
She just smiled. Ganyan yan pag nagluluto eh. Sobrang seryoso.
"Asan na yung mga gulay na icho-chop ko..." Tanong ko naman. Nagprisinta nako. Alam ko namang walang alam ang dalawang ingratitang yun sa pagluluto, or pagcho-chop man lang.
Nginuso naman ni Chloie kung nasan ang mga gulay at sinimulan ko na nga itong i-chop nang biglang pumasok yung dalawa sa kitchen.
"Oy babae, nga pala... What's up with you and that waiter guy?" Napakunot naman ang noo ko sa tanong ni Sophia. Ako at si Erwin? She's asking me kung anong meron sa amin? Bakit?
But why am I like this? Just the thought of him makes my heart run wild. Weird.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko naman dito.
"Duh! You were so wild that night, at ni ayaw mo ngang paalisin yung waiter na yun sa tabi mo eh. Kinailangan pa tuloy natin kumuha ng isa pang waiter dahil naka-pirmi siya sa tabi mo. At kapag nagtatangka siyang umalis, nagwawala ka ng parang baliw. You were so drunk Hope!" Mahabang litanya ni Chloie! Wow! First time niyang magsalita simula ng dumating ako ah.
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez