Chapter Forty-One
Am I really ready to forgive, Erwin?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
"Goodmorning Ms. Ara!" masiglang bati saakin ng mga empleyado ko pagkapasok ko ng shop. Napagpasyahan kong maagang pumunta dito dahil ilang araw nadin akong namamahinga sa bahay. Or should I say, kinukulit nitong si Erwin. At susmaryosep! Up to now, sinusundan niya padin ako hanggang dito sa boutique. He insisted on driving me here, at dahil saksakan ng kulit ang isang ito, hindi kinaya ng powers ko.
Pinagtitinginan naman ng mga empleyado ko ang kasama ko dahil nakangiti lamang itong nakasunod sa akin hanggang sa makapasok ako sa loob ng office ko. Gosh, baka kung ano pang isipin ng mga iyon. First time ko kasing magpapasok ng ibang lalaki sa loob ng office ko. Shizz.
"Bakit mo pa ako sinundan hanggang dito? Akala ko ba ihahatid mo lang ako. My God! Ang kulit mo talaga." naiirita kong reklamo sakanya ng makapasok na kami sa loob ng office ko at kaming dalawa na lamang ang andito. Nakakainis siya, umagang umaga hina-high blood niya ako. Samantalang ang mokong, ayun relax na relax lang na naupo sa coach sa tapat ng table ko habang sumisipol sipol pa. Azar!
"I am a client, Ms. Ara. You should treat me right." Kinilabutan ako ng tinawag niya ako ng Ms. Ara. First time niyang sinabi yan at seryoso pa ah. God, why so hot? And what did he just say? He's a client. Oh, please. Not again. I don't want him to get involved with my work again. It's really distracting, you know.
"Client? Interesado ka sa mga sundress, skater skirts at mga hanging sandos na dinidesign ko?" Natatawa-tawang sagot ko naman sakanya. Usually kasi mga babae ang mga clients ko, obviously... Pangbabae ang mga damit na dinidesign ko. DUH! Depende nalang kung magiging investor siya. Well, Chavez is a big name, idagdag pa ang Montenegro. It would be big help to my business. Pero ayoko padin, mamaya gamitin niya pa yun laban sakin.
"I am an investor, Hope. Pero pwede din. Haha!" Tumatawa tawang sagot naman niya. Sinimangutan ko lang siya at hindi na muling sinagot pa. Wala eh! Lakas niya mang asar eh.
"I like your office. Very feminine, bagay na bagay sa yo. Galing mo talagang mag ayos. Sa susunod, office ko naman ang ayusin mo ah." Cool naman niyang sambit habang nililibot ng mga mata niya ang kabuuan ng office ko.
Natigilan ako sa sinabi niya dahil may naalala ako. Noong inayos ko ang office niya at sinigaw sigawan niya ako, para akong tanga noon dahil wala akong kaalam alam kung bakit siya nagagalit. Yun pala dahil na naman kay Hannah, dahil si Hannah pala ang nag ayos noon kaya kahit sobrang baduy at gloomy ay ayaw niyang pakeelaman. She's that special, huh?
Ngumiti ako ng mapait sa mga naiisip ko. Tangnuh! Sumasakit na naman ang dibdib ko sa mga naaalala ko. "The last time na inayos ko ang office mo noon, halos isumpa mo ko sa galit ah. What makes you change, Erwin?" bitter kong tanong sakanya habang nakatingin lamang sa kawalan.
Bahagya siyang natigilan ng mapagtanto niya ang naiisip ko. Narinig kong napabuntong hiningan na lamang siya bago muling nagsalita. "Baby girl, alam mo naman ang mga mood swings ko noon diba?" Malambing niyang sagot. Bullsh!t, alam ko naman na! Hindi na niya kailangang idahilan pa ang pagiging topak niya kung minsan eh. Dahil alam ko naman na ang lahat. He's a big fat lie! Damn him.
I smirked. "I'm not stupid Erwin. Kung noon, wala kang narinig sa akin. Ngayon, lahat ng hinanakit ko ibubuhos ko sa iyo. Stop lying, alam kong si Hannah ang dahilan kung bakit galit na galit ka noon sa akin, kasi siya ang nag ayos ng office mo." Matigas kong usal sakanya. Nakita ko kung papaano nalaglag ang panga niya sa mga sinabi ko. "Yes, Erwin. I know everything... The picture... The office... Everything." Tumawa ako ng bahagya. "Alam ko kung papaano mo ako ginamit." Mas matigas kong dugtong.
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez