Chapter Thirteen
Sir Erwin, Why so Bait?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng CEO ng kumpanyang pagtatrabahuhan ko. Ang sabi ni Manong Guard dumiretso na daw ako sa loob dahil kanina niya pa ako hinihintay. Tinanghali kasi ako ng gising. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos. Nagtatalo kasi ang isip ko kung tutuloy ba ako sa trabahong ito o hindi. Pero sa huli, nanaig pa din ang pagiging unreasonable ko. Hindi ko ma-gets kung bakit pero gusto ko ang trabaho kahit hindi ito ang linya ko.
"You are late on your first day Ms. Cortez." Malamig pero kalmadong sambit ng boss ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang. Hindi ito nakatingin, seryosong nakatuon lang ang atensyon niya sa laptop niya.
"I'm sorry sir. Hindi ko naman din kasi alam kung anong oras ang pasok ko. Hindi niyo naman kasi nabanggit kagabi-" defensive ko namang sagot pero hindi niya ako pinatapos.
"Sinasabi mo bang kasalanan ko pa, Ms. Cortez? It's already 2PM for pete's sake!" Tugon niya. This time tumingin na siya sa akin gamit ang walang emosyon niyang mga mata. Damn! He's getting into my nerves! Pero kailangan kong controlin ang sarili ko. He is your boss! Tandaan mo yan Hope!
"Sir, hindi naman po sa ganun kaso-" Hindi na naman niya ako pinatapos. Aba't ang bastos talaga ng chinitong to! Argh!!!
"Never mind... Coffee, Hope." Untag niya at binalik na niyang muli ang tingin niya sa laptop niya. Ano daw? Coffee? Yun ba ang ginagawa ng sekretarya? Ang magtimpla ng kape niya?
Padabog akong pumunta sa mini kitchen niya. Wow ah, astig itong office niya may mini kitchen talaga. Meron mini ref dito at coffee maker, kumuha ako ng mug saka nilagyan ng coffee. Bahala na siya sa buhay niya kung di masarap ang kapeng ito. I dont care! Nakakainis ang ugali ng lalaking iyon! Grr, kakadating ko lang coffee agad-agad? Ni hindi ko pa nga nailalapag ang mga gamit ko eh.
"Sir, coffee mo..." Nakangisi ako habang ibinibigay ko iyon sakanya. Tikman mo ang kapeng ginawa ko out of bitterness! Ang sama kasi ng ugali mo!
Hindi siya sumagot. Patuloy lamang siya sa pagtatype sa laptop niya ng kung ano. Hindi niya padin natitikman iyong kapeng ginawa ko.
"The table outside is yours. Tatawagan nalang kita kung may kailangan ako. Nandoon nadin ang tablet na naglalaman ng schedule ko. You just have to remind me everyday, pagdating ko dito sa office. Gusto ko mauuna kang dumating dito, pumapasok ako everyday ng 10AM, dapat before 10AM andito kana. You may go." Tuloy tuloy niyang utas sa akin habang nakatuon padin ang atensyon sa laptop. Mukhang mas matindi pa magtrabaho ito kesa kay Miggy ah. My god!
Pinalabas na niya ako kaya pumunta na ako sa table ko sa labas ng opisina niya. Simple at maliit lang ang table ko. Hindi kagaya ng table nila Miggy at Erwin, sosyal at bongga. Debale, pag ako yumaman ng bongga magpapaggawa ako ng magandang office ko. Hmp!
Nilabas ko ang picture frame ng mama ko at dinisplay sa isang side ng table ko. Tapos ni-check ko na ang tablet na nakalagay doon at ni-check ang schedule ni Big boss! Infairness ah! Medyo maluwag pa ang sched niya kumpara kay Miggy.
*Krriiiiing!*
"Ay Kabayo!" Nagulat ako sa tunog ng telepono sa table ko. Sinagot ko ito ng makabawi ako. Pero nagulat na naman ako sa sigaw ng nasa kabilang linya. Hindi pa nga ako nakakapag-hello, nakasigaw agad! My God!
"Hope! Anong klaseng kape ito? Black coffee?! Sobrang pait!!!" Galit na galit niyang sigaw sa kabilang linya. Uh-oh! Galit na si Big boss!
"Sir, sorry. Akala ko kasi dahil bitter kang tao, bitter din ang type mong kape." Pilosopo ko namang sagot sakanya habang nakangisi ng parang aso. Nakabawi din ako sa iyo!
"I am your boss! You should know your position in this company Hope! Be professional!" Galit na galit niyang sumbat. Na-iimagine ko na naman ang mukha niya. Malamang pulang pula ang mukha niya sa galit at kulang nalang ay umusok ang ilong at tenga niya sa sobrang galit.
"Okay, okay sir! sorry naman!" Tugon ko.
Narinig ko pang bumuntong hininga siya bago ibinaba ang telepono. Ang maldita ko talaga! Imagine, this is my first day of work pero binabastos ko na kaagad ang boss ko. Ang sarap kasing asarin! Lalo na at alam mong pikon!
Naging busy ang first day ko sa trabaho. Maya't mayang tumutunog ang telepono para sa mga utos ng magaling kong boss. Hindi ko nga alam kung ganoon nga ba ang trabaho ng isang sekretarya o sadyang nananadya lamang yung Erwin na yun!
7PM na nang makita kong lumabas si Sir galing sa opisina niya dala-dala ang isang black na body bag. Why so Hot? *drool*
"You can go now Hope..." Utas niya. Pero madami pa kasi akong papel na ni-cocompile at ayoko namang iwanan ang trabaho ko kaya naisip kong magpaiwan nalang muna. Hindi na naman niya ako pinilit na umuwi na, nagkibit balikat lamang siya at lumabas na ng opisina. Psh! Kainis, akala ko naman pipilitin niya ako.
After 12345678 Years, natapos ko din ang tambak tambak na papeles na inaayos ko. 8:35 na nang sumakay ako ng elevator. Wala na si Manong guard sa pwesto niya kaya ako na lamang ang mag isa.
Pagdating ko sa 1st floor ay napansin kong iilan na lamang ang mga tao roon. Iilang empleyado at ang mga security guards. Meron naring mga janitors ang naglilinis. Mukhang magsasara na! Ugh, ang sipag ko naman today!
Lumabas na ako ng building at tumambay sa waiting shed para mag-abang ng taxi. Kaso, minamalas nga ata ko ngayon, walang taxi na bakante ang dumadaan. Lahat sila may sakay. Wala namang jeep dito, o kahit ano pang pampasaherong sasakyan maliban lamang sa mga taxi.
Matiyaga padin akong nag intay pero walang dumating. Idagdag pa ang biglang pagbuhos ng malakas na ulan. Uh, Sh!t! Seryoso! Ngayon paba sasabay ang bagyong paulo?! OH MY GOSH!!!
Nilalamig na ako dahil sa malakas na hangin at sa sobrang lakas ng ulan at hangin, nababasa padin ako.
Nagulat na lamang ako ng may tumigil na sasakyan sa harap ko. This car looks familiar! Saan ko nga ba nakita to? Uh-oh, don't tell si ano yan....?
Dahan dahang bumukas ang bintana ng sasakyang nasa harapan ko, hindi ko alam kung dahan dahan nga ba iyon o sadyang nag-slow motion lang talaga ang paligid dahil sa kaba ko.
"Hope, bakit andito kapa?" tanong niya ng tuluyan niyang mabuksan ang bintana niya. Diba dapat ako ang nagtatanong noon? Bakit andito pa siya samantalang kanina pa siyang 7AM umalis ng opisina niya.
"Obvious ba?! Walang masakyan diba?!" Masungit ko namang sagot!
"As usual. You're still the stubborn, hard-headed, brat Hope. Halika na, ihahatid na kita sa condo mo. Magkakasakit ka lang kakaantay diyan. Talagang walang dadaang bakanteng taxi diyan, kasi kailangan mo pang pumila sa terminal." Mahabang pag-eexplain naman niya. Seryoso? Kaya pala kanina pa ako dito pero walang dumadaan, my Gosh! Pero, teka? Tama ba ang narinig ko, ihahatid niya daw ako sa condo ko? Ugh!
Sir Erwin, Why so Bait?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
COMMENT VOTE LIKE
Thanks!
Love, Ja
BINABASA MO ANG
The Life Of A Gold Digger
Любовные романыI thought I had everything, until I met him. I realized that everything is useless, without him. -Hope Dianara Cortez