Chapter Fifty-Five
White Roses
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
My phone kept on ringing, but I am not going to answer it. Not when I'm drowning with tears and sobbing non stop. Ganito ba talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa sistema mo? I thought everything is going to be okay after being married to him, but I was wrong.
I googled Charity's relationship with Erwin and I was stunned. It was confirmed. They met before, a lot of times as a matter of fact. The Waltersons are one of the biggest investors of my husband's company. Nakita ko ang iba't ibang larawan nilang magkasama. Business Trips, madalas. Hindi man sila ganun sa ka-close at ka-sweet sa pictures. Still, it breaks my heart that my husband didn't mention anything about this girl.
At dahil dito madami akong napagtanto. Napagtanto kong hindi ko pa pala lubusang kilala ang asawa ko. Yes, we met two years ago. But we've only been together for a few months before. Pagkatapos kong lisanin ang maynila ay hindi na muli kaming nag usap. At ilang linggo pa lamang simula nang makita niya ako sa Baguio ay nagpasya na agad kaming magpakasal.
Alam ko, napakabilis ng pangyayari. Maaring sa loob ng mahigit dalawang taon naming hindi pagkikita ay nakakilala siya ng iba. Ibang taong kayang ibigay ang mga bagay na hindi ko kayang ibigay.
Tumigil na rin sa wakas ang paulit ulit na pagtunog ng cellphone ko. Its like ringing for hours now at hinihintay ko na lamang itong ma-lowbat. Siguro nga ay naubos na din ang battery kaya bigla itong natahimik. I didn't bother to look at it. Kung sino ang tumatawag ay wala nakong pakeelam, ngunit alam ko naman na si Erwin lang iyon. Maghapon akong nakatunganga lamang sa bahay. Sa mga normal na araw ay tatawagan niya ako tuwing 3 oras pero ngayon, sigurado akong nag aalala na ang isang iyon dahil kahit isa sa mga tawag niya ay wala akong sinagot.
Masyado akong nasaktan sa napanuod ko at mga nabasa ko sa internet. Charity Walterson is a beautiful woman. Lahat ata ng tao ay kaya niyang mapaikot sa mga palad niya dahil halos lahat na ay nasa kanya. May napakaganda at banyagang itsura, perpektong hubog ng katawan at malaporselana ang kutis. Idagdag pa ang kasikatan nya hindi lamang sa larangan ng pagmomodelo kung hindi sa larangan din ng business kung saan sikat ang pamilya niya. She is the perfect wife for a business tycoon. I'm sure Erwin's mom really likes her as her future daughter-in-law.
Unlike me, I'm nobody.
Ni wala akong binatbat sa babaeng ipinapareha kay Erwin. Isa lang akong trying hard business woman na may maliit na shop sa Baguio. Wala akong malalaking companies kagaya niya at napakasama pa ng background ko sa pamilya niya. Is this all the consequences?
Nakatulugan ko na lamang ang pag iisip. Kinabukasan ay nagising ako ng mabigat ang pakiramdam. Nahihilo ako dala nadin siguro ng gutom dahil maghapon akong hindi kumain kahapon. Isinantabi ko na lamang ang lahat ng iyon at pinilit na tumayo para makapag ayos na papasok sa trabaho. Hindi ko dapat pinababayaan ang business ko dahil alam kong ito na lamang ang tanging bagay na maipagmamalaki kong akin. Ang tanging meron ako ngayon.
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomanceI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez