Chapter Sixty-Eight
Identity
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -I spent my whole weekend crying. Kahit anong pag aabala ko sa sarili ko ay hindi ko napipigilan ang biglang mapahagulgol. I stayed inside the condo, kasi kapag lumabas ako, I might break down and cry in public.
Lubos kong ipinagpasalamat na pagdating linggo ay bumuti ang pakiramdam ko. Nabawasan na ang pag iyak ko. Ngunit namamaga padin ang mga mata ko. Gusto kong humagulgol muli ng makita ko ang repleksyon ko sa full length ng walk in closet. I look really bad. My eyes are red, and swollen, from stress and sleepless nights. Parehong braso ko ay may pasa bunga ng mahigpit na hawak ni Erwin doon. I have a bruise on my left arm too, dala ng pagkakasagi ko sa kanto ng pader, malapit sa pinto. Kahit pa bahagya nang naging tan ang balat ko ay kitang kitang padin ang bahagyang pangingitim ng mga parteng may pasa. Nagulat din ako ng makitang may visible na sugat din ako sa akin labi, dahil kapansin pansin na mas matingkad ang pagkapula nito kung ikukumpara sa normal na kulay ng mga labi ko.
Hindi dapat makita ni Robert to. Siguradong magagalit iyon, at magtatanong kung sino ang gumawa sa akin noon. He may think that I'm suicidal, but my bruises are obviously not self inflicted. Bakat sa parehong braso ko at kitang kitang hindi ko ito kagagawan.
Kinabukasan, tinanghali ako ng gising. Hindi ako nakatulog kaagad dahil nadin sa dami ng iniisip. Sa pagmamadali ay hindi ko na napaghandaan pa ang isusuot ko. Narealize ko na lamang iyon ng nakasakay na ako sa SUV na pinadala ni Robert para sumundo sa akin. I'm wearing a sleeveless polo, and a pencil cut skirt. How can I be so careless. Dahil malelate nadin at nakaabang na ang sasakyan sa tapat ng building ay hindi nadin ako nag abalang mag make up pa. Now I look like shit!
Habang nasa biyahe ay naglagay na lamang ako ng kaunting make up. Fortunately, my make up pouch is in my handbag. I used a lot of concealer to cover my dark undereye and used a very bright red lip cream to cover my lip bruise. And to hide my bruises sa braso at sa arm ko, ginamit ko nadin ang concealer ko at ni-set ito ng baking powder. Thankfully, nabawasan naman ito at hindi na gaanong halata. Sinuot ko na lamang ang aking black aviators para kahit papaano ay maitago ang namumugto ko pading mga mata.
Nang makarating sa building ng office ay agad akong sinalubong ng isang babae. Mukha itong high schooler, base sa height at facial features niya. "Goodmorning Miss Hope! I'm Akiko. Your secretary. Samahan ko na po kayo sa office niyo." masiglang bati nito sa akin. I can't believe she will be working with me. Kung hindi lang dahil sa suot nitong corporate attire, ay pagkakamalan mo talaga siyang high school student dahil mukha talaga siyang bata. I mean, she is young, she looks even younger than 22.
I forced a smile, and removed my aviators to politely introduce myself to her which I instantly regretted. "Nice to meet you, Akiko." nawala ang ngiti nito ng makita ang namumugto kong mga mata. Damn it, I know I look terrible.
"A-are you okay po, Ma'am? Are you not feeling well?" tila nag aalangan naman nitong tanong.
I sighed. Kung siya napansin niya, mas lalo siguro si Robert. How will I explain this to him?
Dumiretso na kami ni Akiko sa opisina ko. My office is huge, and very elegant. I bet Robert hired a famous interior designer to design this. Dapat hindi na niya iyon ginawa, I can do it myself. White and gray ang motif ng opisina ko. Masigla akong ni-tour ni Akiko doon. There is a mini ref, and a mini kitchen too. Meron din doon spacious na receiving area na may isang malaking gray na couch.
Finafamiliarize ko pa ang sarili ko sa opisina ko ng yayain na ako ni Akiko para sa isang meeting. Oo nga pala, the meeting with the Board of directors. Phew! Am I ready for this?
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez