Chapter Seventy-Nine
Proposal
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -"How's the business?" pormal na tanong nito sa akin, habang sinisimsim ang inorder niyang black coffee. Ako naman ay patuloy na nilalaro ang straw ng inorder kong java chip frappe.
"It's doing great so far. Nakaagapay pa din naman si Dad sa amin, kahit na nagretire na ito last year." kaswal ko namang sagot, pinipilit ang sariling maging normal lang sa harapan niya.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop sa ground floor ng building namin. Nabigla ako sa biglaang pagsulpot nito sa opisina ko at hindi kaagad nakapagreact ng makita ito. He chuckled a bit watching my reaction earlier, and casually asked me for a cup of coffee. He is so damn casual! Like nothing happened. I was trembling kanina. Because I missed him like crazy, tapos eto siya sobrang kalmado lang sa harapan ko.
Tumango tango lamang ito bilang tugon sa huli kong sinabi. I am trying my best to compose myself. Huwag ipakita sakanya na nagwawala na ang buong sistema ko ngayon.
"H-how about you? How are you? It's been a-.." bahagya pa akong napatigil para lunukin ang nakabarang kung ano sa aking lalamunan."..while." i think i'm about to cry. Pero kailangan ko itong pigilan at magpakatatag.
His face didn't change. Sobrang soft pa din ng facial features niya. Ang singkit niyang mga mata na kapag nakangiti ay halos nakapikit na. Ang mapupula niyang mga labi. Ang matangos nitong ilong. Sa katawan naman ay mas lalo atang nadepina ang mga braso nito. Nagwowork out ba siya? He looks even hotter now than before.
He smiled a bit before he replied "Yeah, it's been almost 3 years." bahagya nitong sinuklay ang shoulder length nitong buhok gamit ang mga daliri. He looked good before with his clean cut, but he looks even better with his long hair. He looks like a greek god.
"My family moved abroad, but I stayed here in the Philippines. Nanirahan ako sa Siargao for a while, tapos Batanes. Kauuwi ko lang kagabi." dugtong nito na sadyang ikinagulat ko. He never left the country! Pero bakit hindi nagkrus ang landas namin. Wala din kahit na sino man ang nakakita sakanya sa buong tatlong taong nawala ito.
"I learned to surf, hence my dark skin." tumatawang halakhak nito habang itinataas sa siko ang suot nitong puting longsleeves. And he's right, malaki nga ang initim ng balat nito na ngayon ko lang din napagtanto.
"I'm glad you're doing all okay." I replied while I simply smiled. I don't want to show too much emotion. It looks like he's been enjoying his life without me.
Don't get me wrong, I'm happy for him. I have enjoyed my days without him too. But I always think of him. Walang isang araw na hindi siya dumaan sa isip ko. Ganoon din kaya ito sa akin?
Bahagya akong nakaramdam ng kaunting hapdi sa puso ko lalo pa at kitang kita kong magaang ang aura at masaya ang boses nito habang nagkukwento. I'm glad he's happy, but I can't help but think na tuluyan na nga ako nitong nakalimutan.
"I'm glad you're doing okay here too." he sincerely replied.
Ilang sandali kaming nabalot ng katahimikan. Unti unting naging seryoso ang mukha nito, na siyang lalong nakapagpabilis ng puso ko.
Mga ilang sandali pa kaming nanatili sa ganoon. Nabasag ang matinding katahimikan ng mag-vibrate ang cellphone nito na nakapatong sa mesa.
"Hey, Meg." walang pag aalinlangan nitong sinagot ang tawag at dahan dahang tumayo. He excused himself and went out of the coffee shop to talk to Meg.
Tuluyang napakunot ang noo ko ng marealize kung sinong Meg ang tumawag dito. It's Megan, his ex.
Kung anu-ano na ang pumasok sa isipan ko. He's still communicating with her. Tuluyan na nga siguro itong naka-move on. Parang tinutusok ng libong karayom ang puso ko.
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
RomansI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez